Kabanata 5_TERRITORIAL WIFE

9 6 0
                                    

ZAINY POV

Pinuntahan ko ang shop na nadaanan namin kanina kung saan ko nakita ang cute na hairband na may desenyong tainga ng lubo. Ang seryuso kasi ng mukha ni Liang kaya naisipan kong basagin ang katahimikan naming dalawa.

"Para sa boyfriend mo?" Biglang tanong ng babaeng mapapadaan lang sana sa likuran ko, nag-aksaya lang ng oras na tumigil para magtanong.

"Wala ako nyan." Maikli kong tugon at kinuha na ang dalawang hairband na natitipohan.

"Tapos bibili ka nyan? Pa-feeling taken, gan'on?" Hindi ko inaasahan ang biglang pag-iba ng tuno ng pananalita nito dahilan upang mapatitig ako sa kanya.

"Ikaw ba, may boyfriend ka na?" Tanong ko habang may simpleng ngiti sa labi.

"Parehas lang tayo girl. Magaganda naman ngunit hindi pinipili." Aniya sabay ikot ng dalawang mata at nag-kros ng braso. Nakikipag-usap sa akin na akala mo ay close kami.

"Pfft." Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi niya.

Inangatan naman niya ako ng isang kilay sabay tanong. "Oh, bakit ka natatawa?"

"May tatlo kang maling sinabi, girl." Pa-feeling close kong sabi at marahan pang tinapik ang kanyang braso habang nakangiti.

"Saang parte?" Nagtatakang aniya. Kaya bumuntong hininga ako at hinawakan ang magkabila niyang balikat habang nakatitig lang sa kanya.

"Unang-una, hindi tayo parehas sapagkat ako, may gwapong asawa. Pangalawa, ako walang dudang maganda, ikaw pagdidibatehan pa kung totoo ba. At ang huli, ako pinili, ikaw hindi." Matamis ko siyang nginitian matapos isak-sak sa kukute niya iyon, tinapik ang kanyang balikat at nilampasan na siya, naglakad na palayo.

Iyan ang nakukuha nang mga taong pinapakialaman ang ginagawa ng iba, bakit hindi na lang kaya tumahimik at hayaan ang nananahimik. Tch, hindi maka-permi!

Napapailing na lang ako at binayaran na ang dalawang hairband. Umalis narin ako doon at naglakad na pabalik sa pwesto kung saan ko iniwan si Liang. Nandoon parin siya ngunit napatingin ako kay Nicole at sa mga kaibigan nito na ngayon ay naglalakad na palayo kay Liang, hindi maganda ang kanilang hitsura kaya nang makalapit ay agad kong tinanong si Liang. "Anong nangyari?"

Agad naman niyang ipinaliwanag kaya nalaman ko. Kumalma narin siya kaya sinuotan ko na ng hairband dahilan upang kumunot ang kanyang noo.

"Pinagkakatuwaan mo ba ako, Hhm? Mrs De Luca." Anito na hindi naman mukhang naiinis sa ginawa ko, kaya sinuot ko narin ang pusang hairband. Inilabas ko ang phone at hinawakan ang kwelyo ng kanyang shirt sabay hila papalapit sa akin, agad na kumuha ng litrato naming dalawa.

Nang tingnan ko ang litrato ay gulat pa ang ekspresyon niya habang naka-awang ang labi dahilan upang matamis akong napangiti. "Ang cute."

"Mrs De Luca." Tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya, siya namang walang pasabi niyang pagkuha ng litrato ko, bago ako matamis na nginitian.

"Four eyes asshole." Napabulong na lang ako ngunit nakangiti naman.

Bago kami umalis ay bumili na muna kami ng shirt niya, alangan naman kasing hayaan ko itong maglakad na basa ang likuran at malapot pa dahil sa Milk Tea.

Dear Territorial HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon