•Poem no. 3•

10 1 0
                                    

Ang magmahal sa kaninuman ay may kaakibat na sakripisyo,
Sakprisyo na kailanman hindi magugustuhan ng nakakarami,
Pati magbuwis ng buhay hindi gawain ng may bisyo,
Mailigtas lang ang maraming tao, tayo.

Pero may mga bayaning magigiting,
Patuloy tumatayo't pumoprotekta,
Kahit buhay nila'y nasa bingit ng banta,
Para sa mga taong hindi kakilala, sila'y tutulong pa rin.

Kay bigat sa dibdib ang mapalayo sa pamilya,
Lalo na sa mga taong patuloy lumalaban,
Lumalaban sa iisang mikrobyong kinakalaban,
Minsan pa ay nagkakaaberya.

Mahirap, mayaman,
Bata at matanda,
Pangit o maganda,
Lahat pwedi nitong dapuan.

Oras para sa kanilang pamilya'y nagkakaubusan,
Naghahanap ng paraan makasama't mahagkan,
Mga pagkakatao'y hindi malaman kung hanggang kailan,
Kaya'y kanila nang nilubos-lubusan.

Sa mundong mapanglupit,
Lahat nakakaranas ng sakit,
Walang pinipiling taoㅡ
Kahit ika'y isang makatao.

Just A Random Written PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon