Kabanata 12_MEETING RYLE'S EX

12 6 0
                                    

ZAINY POV

Nakahawak lamang sa kamay naming dalawa ni Liang si Winter na siyang napapagitnaan naming dalawa habang naglalakad papasok sa entrance ng mall, patalon-talon ang ginagawang paglalakad ni Winter dahilan upang mahigpit ang pagkakahawak naming dalawa ng Daddy niya sa kanya, nangangambang madapa ito.

Habang nakasakay kami sa escalator papunta sa second floor ay hindi ko inaakalang makakasalubong namin si Axl na kasalukuyan namang pababa. Napatingin ito sa aming dalawa ni Liang, ngunit kahit na alam ni Liang na napansin kami nito ay hindi niya pinag-aksayahan ng oras na balingan si Axl, itinuon lamang ang atensiyon sa aming anak.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya marahan ko siyang nginitian bago pa namin tuluyang malampasan ang isat-isa.

"Mrs De Luca," tawag ni Liang sa akin kaya napalingon ako sa kanya, at sa paglingon ko ay siya namang pag-nakaw niya ng halik sa akin.

"I will talk to him." Aniya dahilan upang mapatitig ako sa kanya. Tila ay nabasa nito ang aking iniisip kaya dinugtungan niya ang kanyang sinabi. "I won't do anything rush."

"Siguraduhin mo lang kung ayaw mong matulog sa sahig ngayong gabi." Pagbabanta ko sa kanya ngunit hindi umobra, natawa lamang siya sapagkat alam niyang kahit gaano pa kalaki ang aming away o hindi pagkakaintindihan, ni-minsan ay hindi kami naghihiwalay na matulog, kaya malabo talagang sa sahig ito matutulog.

"I'll be back." Aniya at hinalikan na muna ang noo ko. Nang makarating sa second floor ay muli siyang sumakay sa escalator pababa.

"Mommy, saan po pupunta si Daddy?" Paisa-isang tanong ng anak ko habang naka-angat ang tingin sa akin.

"He has something to do, babalik din si Daddy mamaya." Nakangiti kong sabi at marahang hinawakan ang kanyang pisngi. Pumunta kami sa section kung saan ay may binibintang mga gamit para sa mga bata.

'di ko naman inaasahang makakasalubong ko si Glen. Pati rin ito ay nagulat ng makita ako.

"Zainy! Ikaw nga!" Nagagalak na aniya bago ako sinalubong ng isang mahigpit na yakap. Matapos akong yakapin ay napatanong siya. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"

Alam kong nagtataka siya kung bakit ang isang katulad ko ay napadpad sa parteng ito ng mall kung saan ay mga gamit lang naman ng mga bata ang mayroon. Bago pa ako makasagot ay bigla akong tinawag ng anak ko habang tumatakbo na papalapit, may bitbit itong pink na sapatos.

"Mommy, can I have this po?" Paisa-isang aniya habang naka-angat na ang tingin sa akin. Pasimple akong yumuko at ginulo ang kanyang buhok habang marahang nakangiti.

"Hindi ba't sinabi ko ng bilhin mo lang lahat ng gusto mo? You don't have to ask me. Ngunit, Winter, sigurado ka bang gagamitin mo ito?" Banayad kong tanong. Kahit dati pa ay sinanay na namin ni Liang ang anak namin na dapat ay hinding-hindi nito kakalimutan na kahit hindi problema ang pera sa aming pamilya, ay ibig ng sabihin na mag-aaksaya. Bibilhin lamang kung ano ang kailangan at talagang magagamit, hindi 'yong gagamitin ngayon tapos bukas ay hindi na.

"Yes, po mommy. I really like is one, po." Aniya habang nagni-ning-ning ang mga mata kaya napabuntong hininga na lamang ako at tinanggap na ang sapatos na kinuha niya. Batid ko naman kung gaano ito kasaya at muli naring naglakad palayo, naghanap ng pwede pa niyang bilhin. Habang ako naman ay napa-ayos na ng tayo at 'di inaalis ang tingin sa direksiyon ng anak ko.

"...Z--Zainy..."

"Hum?!" Nang marinig ang boses ni Glen ay saka ko lamang naalalang nandito pa pala ang lalaking ito. Naka-awang lamang ang kanyang bibig habang 'di makapaniwala sa kanyang nasaksihan, kaya ipinaliwanag ko na sa kanya ang lahat, habang 'di ko parin inaaalis ang tingin sa anak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Territorial HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon