NICOLE POV
NAUNANG Pumasok si Winter sa hotel room ni Zainy, sumunod naman sina Tito at Tita bago ako. Rinig ko ang sabik na sabik na tawag ni Winter sa kanyang mommy, nang tingnan ko ay si Zainy ang kayakap nito. Bakas sa mukha ang abot langit na tuwa ng dalawa na muling makapiling ang isat-isa.
Habang ako ay nakatayo parin dito sa may pintuan, tahimik na nakatingin lang sa kanila. Hindi makapaniwala sa mga nakikita ko, 'di ko lubos maisip na may anak na pala ang best friend ko. Ano siya, single mother?
Oh no!
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot sapagkat wala man lang ako sa tabi ng kaibigan ko sa mga panahong nahihirapan ito. I'm such a bad friend.
"Nicole dear, bakit ka umiiyak?" Marahang tanong ni Tita Zain habang nagaalala ng nakatingin sa akin.
"Wala Po, Tita." Sabi ko at naglakad na papalapit Kay Zainy na ngayon lang ako napansin, tinuon kasi niya ang atensiyon sa kanyang anak, wala namang kaso sa akin iyon. Nang makalapit ay agad ko siyang binigyan ng mahigpit na yakap habang hinihimas ang likuran. Saka ako bumulong. "Okay lang 'yan, Besh. Marami pang ibang lalaki sa mundo, makakahanap karin ng perfect guy na hindi ka iiwan. Okay lang 'yan, nandito lang kami."
"......Ahm.....h-huh?"
Tumingin na ako sa kanya habang nakahawak sa kanyang magkabilang balikat. "If you need anything, nandito lang ako. Kung need mo ng vacation sa Boracay o Hawaii pa 'yan, Tara. G ako, kaya kalimutan mo na ang lalaking 'yon, he's a useless piece of shit."
"....t-teka lang." Hindi maipinta ang kanyang Mukha. May naguguluhang ekspresyon, halong pagtataka at bahid na tila ay matatawa. "Kanina ka pa salita ng salita, sinong tinutukoy mong lalaki?!"
"Ang father nitong cute na batang 'to." Sabi ko at tiningnan si Winter na nakaupo lang sa kama, nakatingin sa aming dalawa, walang ka-ayde-aydeya sa mga nangyayari.
"Hali ka nga muna." Hinila niya ako papuntang balkunahe ng room at agad na humingi ng tawad sa akin dahil sa kanyang ginawang paglilihim.
"No! Besh, don't say sorry, wala kang kasalanan." Ayaw kong dumagdag pa ako sa problema niya, okay lang na hindi niya nasabi sa akin ang mga nangyari, sapagkat alam kong ayaw niyang magaalala lang ako.
"It's not what I mean." Aniya kaya kumunot ang noo ko. Dugtong nya pa. "Hindi kami hiwalay ng Daddy ni Winter."
"....ooohh." Sabi ko matapos mapagtanto ang isang bagay. "Hindi kayo hiwalay, pero sabi mo single ka pa. Teka lang ah, nambabae ba ang luko na iyon tapos hindi mo magawang mahiwalayan kasi bin-lackmail ka niya gamit ang rasong may kapit siya sa Bata!?"
"Hoy, Nicole. Alam mo ikaw, tigilan mo na 'yang kakanuod mo ng teleserye sa tv, nakakabaliw 'yan." Naiiritang aniya na pinagbabantaan pa akong babatukan.
"Bakit ba? Ipaliwanag mo kasi ng mabuti!" Kunot-noo kong sabi. Kanina pa ako naguguluhan dito. Una si Tito, sunod si Tita, at ngayon si Zainy naman. Pinagtitripan ba ako ng pamilyang ito o ano!
"Hindi ko sinabing single ako, ang Sabi ko lang wala akong boyfriend sapagkat husband lang ang mayroon ako. Malinaw na ba?' nauubusan niyang pasensyang tanong. Tumango naman ako. Nagpatuloy din siya sa pagpapaliwanag na may business trip sa Japan ang asawa niya ngayon, babalik din daw ito dito sa pilipinas pagkatapos. Walang broken family at mas lalong hindi daw siya isang single mother.
BINABASA MO ANG
Dear Territorial Hubby
RomanceBeing territorial is protecting something that is already yours. That's why he's not possessive, he's her territorial hubby. Intrigue and romance collide as Zainy returns to the Philippines for a reunion, only to have her high school crush, Ryle, un...