•Poem no. 7•

10 1 0
                                    

Sa mundong mapanglupit,
Piniling magpakasaya,
Kahit maidudulot nito'y sakit,
Makaranas lang ng ligaya.

Kaligayahan kalaban ang ipinagbabawal,
Mga pinagbabawal pilit yinayapos,
Kinukulong ang sarili sa kasiyahan ng bakal,
Ibang tao akala'y sariling ginagapos.

Ang pag-ibig hindi mawala-wala ang makaramdam ng sakit,
Magtanim man ng hinanakit,
Kahit makiusap kay Kupido ng awa,
Gawin mo mang umiwas sa mga pana nito, hindi magawa.

Magmahal sayo'y hindi isang pagkakamali,
Makita ka'y unti-unting lumalayo,
Tila isang hayop na hindi mapakali,
Hindi alam kung saan ka dadayo.

Huwag kang mag-alala ,mahal ko,
Kahit sakit ang kaakibat ,ika'y una kong pinili,
Mga pangakong nabuo ,atin munang ipapako,
Sapagkat pipiliin ko muna ang aking sarili.

Nawalan ka man ng oras sa iyong pinakamamahal,
Masaya ako sapagkat ika'y may oras para sa sarili mo,
Nawa'y lahat ng nangyari sa atin ay maging aral,
Oras at maging tapat ay mahalaga sa dalawang tao.

Sa susunod na kabanata ng buhay,
Sisikaping manatili sa iyong piling,
Lalagyan na ang ating pagsasama ng kulay at saysay,
Manatili lang tayo hanggang sa huli.

Just A Random Written PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon