Kabanata 6_ALEX'S DOUBTS

10 6 0
                                    

ALEXANDER POV

Napatitig ako sa lalaking kasama ni Ryle at pilit inaalala kung saan ko ba nakita ang mukhang iyan.

Nang tuluyan na silang makalapit ay natigilan ako ng sa 'di malamang dahilan ay binigyan ako ng isang nakakapanindig balahibong titig.

Doon ko na naalalang siya iyong lalaking nakita ko sa mall kanina habang kumakain ako sa shop ng Jollibee.

Kausap siya ni Nicole at ng mga kaibigan nito. I thought ay magkakasama ang mga ito ngunit napansin ko na lamang na tila ay bumigat ang atmosphere sa paligid nila.

Nang umalis na sina Nicole na hindi ito kasama ay ilang segundo lang lumipas, nakita ko na lamang si Zainy na nilapitan ito na ikinakunot ng noo ko.

Ngunit hindi lang pala iyon. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa gulat at pagtataka nang makitang ang sweet sweet na nila sa isat-isa, to the point na pati mga single ay kikiligin na. Napapatanong tuloy ako kung anong meron? Kasi sa pagkaka-alala ko ay sinabi ni Zainy na wala pa siyang boyfriend. Malabo namang kaibigan niya ito.

Noong nagumpisa na silang maglakad patungo sa ibang direksiyon ay hindi ko inaasahang lilingon sa direksiyon ko ang lalaki at binigyan ako ng malamig na titig na tila ba ay alam nitong pinapanuod ko sila, tuloy ay nabulunan ako sa kinakain kong fried chicken.

Napaiwas ako ng tingin sa tila nagbabanta niyang mga titig, halatang nais niyang ipahatid sa akin na huwag akong magsalita kung hindi naman kailangan. Paano ba nakilala ni Zainy ang taong 'to!

"Nandito rin pala kayo." Sabi ni Ryle at ipinakilala narin sa amin ni Crystal ang kasama niyang lalaki. Umupo narin ang mga ito at nag order ng maiinom.

"Liang Clifford? Magka ano-ano kayo ni Zainy?" Hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong habang nakakunot ang noo.

"Nais ko rin na itanong 'yan sa'yo." Sabi naman ni Ryle sa kanya.

"Baka malayong kamag-anak lang." Sabi ni Crystal na kanina pa pinag papantasyahan ang lalaking ito. Dagdag pang aniya. "Saka huwag mong basta-basta binabanggit ang pangalan ni Zainy sa usapan, Hindi naman magka-kilala ang dalawa."

"Zainy?" Nagtatakang tanong ni Liang, kung hindi ko lang talaga alam ay walang dudang mapapaniwala ako ng mukhang 'yan.

"Ito siya oh." Wika ni Crystal sabay pakita ng litrato ni Zainy kay Liang. "Ang ganda ng friend namin 'no?"

Sa 'di ko naman malamang dahilan ay napalingon si Liang kay Ryle na tila ba ay may ginawa si Ryle na may kinalaman kay Zainy. Napatunayan naman iyon nang pasimpleng umiwas ng tingin si Ryle, tila may tinatakasan. Pansin iyon namin ni Crystal.

Dear Territorial HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon