•Poem no. 19•

5 0 0
                                    

Nagkatagpong mga mata,
Akala mo'y tumigil bigla ang mundo,
Mundo'y kung aakalain mong sa inyo lamang umiikot,
Ngunit bakit gano'n?
Hindi naman kami magkakilala,
Ni hindi ko nga alam kung anong course yon,
Basta, ang alam ko'y pamilyar sya,
Sa tindig na mayroon sya,
Sa tuwing sya'y tatalikod,
Mga mata'y kung tumitig ay nakakatunaw,
Buhok nya ay hinahawi ng hangin,
Basta, pamilyar sya.

Dalawang beses,
Dalawang beses nagkatagpo ang aming mga mata,
May pahiwatig na ba iyon?
Sana naman mayroon akong powers,
Powers na kayang magbasa ng isip,
Pero, hayaan mo na,
Nahihibang lang siguro ako.

Just A Random Written PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon