Kabanata 11_STALKER? NO! HUSBAND? YES!

16 6 0
                                    

RYLE POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang mag jogging. Ang ganda na ng araw ko hanggang sa lalabas na sana ako ng exit ng Hotel nang may bigla ba namang bumangga sa akin, nagmamadali itong pumasok at nilampasan ako na tila ba ay hindi ako napapansin. Gago! Kumunot ang noo ko at balak sanang komprontahin ang taong iyon ngunit nang makitang si Liang ang siyang naka-bangga sa akin ay hindi ko na naituloy. Napatingin na lamang ako sa kanya na nagmamadaling maglakad papalapit sa elevator.

Tumalikod narin ako at aakma ng aalis ngunit hindi talaga ako nananalo laban sa curiosity ko kaya tumakbo ako pabalik sa elevator, kasalukuyan na itong papunta sa itaas na mga floor. Huminto ito sa floor kung nasaan ang room ni Zainy. Hinintay ko ang muling pagbukas ng elevator bago ako tumungo sa kaparehong floor.

May nabanggit kasi sa akin si Alex tungkol kay Liang, pinagdududahan niyang stalker ni Zainy ang lalaking iyon. Saka ko lang din naalala na nakita ko ito noong nakaraan. Noong sandaling balak ko sanang yayain si Zainy na lumabas para makapag-bonding, kaso ay busy ito.

Nang mga sandaling iyon, pagbukas ng elevator ay nabangga ako ni Zainy na tila ba ay nagmamadali ito, Nakita ko rin na nakasunod lang si Liang sa kanya, at pagpasok nila sa Elevator ay pansin ko kung gaano ka uncomfortable si Zainy ng mga sandaling 'yon. I thought it was just nothing, pero kung iisiping mabuti, there's really something.

Kasalukuyan na ako ngayong nakatayo sa pintuan ng room ni Zainy, nagdadalawang isip kung kakatok ba ako o hindi.






LIANG POV

Bago pa man ako pumasok sa room namin ay inayos ko na muna ang sarili, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at tuluyan ng pumasok. Nakita kong mahimbing na natutulog ang mag-ina ko.

Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama sa tabi ng asawa ko at pinagmamasdan ito. Nagmadali akong bumalik dito sapagkat alam kung sa oras na ang asawa ko na mismo ang unang magbababa ng tawag, ibig sabihin noon ay lagot na ako, kasi galit na ito.

Habang nakahawak sa kama ay dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya at marahang hinalikan ang kanyang labi, patuloy ko itong hinahalikan hanggang sa tuluyan na siyang tumugon ngunit naka-pikit parin ang mga mata. Ilang sandali lang ay tuluyan na itong nagising, inaantok pa habang naka-kunot ang noo, nagtataka ito. Hinawakan niya ang aking pisngi upang masiguradong totoong nandito talaga ako.

"I'm sorry..." Unang katagang binanggit niya nang masiguradong ako nga ito. Matamis akong napangiti at humingi rin ng paumanhin bago siya muling hinalikan.

Nangangamba itong magigising ang anak namin kaya itinulak niya ang mukha ko palayo, natawa na lamang ako at niyakap siya habang nakahiga pibabaw sa kanya. Niyakap rin niya ako at muli ng ipinikit ang mga mata, aakma ng babalik sa pagtulog ngunit may biglang kumatok sa pintuan kaya nagkatinginan kami sa isat-isa. Walang aydeya kung sino kaya ang pupunta dito sa mga ganitong oras.

"Dito ka lang." Sabi ko at magaan na hinalikan ang kanyang noo bago bumangon at naglakad na papalapit sa pintuan habang seryuso lang ang ekspresyon ng mukha.

Pagbukas ko ng pintuan ay si Ryle ang bumungad sa akin, naka-kunot lang ang kanyang noo.

"What are you doing here?!" Seryuso niyang tanong. Nang marinig ng asawa ko ang boses niya, sinubukan siguro nitong bumangon at dahil sa pagmamadali ay nahulog ito sa kama. Nang makarinig ng kalabog ay agad akong napalingon sa kanya na nakaupo na sa sahig habang nakatingin narin sa amin.

Aakma ko ng isasara ang pintuan sa pangambang papasok bigla si Ryle at makita pa ang asawa ko na nakasuot lang na pantulog nitong manipis na puting bistida. Ngunit huli na, pwersahang pumasok si Ryle habang tinatawag ang pangalan ng asawa ko. Nang makita si Zainy na nakaupo sa sahig ay agad niyang nilapitan.

Dear Territorial HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon