8: Resilient Love

160 12 0
                                    

Hello everyone, I'm back! Sorry sa sobrang tagal na walang update. Now, let's continue this story!

Update will be every other day! Hope you're still hanging in there. Hehe.

***

After the performance ay ganap nang nagsimula ang sunset festival ng West kaya nagsimula na ulit magsiyahan ang mga tao at mga nagsisayawan sa gitna ng hall. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang magkakahawak ang kamay at nakapaikot sa gitna. Nagulat na lang ako nang hatakin ako ng isa sa mga tao para masali sa sayawan sa gitna. Iyon kasi ang sayaw nila, na kapag may humatak sa iyo ay hindi ka dapat tatanggi sumayaw. Kaya nga napasayaw na lang ako at nakisaya sa kanila.

Natawa na lang ako nang makitang nasa crowd na din sila Tori dahil may humatak na din sa kanila kaya nga nagsisayawan na lang kami sa gitna.

"Wooo! Parteeeehhh!" Sigaw ni Eloise na sinabayan naman ng sigaw ng mga tao kaya natawa ako.

Sa sobrang kasiyahan at kakatalon ko ay bigla akong nawalan ng balanse, pero nagulat na lang ako nang may biglang sumalo sa akin. Nang mapalingon ako ay nakita ko si Ivan.

"T-Thanks." Sabi ko at umayos na ng tayo tapos nakisigaw na lang ulit kila Tori.

-

Nang pumatak ang alas dose ay nagsimula ng tumugtog ang orchestra bilang closing remarks. Lahat ng taong nagsisigawan kanina ay tahimik nang nakikinig ngayon sa tugtog.

Nang matapos ang closing remarks ay unti-unti na ding nagsialisan ang mga tao kaya nga umalis na din ako kasabay sila Tori. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Ivan dahil nakita kong busy siya sa pagbibid ng farewell sa mga noble.

Nang makasakay ako sa sasakyan ay agad ng nagmaneho ang driver ko pabalik sa mansion namin. Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa bag para sana itext na lang si Ivan na nakaalis na ako nang bigla kong nakita ang tinapay na inabot sa akin ni Ivan kanina. Ang love bread na inabot sa amin ng matandang tinulungan namin.

At dahil nacurious ako kung anong kulay ang nasa loob ng hugis pusong tinapay ay agad ko na itong binuksan at hinati sa gitna. Napatigil na lang ako nang bumungad sa akin ang kulay purple. It's resilient love.

Napangiti na lang ako saka kinain ang tinapay habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa libro.

Resilient love means fully loving yourself and your life fully as it is, not feeling like you are alone in life without a partner to fulfill you. This doesn't mean closing your heart to love, but fully embracing the love that is already around you while keeping your heart open until the right partner comes along.

Mula nang malaman kong nabuhay ako ulit at nabalik dito sa nakaraan, wala akong ibang inisip kung hindi maghiganti. Iyon ang goal ko. Pero hindi dapat ako magpabulag masyado sa ganoong pag-iisip, dapat ang ikabubuti ko pa din ang isipin ko.

I should love myself more in this new life. Bagay na hindi ko nagawa before. There's a reason why I was given a second chance in life. Siguro dahil panahon na para bigyan ko naman ng pagmamahal ang sarili ko.

-

The next day, I was called at the meeting kaya nga nang matapos ako magprepare ay dumiretso na ako sa meeting hall. Nang pumasok ako doon ay nagbow ang mga noble sa akin. Naupo ako sa bakanteng upuan na nasa gilid ni Dad. Nang makaupo ako ay naupo na din ang mga noble. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko dito.

Nang sumenyas na si Dad ay nagsimula nang magsalita isa-isa ang mga noble sa kung tungkol saan ang meeting na ito. Hindi kasi sinabi sa akin ni Dad, sinabi niya lang na kailangan kong pumunta.

You Should Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon