LIANG POV
PAGGISING Ko sa umaga ay ang maaliwas na mukha ng asawa kong ang himbing ng tulog ang unang bumungad sa akin. Nakakulong ito sa aking bisig habang ang mukha ay isinubsob sa aking malapad na dibdib.
Magaan kong hinalikan ang kanyang noo at marahang hinawi ang kanyang buhok sa kanyang mukha at inipit sa likod ng kanyang tainga. Marahan siyang umugong at gumalaw, tila ay magigising na.
She's sleeping comfortably like a cute little white rabbit in a Wolf's den.
Hindi siya tuluyang nagising kaya niyakap ko na lang habang matalim na nakatitig sa direksiyon ng nakabukas na balkunahe nitong kwarto.
Who the heck was that fucker who picked up my call yesterday! Nais kong itanong iyon sa kanya, but I don't want her to feel suffocated. Buo na ang isipan ko na lawakan ang kanyang hawla upang hindi siya makaramdam ng pagka-sakal. But no matter how wide a cage is, a cage is still a cage. Kapag hindi ako magiingat ay maaaring mapansin na niya ang kulungang ito na ginawa ko para sa kanya at maisipan pang kumawala.
She's a precious woman that I can't afford to lose. Siya lang ang tanging babaeng hindi ko kayang kontrolin, may kung ano sa kanya na kunting maling galaw ko lang ay makapagtatayo na ng mataas na pader sa pagitan naming dalawa. I'm afraid of her.
"Hhmmm...too tight..." Agad akong bumalik sa sariling katinuan nang marinig ang kanyang boses at niluwagan na ang pagkakayakap sa kanya. Hindi ko na kasi namalayang pahigpit ng pahigpit na pala ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Hubby, isa lang siyang kaibigan." Pabulong niyang pahayag habang nakapikit parin ang mga mata. Ilang segundo akong natigilan at bahagyang napangiti. Kilalang-kilala na nga talaga niya ako.
Bumangon narin ako at nauna nang maligo. Pumunta narin ako sa kusina nitong Hotel at nag-umpisa ng magluto ng Crustless Quiche para sa agahan naming dalawa.
Wala pang isang oras ay natapos na ako kaya lumabas narin ako doon at pumasok na sa elevator pabalik sa floor kung nasaan ang room namin.
Nang magsasara na sana ang pintuan nito ay may isang lalaking humabol pa kaya muling bumukas ang pintuan ng elevator, napatingin ito sa akin bago pumasok. Base sa kanyang suot at pumapatak na pawis ay mukhang kakagaling lang nitong mag jogging.
"That smells good." Hindi ko inaasahang komento ng lalaking ito. "Did you personally ordered it from the chef cook of this hotel?"
"I cooked it myself for my wife." Mahinahon kong saad.
"Ang swerte niya ah at may asawa siyang chef." Aniya na wari ko'y naisipan lamang niyang ako ang Chef sa hotel na ito sapagkat malaya kong nagamit ang kusina sa pagluluto. Hindi na lamang din ako umimik hanggang sa binuksan niya ang kanyang phone upang ito'y gamitin.
Doon na ako natigilan at humigpit ang pagkakahawak sa lalagyanan nitong pagkaing dala ko. Umigting na ang panga habang matalim na nakatitig sa kanyang phone.
Nang mapansing nakatingin ako ay binalingan niya ako ng tingin. "May sasabihin ka ba?"
Ibinalik ko narin ang tingin sa harapan. "Is she a celebrity or a model? Parang nakita ko narin kasi siya sa kung saan."
Agad naman niyang napagtantong ang wallpaper ng kanyang phone ang tinutukoy ko kaya natawa ito. "No. She's my girlfriend."
BINABASA MO ANG
Dear Territorial Hubby
RomanceBeing territorial is protecting something that is already yours. That's why he's not possessive, he's her territorial hubby. Intrigue and romance collide as Zainy returns to the Philippines for a reunion, only to have her high school crush, Ryle, un...