LVII

13 1 0
                                    


CHAPTER#: 57

THIRD PERSON P.O.V

NAKASIMANGOT ang quintuplets. Kasalukuyang nasa veranda sila kung saan nakaupo sa babasaging upuan. Mula sa labas na kinapupwestuhan, kita nila ang kanilang Mama na mahimbing pa rin ang tulog at hindi pa nagigising. Mag iisang araw na ang nakalipas. Inaagaw na ng kanilang Lola at Lolo ang eksena sa storya at ang pinaka malala, hindi sila gaano makapaghasik ng kadiliman---kung kaya't nang hihina na sila. Sila man ay pasaway at madalas awayin ang kanilang Mama, ayaw naman nila makita sa gan'tong sitwasyon ang kanilang ina. Hindi sila mapalagay, hindi sila nagsasalita tuwing may lumalapit sa kanila na alam nilang kapamilya ng kanilang ama. Sa murang edad at matalas na pag iisip. Madali na lang sa kanila maintindihan ang mga nangyayari sa paligid. Ayaw nila pangunahan ang Mama nila na alam nilang madalas nalulungkot pa rin sa tuwing kasama si Dalter. Nakangiti man ito at mukhang maharot. Alam nila ang likaw ng bulate ng Mama nilang shunga.

Nakasuot sila ngayon ng simpleng pambahay na damit na nababase sa kanilang color coding na magkakapatid. Nakayuko sila habang nasisikatan ng araw. Maaga sila nagising para tignan si Consonant . . . na ayaw pa gumising.

"Pagkagising ni Mama . . . uwi na tayo?" Mahinang bulong ni Arkus na sumisinghot na.

Tumango ang apat at linapitan ang kanilang bunso na naiiyak. "Shh huwag kang iiyak kapatid. Nakakapangit iyan, sige ka," saad ni Erkus na napapasinghap na dahil tutulo na rin ang luha.

Nagkatinginan si Ikarus, Odanus at Uranus, huminga ng malalim ang tatlo at inalo ang dalawa nilang kapatid na nagyayakapan. Nagsalita ang nalulungkot na si Odanus, "n-nakatulog lang naman si Mama---uwaaa! Huhuhu!" Hindi na nito napigilan umiyak, nag uuanahan na rin tumulo ang luha ng apat at sinimulan na nila yakapin ang bawat isa.

"Aanhin ko ang yaman kung wala ang bruha?" Ani pa ni Odanus. Ngumawa ulit ang mga kapatid niya.

Ganitong ayos nadatnan ni Dalter ang mga anak. Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang dibdib. Kahit alam niya at pinaintindi na rito sa mga bata ang hindi malalang kalagayan ng kanilang ina, hindi talaga napapalagay ang mga ito. He blame himself sa kalungkutan na nararanasan ng mga anak.

Habang nakasilip din si Dexia sa nakasiwang na pintuan ng anak. Kita niya ang walang emosyon na mukha ni Dalter at ang higpit na pagkakahawak nito sa tray na naglalaman ng almusal ng mga bata. Dahil sa nangyari. Hindi magawang lumabas ng silid ng mga ito. Nakaramdam ng pagsisi si Dexia. Ewan niya ba kung bakit may pagka shunga siya at pakialamera!

Tumikhim si Dalter. Nakuha nito ang atensyon ng mga bata. Marhang ipinatong ni Dalter ang hinanda niyang almusal sa babasaging mesa. Nakaluhod ang isang paa niya para mapantayan ang paningin ng mga anak. Isa-isa niya tinignan ang kanilang anak ni Consonant. Huminga siya ng malalim at napayuko.

"I-I'm sorry . . ."

He felt it again, the throbbing pain on his chest. He swallowed hard. And take a deep breath for the nth time. Kinakabahan siya sa sasabihin ng mga anak sa kaniya. Kaya hindi niya magawang itaas ang kaniyang ulo sa pagkakayuko. Nahihiya siya sa mga anak, lalo na sa ginawa ng kaniyang Mama.

Nagsalita si Ikarus, "huli na rin naman po ang lahat. Nandirito na kami, a-at tulog pa si Mama ngayon, sampalin niyo nga baka magising!"

Nasaktan siya lalo. Habang sinamaan naman ng apat na bata ang kapatid nilang si Ikarus.

"Hindi naman namin ikaw sinisisi Pa---pero oo, may kasalanan ka!" namasa ang gilid ng mata ni Dalter. Sinaaman ng apat ang bunso. Nag peace sign lang ang isa. Hindi niya na pinuna ang tinawag sa kaniya ni Arkus because he feel sad and pain towards everything. Hindi na yata sa kaniya mawawala ang panghihinayang sa pamilya.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon