chapter forty eight

250 2 0
                                    

Klea POV...

“ Gio.”napatingin kami kay tita Lauren na kakapasok lang dito sa mansion. “ totoo bang na kidnap si Rhian?”dahan dahan na tumango si Gio.

“ yes tita, na kidnap ang kapatid ko. Ang kumidnap sa kanya ay ang anak ni Villanova na si Alex.” nagulat si tita sa narinig nya.

“ what do you mean Denise?”naka kunot noong tanong ni tita.

“ she's Diane tita sya ang matagal na naming hinahanap and about Alex sya naman ang anak ni Villanova.”

“ what?”
“ I'm happy na sya ang kapatid mo pero si Alex? Matagal niyo na syang kaibigan pero pagpapanggap lang ang ipinapakita nya sa inyo. She's animal. Like father like daughter.”

“ actually tita tatlo sila, kasama nya si Camille at Trixie.”napahawak na lang sa sintido si tita.

“ siguradong hirap na hirap na si Rhian ngayon, kilala ko si Raymond pinapahirapan muna nila ang tao bago nila p*t*yin.”

“ mom stop. Hindi mangyayari ang iniisip mong yan, hindi nila p*p*t*yin si Rhian, gagamitin nila si Rhian para lang maibigay natin ang yaman na meron tayo sa kanila. Mukhang pero si Raymond mom, hindi ko din hahayaan na p*t*yin nila si Rhian, ngayon palang hahanapin ko na kong nasaan nila tinatago si Rhian.”

“kring......kring.”tunog ng cp ni tita Lauren. Kinuha nya sa bulsa nya ang cp nya at nangunot ang noo nya.

“ unknown number? Who's this?”nagtatakang saad ni tita pero sinagot nya ang tawag kahit hindi nya kilala yon. “ hello?”

“ Raymond?”magsasalita na sana si Xyrus ng senyasan sya ni tita na tumahimik ganon din kami. Pinindot nya ang speaker at inilapag nya yon sa maliit na table tsaka naupo sa sofa. Kaming lima ay naupo din para makinig sa sasabihin ni Raymond.

“ mabuti naman at sinagot mo Lauren. Alam mo na ba na ang batang si Rhianna Sanchez ay si Diane Mempin?”paano nya nalaman?

“ how did you know?”

“ ah alam mo na pala. Tomorrow pumunta kayo kong nasaan ang batang yon, I sesend ko na lang ang location at kong anong oras. Ikaw, si Dianna at ang anak niyong dalawa ni Dianna, kayo lang ang pupunta dito huwag kayong magsasama ng police kundi alam niyo na ang mangyayari.”malakas syang tumawa. Sobrang sama nilang mag ama, nababagay sila sa impyerno!

“ Raymond sabi—”hindi naituloy ni Xyrus ang sasabihin nya ng ibaba na ni Raymond ang tawag. “ argh! Bakit bukas pa pwede namang ngayon na?!”

“ Xyrus anak! Calm down! Hindi nakakatulong ang galit mo alam mo ba yon?!”sigaw ni tita Lauren kay Xyrus. “ pagplanuhan niyo na kong anong gagawin bukas.”

“ tita bakit pati kayo kasama?”

“ obvious naman diba na may ipapapirma sila kay mom at tita Dianna.”—Xyrus

“ Xyrus, anong gagawin nating plano?”

“ lahat ng tauhan niyo pati na din ikaw Klea papuntahin niyo sila sa hide out.”

Rhianna POV...

“ gumising ka bata.”rinig kong boses ng isang lalaki, dahan dahan kong iminulat ang mata ko pero sa sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Alex kanina ay hindi ko makayanang imulat ang mata ko dahil sa hapdi at kirot. Ilublob ba naman ako ng ilang beses sa tubig tapos nakamulat pa ako, nasa huli talaga ang pagsisisi sana pumikit na lang ako edi sana ok pa din ang maganda kong eyes kahit papaano. Gusto ko take 2 pero hwag na baka umabot kami ng araw kapag inulit nya sa akin yon.

“ alam kong gising kana bata”
“ mukhang magaling ang anak ko sa ginawa nya sayo.”natatawa nyang saad. He's Raymond Villanova. Halata naman sa sinabi nyang ‘anak ko’. Pinipilit kong imulat ang mata ko, tinitiis ko ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa nagtagumpay ako pero papikit pikit ang mata ko. Kamukha nya si Lucifer parehong demonyo, siguro magkapatid sila si Raymond Villanova ang nawawalang kapatid ni Lucifer.

Ang Boss Kong Masungit [BOOK 1]Where stories live. Discover now