•Poem no. 8•

9 1 0
                                    

"Sakripisyo't Alaga Ng Isang Magulang"

Walang katulad kung magmahal ang ating mga magulang,
Lahat hahamakin kahit ito'y ikakasakit nila,
Pagmamahal nila'y mas lamang,
Para sa kanilang mga anak na walang-wala.

Hindi mawari't mahahalata,
Sa unang tingin parang kinamumuhian,
Mga binibitawang masasakit na salita,
Na para sayo naman.

Maging bukas lamang ang iyong isipan,
Imulat mo sa katotohanan,
Na sila'y nagpapakahirap,
Maipadama lamang sayo ang buhay na masarap.

Sila'y umaasa na tayong mga bata,
Huwag masangkot sa mga kalokohan,
Na kung saan mapupunta,
At may magawang kasamaan.

Minsan sila'y nagbubuwis ng buhay,
May makain lang ang kanilang anak na musmos,
Para ito'y maging matibay,
Hanggang ang paghihirap ay matapos.

Kaya hangga't nandyan pa sa iyong tabi,
Suklian mo ng pagmamahal, hindi ang kamuhian,
Hindi natin alam kung hanggang kailan,
Mangyayari ang hindi na pagsapit ng gabi.

Huwag mo na sanang paabutin,
Sa pagkakataong mawala ang nagbibigay liwanag,
Sa buhay nating madilim na sa atin ay bumubulag,
Nang sa huli tayo'y magsisisi ng tapat.

Just A Random Written PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon