5: No More Innocence

287 11 3
                                    

Since medyo nadelay na nga ang dapat na pag-angkat ng grapes sa West ay ginawan na lang namin ng paraan ito ni Ivan. Naging busy kami in the past few weeks sa pag-aasikaso sa paghahabol doon.

Ngayon naman ay nagpunta ako dito sa downtown para bisitahin ang mga trabahador namin na naapektuhan sa panggugulo ng mga Fuentez. I need to make sure that they're fine. Wala naman nangyaring masama sa kanila pero yung ilan sa kanila ay binugbog ng mga tauhan nila Benard kaya pinag-leave ko muna sila sa trabaho. At ngayon may dala akong mga pagkain para sa mga pamilya nila.

"Maraming salamat po, Miss. Napakalaking tulong po nito sa amin." Napangiti naman ako.

"Walang anuman po. Wala pa po iyan sa naitulong niyo sa pamilya namin. Humihingi din po ako ng tawad sa nangyari na insidente dahil nadamay pa kayo sa problema."

"Ayos lang, Miss. Ayaw din namin sa mga Fuentez kaya kinatutuwa nga po namin na tinanggihan niyo ang kasal." Natawa na lang ako dahil doon tapos nagpaalam na sa kanila. Sila na ang huling pamilya na binisita ko.

Nang mapatingin ako sa orasan ko ay nakita kong alas kwatro na pala ng hapon. Kaninang umaga pa kasi ako nag-iikot para bisitahin isa-isa ang mga trabahador namin na nadamay.

"Should we go back to the mansion now, Miss?" Tanong ng driver. Napatingin naman ako sa paligid.

"Hmm. I think mag-iikot ikot muna ako dito saglit. Can you wait for me here? I think I'll be back here in 30 minutes. Mag-iikot lang ako dito sa plaza saglit." Sabi ko.

"Understood, Miss." Sagot nito kaya nga nagsimula na akong maglakad at mag-ikot ikot dito sa plaza. Napagdesisyunan kong tanggalin muna ang family crest sa damit ko at pagsamantala muna itong binulsa saka sinuot ang amethyst pin na gaya ng suot ng mga karaniwang mamamayan ng South.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang paligid. Ang masasayang tao, ang mga tinderang nag-aalok ng mga paninda nila, ang mga amoy ng mga iba't-ibang pagkain.

Nang mapadaan ako sa isang pamilyar na flowershop ay agad akong pumunta dito.

"Hello, hija. Anong bulaklak ang hanap mo?" Nakangiting bati sa akin ng matandang tindera. Kaya napatingin ako sa mga bulaklak pero hindi ako makapili.

"Bagay sa iyo itong white roses dahil sa inosente mong mukha, hija." Sabi sa akin ng matanda sabay pakita ng white roses. Napatitig naman ako dito. "Sige po, I'll take the white roses." Sagot ko.

"Sige saglit at ibabalot ko lang para sa iyo." Nakangiti nitong sabi kaya agad niya na itong ginawang bouquet. Nang matapos ay agad niya na itong inabot sa akin.

"Alam mo ba ang meaning ng white roses, hija?" She asked. Marahan naman akong napatango.

"It's a symbol of innocence and purity po," sagot ko. Nakangiti naman siyang tumango.

"Tama ka, pero meron pang ibang meaning bukod doon."

"Ano po?" I asked.

"Bagong simula." Nakangiti niyang sabi. Napahinto ako doon at hindi na sumagot. Nagpasalamat na lang ako sa matanda at saka nagpaalam na. Since lumipas na din ang 30 minutes ay nagdecide na akong maglakad pabalik kung nasaan ang kotse.

Kaso nagulat ako nang biglang may humatak sa akin sa may alley kaya nabitawan ko yung bouquet. Tinakpan nila ang bibig ko pero agad akong nagpumiglas at sinuntok sa mukha ang nasa harapan ko sabay tinapakan sa paa yung nasa likod ko. Napasigaw ito sa sakit dahil bumaon ang takong ko sa paa niya.

Apat silang mga lalaki na may takip sa mukha ngayon, nilabas nila ang hawak nilang kutsilyo saka sumugod sa akin. Buti na lang at hindi sila nagdala ng baril. Siguro ayaw nilang gumawa ng komusyon dahil balak lang nila akong dukutin. Nasa kalagitnaan kami ng paglalaban ng biglang may dumating.

"STOP!" Sigaw niya sa mga lalaki kaya napahinto ang mga ito. Nang lingunin ko kung sino ay napakunot noo ako. What the hell are you doing here, Benard?

"This is an order. Go back!" Maotoridad na sabi ni Benard sa mga lalaki. Nagtinginan ang mga ito pero ilang saglit pa ay nagbow ang mga ito kay Benard saka umalis ang mga ito.

"Rosan, are you okay?" He asked worriedly. Agad ko namang tinabig ang kamay niya at tinutukan siya ng baril na agad kong hinugot sa pocket ko.

"What the heck are you doing? Mga tauhan niyo iyon no? May balak na naman kayong masama? Hindi pa ba kayo nadadala?" Inis kong tanong. Napabuntong hininga naman siya.

"No, Rosan. That's not me. My father sent them. I decided to follow them para iligtas ka." Sagot niya.

"And why would you do that?"

"Rosan, I care for you. Hindi ba halata?" Sabi niya kaya lalo akong naguluhan.

"I embarrassed you in front of many people during our engagement party, sumugod ako sa casino niyo, Ivan ruined all your casinos, and then you expect me to believe na nag-aalala ka para sa akin?" Sagot ko.

"Rosan, my father is the one who wants war not me. I'm not your enemy."

"Ha! So, sinasabi mo ba na binebetray mo ang pamilya mo para sa akin? Stop all these lies, Fuentez. Hindi mo ko makukuha sa kasinungalingan mo. I know you're plotting something to destroy our family like your father."

"Rosan, please believe me. I just want to protect you this tim--" hindi pa natatapos ang sasabihin niya ay agad akong nagsalita.

"Protect me huh?" Sarkastiko kong sabi, nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa mata ko nang mag-flashback na naman sa akin ang mga pinaggagawa niya sa akin in my previous life.

He told me this word too nung nanliligaw pa lang siya sa akin before. I believed those words in my past. I trusted him. I gave him all my heart, but he broke them into pieces.

"So, you want to protect me now huh? That's fvcking hilarious, Fuentez." I laughed habang pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa mata ko. Pinilit ko din itago ang nanginginig kong mga kamay at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa baril na nakatutok sa kaniya ngayon. Naghahalong pagkadismaya, galit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Pero isa lang ang alam ko ngayon. Hindi na ako takot sa kaniya. I decided to neglect my fear and be stronger. I should not fear him.

"Guess what? I don't need your fvcking protection. I don't fvcking want to involve myself to you anymore, Fuentez! Ayaw na kitang makita kahit kailan! Fvcking go to hell and leave me alone!" Sigaw ko.

"R-Rosan--"

"I'll count, Fuentez. If you don't fvcking leave after the count of 3, I will shoot you."

"Rosan, p-please--"

"ONE!"

"Rosan..."

"TWO!"

"Please, Rosan just listen to me."

"HINDI MO BA AKO NARINIG?! I SAID LEAVE!" Sigaw ko kaya nga napabuntong hininga siya at nagdecide ng umalis. Nang tuluyan na siyang makaalis ay napaluhod ako dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Napatakip na lang ako sa mukha ko at doon na humagulgol.

Sino siya para sabihin ang salitang iyon? Wala siyang karapatan para sabihin na pprotektahan niya ako. I fvcking killed myself and died in my previous life because of that promise.

Napatitig na lang ako sa white roses na nasa sahig na nabitawan ko kanina. Madumi na ito pero nagpasya pa din akong pulutin ito.

There's a reason why I was given a second chance in life. At hindi ko na hahayaan pa ang sarili ko na maniwala ulit sa mga salita ni Benard. I will not fvcking let him repeat my cruel past.

This is a new beginning with no more innocence.

***
(Rosan's photo on the gallery...)

You Should Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon