12: The Researcher

177 9 1
                                    

Sa ngayon, hindi pa nasisimulan ang mas malalim na research about sa Digitalis. Nagsimula ito magsimula nang mamatay si Dad dahil maraming nobles ang naospital din dahil iisang sintomas lang ang nararamdaman nila at lahat sila ay gumagamit ng cigarette from the Romenos.

There's a researcher who successfully proven its real effects. But they didn't state the real name of the research to protect the identity and life of that person. Since malaking company ang kinalaban niya. Pero sa pagkakatanda ko hindi siya taga South. Taga West siya. Ang pangalan lang na kilala siya ay Ivonne Archer kaya mas lalong hindi matanggap ng mga Romenos ang totoo dahil babae daw ang nagpabagsak sa kanila. I need to find Ivonne in order to ban the cigarette.

Kaya nga agad akong pumunta sa West para subukan na humingi ng tulong kay Ivan. Pagkapasok ko ng premises nila ay natanaw ko sa malayo si Ivo. I saw him holding something kaya nga nang medyo mapalapit ako ay doon ko nakita na hawak niya din ang pakete ng sigarilyo from the Romenos. Nanlaki naman ang mata ko at agad siyang nilapitan.

"I-Ivo, don't tell me you're smoking that?" I asked. Tila nagulat siya sa presensiya ko dahil bigla akong sumulpot out of nowhere.

"Miss Rosan, you're here. Good morning to you, too." He chuckled.

"U-Uhm, sorry for my late greetings. Good morning." Sabi ko.

"Don't worry I stopped smoking a long time ago, and it was when Aziz was born." He smiled.

"Then why are you holding a box of cigarettes?" I asked.

"Oh. This? A friend gave this to me as a gift. Are you familiar with this product? Sikat daw ito ah? Itatry ko sana--"

"DON'T!" Sabi ko bigla kaya napatigil siya ilang saglit tapos bigla na lang siyang humalakhak kaya napakunot noo ako.

"Chill. I'm just kidding." Sabi niya. I sighed. Magkapatid talaga sila ni Ivan.

"Rosan!" Tawag ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako at nakita si Ivan na mukhang kakalabas lang ng mansion nila.

"I'll be on my way na." Sabi ko kay Ivo at saka umalis na doon at nagtungo kay Ivan.

"What are you doing there?" Ivan asked.

"Uhm, wala naman. I just greeted Ivo since I saw him pagkapasok ko." Sabi ko kaya napatango na lang si Ivan. I can't tell Ivan yet that I saw Ivo holding that cigarette since hindi ko pa naeexplain kay Ivan ang buong sitwasyon.

Nang makapasok kami sa loob ng office niya ay agad kaming naupo sa may receiving area niya sabay pinagtimpla niya ako ng tsaa at inalok sa akin.

"So, what brings you here bukod sa nalalapit nating engagement party?" He asked. Napangisi naman ako dahil talagang kilala na ako ni Ivan.

"Okay, I'll be straightforward. I'm wondering if you're familiar with a researcher named Ivonne Archer? It was said that she's from West." I asked kaya napatigil siya. Pero bago pa magsalita si Ivan ay biglang pumasok si Ivo.

"Are you looking for me, Miss?" Nakangiting bungad ni Ivo kaya napakunot noo ako at napalingon kay Ivan with confusing look.

"Ivonne is our mother's maiden name, and Archer is where my brother's name came from. Ivo means 'archer'." Ivan sighed. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko dahil doon.

"B-But I thought that Ivonne Archer is a woman?" I asked.

"Hmm. Yeah, I pretended to be a woman because I want to see the faces of those nobles when they discover that the one who beat them is a woman. This is a secret that only you and my brother knows, Miss. Kaya gusto ko sanang makiusap na gawin mo itong sikreto na tayong tatlo lang ang may alam. I don't want my enemies to discover who I am." Ivo chuckled saka ininom ang tsaa ni Ivan at tumabi sa gilid ni Ivan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Should Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon