chapter forty nine

290 3 0
                                    

Rhianna POV...

“ tara na, humanda na kayo!”sigaw ni Raymond kaya pinipilit kong makawala sa pagkakahawak sa akin ng dalawang lalaki.

“ Raymond nakiki-usap ako s—”hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng naramdaman kong may humampas sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay.

Alleya POV...

Kanina pa kami naghihintay dito ng text ni Raymond pero wala pa din. Mag t-text pa ba ang demonyong yon?

“ Lauren!”rinig naming sigaw mula sa labas, kaya nabaling ang tingin namin don. Nakita naming pumasok si tita at tito Den dito sa mansion. “ ano meron na bang text si Raymond?”umiling si tita Lauren. Bagsak balikat na naupo si tita Dianna ganon din si Tito Den. Sa paghihintay namin ng ilang minuto ay may tumawag din.

“kring......kring....”si Raymond tumatawag? Akala ko ba mag t-text sya? Lahat kami ay nagtaka.

“ bakit sya tumatawag?”nagtatakang saad ni Gio.

“ hindi ko alam pero sasagutin ko na.”sinagot ni tita ang tawag. “ Raymond nasaan na ang location na isesend mo?”

“ ano ba?! Dahan dahan nga lang!”rinig naming sigaw ni Rhian mula sa telepono.

“ Raymond hwag nyong sasaktan si Rhian!”galit na turan ni Xyrus. Malakas naman napatawa si Raymond.

“ Raymond ibalik mo na sa amin si Rhian.”saad ni tita Dianna.

“ ow, magkakasama na pala kayo. Okay. Nandito na kami, bye.”ibinaba ni Raymond ang tawag.

“ anong ibig nyang sab—”

*/BANG

napatingin kaming lahat sa labas.

“ it's Raymond.”tumayo kaming lahat at lumabas. Nakita namin ang maraming tauhan ni Raymond, pshh mas marami pa ang tauhan nila Xyrus, Denise at Klea sa tauhan nya. Tignan lang natin kong makaka-uwi pa kayo sa mansion niyo Raymond.

“ ano ng gagawin natin, sila na mismo ang pumunta dito at ang dami nilang tauhan. Tayo ni isa wala.”tugon ni tita Lauren.

“ don't worry mom.”pinindot ni Xyrus ang relo nya. Ang relong yon ay contact ni Xyrus sa mga tauhan nila oras na marinig nila yon ay pupunta na sila rito.

“ it's been a while Lauren, Dianna at Den.”nakangiting saad ni Raymond. Nakita naming inilabas nila sa van si Rhian kasama si Alex at yong dalawa.

“ tita!”sigaw ni Rhian ng makita nya kami. Nakatali ang kamay nya at may pasa at sugat sya sa mukh. Maglalakad na sana si Xyrus ng pigilan namin sya.

“ now na nahanap ko na ang anak nyo Dianna at Den, bago ko ibalik itong batang toh sa inyo kailangan niyo munang pirmahan ang ibibigay kong papel para mapasa-akin na ang yaman niyo.”napailing na lamang ako sa sinabi ni Raymond. Nangunot ang noo ni Rhian at tumingin kay Raymond.

“ hindi kana ba talaga magbabago Raymond?! Bibigyan ka namin ng pagkakataon para itama lahat ng kasalanan mo kaya ibigay mo na ang anak namin!”sigaw ni tita Dianna kaya napatingin si Rhian kay tita habang ang noo ay naka kunot.

“ HAHAHAHAHA. Matagal ko ng hinihintay ang pangyayaring ito Dianna tapos sasayangin ko lang? No way!”

“ bonakid, pag nagbago ka at yang anak mo Raymond edi happy happy.”sabat ni Rhian.

“ shut up! Kong ayaw mo pang mamatay.”nangangati na ang kamay ko gusto ko ng p*t*yin lahat ng tauhan nya. Napatahimik si Rhian.

“ btw Xyrus kulang pa ba ang ginawa ko sa mukha ng pinaka-mamahal mong ito?”nakangising tanong ni Alex kay Xyrus. Kong nalaman ko agad na sya ang anak ni Raymond, siguro makakalbo ko yang babaeng yan, kumukulo pa man din ang dugo ko sa kanya. Nakita kong naiyukom ni Xyrus ang dalawa nyang kamao.

Ang Boss Kong Masungit [BOOK 1]Where stories live. Discover now