C H A P T E R: 4

THIRD PERSON P.O.V

"Kuya! Tinatawag ka ni Mom! Baka magsisimula na raw ang mass!"

SIGAW ni Drape mula sa labas ng kaniyang kuwarto. Napabuntong hininga siyang inayos ang polong kulay pula. Hinawi niya ang buhok at hindi na inabala pang ahitin ang balbas at papatubong bigote. Sa sobrang stress hindi na niya gaano na aalagaan ang sarili.

It's Christmas pero mas mukhang pang biyernes santo ang kaniyang mukha. Ang ngiti niya ay nagmumukhang ngiwi.

He sighed for the 10th times. Lumabas na siya sa silid at bumungad sa kaniya ang kapatid na si Drape . . . Ang sumunod sa kaniya. His younger brother. Tipid itong ngumiti sa kaniya gayon din siya. Nakapamulsang lumapit ito at tinap ang kaniyang malapad na balikat.

"Smile dude. Pasko ngayon. I have a gift for you, secret lang 'to-Teddy bear siya para may ka-cuddle ka naman sa malamig mong pasko."

Sinamaan niya 'to ng tingin. Lumawak lang ang pagkakangiti ng kaniyang kapatid at tinawanan siya, sabay binaybay ng magkapatid na lalaki ang daan papuntang sala kung saan naghihintay ang kanilang magulang at dalawa pang kapatid.

Tradition na ng pamilyang Floorman na kumpleto sila lagi sa tuwing siniselebra ang mga okasyon ng pamilya. Kahit mapa-valentines day at birthday ng gorilla ng kanilang Lola ay dapat kumpleto silang lahat. Magtatampo ito at magpapabebe sa mga apo niya kapag ni-isa sa kanila ay 'di pumunta at naka-attend sa kanilang family gatherings.

Linapitan silang dalawa ng tatlong babae. Malapad ang ngiti nito sa kanila with open arms. Hindi magawang ngumiti ni Dalter samantalang tipid lang ang ibinigay na ngiti ni Drape. His mother Dexia and their elder siters. Ang kambal na si Dalla and Danna.

Parehong may anak na ang kanilang dalawang ate at masaya na sa buhay. Nakita pa nila ang tatlong anak na lalaki ni Dalla at dalawang anak naman na lalaki at isang babae na anak ni Danna na busy sa kani-kanilang gadgets na hawak.

"We have to go," ang baritinong boses ng kanilang Ama ang mistulang gumising sa kanilang momentum, agad nila ito linapitan. Sabay-sabay silang lumabas ng bahay para puntahan ang mga naghihintay na kapamilya.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon