4: Walk in the Garden

294 12 0
                                    

"Rosan, are you sure you're okay?" Ivan asked. Katatapos lang gamutin ng nurse ang braso ko na nadaplisan ng bala kanina. Nandito na kami ngayon sa mansion. Agad akong inuwi ni Ivan sa amin after what happened.

Marahan akong tumango bilang sagot sa tanong ni Ivan. Napabuntong hininga naman siya. "What are you even thinking at bakit ka sumugod doon mag-isa?"

"I just want to warn them."

"Warn them? Look at you. You're hurt."

"Daplis lang ito ng bala, Ivan. No need to overreact." Sabi ko. Dati pa man ay ganito na siya, wala siyang pinagbago. Siya pa din yung Ivan na kaibigan ko na lagi akong inaalala.

"Buti na lang dumating ako agad doon, Rosan. Paano kung nahuli ako?"

"Why are you even there in the first place?" Balik kong tanong sa kaniya.

"I'm the one who's talking here first." Sabi niya.

"Well, it doesn't mean that I can't talk just because you talked first. So explain yourself, Suarez." Sabi ko. Napabuntong hininga naman siya.

"I was about to visit you when your Dad told me na pumunta ka sa casino ng mga Fuentez kaya agad kitang sinundan." Paliwanag niya. Hindi na ako magugulat kung alam ni Dad. He has ears everywhere.

"You're supposed to be abroad, right? Bakit nandito ka ngayon?" I asked. Dahil hindi naman ito nangyari before. In my previous life, sobrang tagal nanatili ni Ivan sa ibang bansa na kahit sa huling hininga ko ay hindi ko siya nakita.

"Well, I received a report that the export of grapes from the South is delayed kaya nadelay na din ang production namin ng wine. My men told me na ang mga Fuentez ang may kasalanan kaya umuwi agad ako dito para sana ayusin ang problema." Sagot niya. So, this is it? The sequence of event is connected to the first change I did. Which is ang pagtanggi ko sa pagpapakasal kay Benard. Nung tumanggi ako ay nagkaroon ng gulo between Fuentez and Fuego. They ruined the supply of grapes na pinapadala sana ng South sa West para sa dadating na festival doon. At dahil nga delay na ay napauwi si Ivan para lutasin ang problema. Para siyang nag-domino.

"So, what did you do to them?" I asked.

"Why? Are you worried for your ex-fianceé?" He chuckled kaya nga inirapan ko siya.

"As if." Sagot ko.

"Well, for the sake of your curiosity, nope I didn't kill them...yet." Nakangisi niyang sabi.

"I just ruined all their casinos." Kibit balikat niya.

"Nagsisimula ka ba ng war laban sa kanila? You know well that they won't stand still."

"So what? They ruined the supply of grapes to the West. Kaya sinira ko din mga casinos nila. We're even." Dahilan niya kaya napailing-iling na lang ako. Between grapes and casinos, I don't think I can call that even.

Ilang saglit pa ay nagulat ako nang biglang dumating si Tori at agad lumapit sa akin.

"Rosan! You made me worried." Sabi niya. Napansin ko naman ang titig ni Ivan kay Tori kaya napailing-iling na lang ako.

"I'm fine, Tori. Thanks for worrying. Naabala pa tuloy kita at napapunta ka dito." Sabi ko.

"Hindi ka abala, Rosan. Ano ka ba hays." Sabi ni Tori sabay napabaling kay Ivan.

"So, you're here huh?" Nakangising tanong ni Tori at napatingin din sa akin. Napailing-iling na lang ako ulit. I know what she's thinking.

"Yeah, because I'm the one who brought her here." Simpleng sagot ni Ivan na parang hindi nasesense ang iniisip ni Tori.

"Hmm. I see, I see." Nakangising sabi ni Tori.

-

"Bye, Rosan! Please get well. At saka kung may balak ka sumugod next time, please call the girls." Sabi niya habang nakaakay sa braso ni Nixon. Ngumiti na lang ako and bid her goodbye.

Nang makaalis na ang sasakyan nila ay napatingin ako kay Ivan na nakatanaw pa din sa kotse nila Tori na kakaalis lang.

I know Ivan still loves Tori up until this day. At ang tanging nagagawa niya na lang ay tumanaw dito mula sa malayo.

"So, aren't you going home yet?" I asked since gabi na din.

"Grabe hindi naman halata na gustong-gusto mo na ako pauwiin, Rosan." Halakhak niya.

"Then ano pang gagawin mo dito?" Sabi ko. This is the reason why they're teasing us. Hays. Pero hindi nila alam na talagang close lang kami ni Ivan as partners. Nothing else and nothing more.

"Makikitambay muna. Don't worry about your Dad, we're closer than you think. Gusto mo nga dito pa ako makitulog." Sabi niya kaya hinampas ko siya.

"Shut up, this is the reason why they're teasing us! Tsk." Sabi ko pero he just chuckled. Nagdesisyon kaming maglakad lakad sa may garden namin.

In our garden, we don't have many flowers gaya ng garden ng mga Mera. Our garden mostly consists of trees and shrubs.

"You know what, Rosan? I want to ask you this ever since you broke your engagement with that Fuentez." Bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya.

"What is it?"

"I heard from Tori how much you like that Fuentez, you don't even believe their words kahit na sabihan ka nilang wala kang mapapala kapag pinakasalan mo ang Benard na iyon. And then suddenly, you broke the engagement. So, why?" He asked.

"Bawal ba mag-iba ng desisyon?" Nakangisi kong sabi. "Hmm. Wala, narealize ko na lang bigla na I don't want him anymore." Tuloy ko.

"So, it means that you still love him? It's just that you don't want him anymore?"

"Hindi ba parehas lang iyon?" I asked.

"Loving and wanting a person is different, Rosan." Sagot niya kaya natahimik ako at napaisip.

Do I still love Benard? Yes, I suffered a lot from him in my previous life to the point that I killed myself. Halos ang nararamdaman ko na lang para sa kaniya ay hatred. I can't even say if I still love him dahil every time na makikita ko siya ay nanunumbalik ang lahat ng traumas ko. Pero hindi ko naman itatanggi na minahal ko talaga si Benard. At iyon ang pagkakamaling nagawa ko in my previous life, ang mahalin siya.

"I don't think I love him nor want him. I just don't want to involve myself with him anymore." Sagot ko.

"How about you?" Baling ko sa kaniya.

"What about me?" Taas kilay niyang tanong.

"You still love her?" I asked referring to Tori. Hindi siya nakasagot agad.

"To be honest, I don't even know. I think I'm just confused about my feelings right now. Siguro may part sa akin na gusto ko pa din siya, pero may part din sa akin na tanggap ko na. Tanggap ko na hanggang doon na lang kami. But, yeah, I believe time will heal my broken heart." Sagot niya saka tumawa.

"Alam mo umuwi ka na nga hays, mamaya magdrama ka na naman sa akin." Sabi ko. Ako kasi ang naging takbuhan ni Ivan sa mga problema niya mostly about Tori. Kaya naging close din talaga kami. Nung kami pa ni Benard sa previous life ko ay selos na selos din siya kay Ivan. He warned me not to get close to him anymore kaya ako ang nag-cut off ng connection namin ni Ivan. Kaya nga I can't blame him kung hindi niya na talaga ako kinausap after me and Benard got married.

"I assure you, I won't do that anymore. I'm done with that phase." He chuckled.

"Let's just drink together next time without dramas." Sabi niya saka umakbay sa akin pero inis kong inalis ang braso niya.

"Argh, geez. Kakauwi mo lang ulit tapos inuman agad nasa isip mo. You don't even have a high tolerance for alcohol." Inis kong sabi kaya natawa na lang ulit siya.

"Hays, Rosan. What would I do without you. Hahaha!" Sabi niya at inakbayan ulit ako pero ulit ulit ko na lang inalis ang braso niya. Tsk! Kung alam lang nila Tori na ganito ang totoong turingan namin ni Ivan paniguradong hindi nila kami pag-iisipan ng kung ano. He's just acting like a brother teasing his younger sister.

***
(Rosan's photo on the gallery...)

You Should Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon