05

5.2K 164 1
                                    

Maayong Adlaw! (Good Day!) Char! HAHA, okeee! Ito na Update 😍😘 Thank you for the support! Keep Voting and post your comments 😀

----


-Hayeena Kathleen-

Pababa na ako ng maka-amoy ako ng sunog? SUNOG? Mabilis kong tinakbo ang kusina at nadatnan ko ang taong grasa .. este .. asawa ko pala.

"HOY! Ano na naman ang ginawa mo this time?" Bulyaw ko ng pinatay ko ang electric stove. Kawawang itlog, naging grilled egg pa.

"Eh kasi baka matalsikan ako nung mantika!" Matigas na sabi nito. Matulak nga palayo.

Inalis ko yung kalan na pinaglutoan ng itlog at nilagay sa platito. Saka ako nag saing uli at nagluto ng panibagong itlog ng makakain naman ng matino ang kutong lupa na ito. At dahil papasok pa ako ay pagtiya-tiyagaan ko nalang yung sunog na itlog at ham.

Akmang lalamunin ko na ng tumilapon ito saka trinapohan ang pinagtalsikan nun at nilagay sa trash can ang itlog. "Ano bang problema mo damuho ka!? Kitang kumakain yung tao eh!"

"Kakainin mo yun? Di mo ba nakikita ang itsura nun? Kung ang ibang babae nga nandidiri nun eh." Maktol niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Well, to tell you mister. Di ako katulad ng mga babae mo. Diyan ka na nga! Nakakawala ka ng gana!" Saka ko umalis. Malalate na ako sa school. Buti nalang talaga at 15 minutes drive lang mula dito ang university.

Break na namin kaya pupunta na ako sa canteen ng di sadyang makita ko ang kahuli-hulihang EX ko na may kalampungang iba. Di tulad ng apat kong EX's ay ito ang mas malala. Akalain mong Virginity lang pala ang habol sa akin.

"Hi there my EX princess Hayeena!" Aba't may gana pang mang-asar. "Balita ko nag-asawa ka na daw. Akalain mo, may pumatol sayo?" At nagtawanan naman ang kasamahan ng ugok!

"Aba'y syempre naman! Mayaman kasi ako. At walang AIDS. Ikaw kaya?" Then I smirked. Kala niya maiisahan niya ako? I saw him narrowed his eyes.

Dumura muna ako sa harap nila saka ako umalis at nagtungo nalang sa gate para umuwi. Nawalan na ako ng gana. Kadalasan kasi bago ako uuwi ay kakain ako sa school.

"Taray mo dun ti!" Tumili si Margaux sa tabi ko. She's also a BS-Biology student katulad ko. Pero balak ata nito maging teacher kaysa mag doctor.

"Aba'y syempre! He don't deserve me. Saka, matagal na akong naka move-on." Tumatawang sabi ko.

"Oo nga pala. Kamusta ang buhay may asawa?" Bigla ay tanong nito.

"Okay lang. You know it's a cliche being married without feelings involved." Matabang na sabi ko. Marami pa kaming napagkwenthluhan. Margaux is really not a type of bestfriend but she's a buddy.

Nang makarating ako sa condo ay naabutan kong nakahilata sa sofa ang kutong lupa na katabi ang vacuum. Ngayon pa siya natapos mag linis? Nilibot ko ang paningin sa bahay, I smiled. Nagawa nitong mabuti ang task. Di ko tuloy maiwasan ang maalala ang sinabi ni Daddy Jose na tatay ni Theo.

"Teach him to be responsible. He'll be the future CEO. Kaya gusto ko siyang matuto. He's childish, irresponsible, but I know you can help me discipline my son."

Nangyari iyun isang linggo matapos namin mapag-usapan ang Rules & Regulations sa marriage namin. Ilang sandali ko pa siyang tinitigan.

I admit, kumpara sa mga naging karelasyon ko Theo James is more handsome. I mean, effortless ang kakisigan nito. Saka ma-appeal ito. Unlike others, neutral ang maintainance nito sa katawan. If I'm not mistaken nasa mga 21-22 ang age nito.

Bahagya itong gumalaw para tumagilid. I sighed. Lulutoan ko nalang ito ng hapunan. I just cooked a simple dish, Menudo with pineapple syrup and chuncks. After I served and set the dining ay pinuntahan ko na sa sala na mapahanggang ngayon ay humihilik pa rin.

Siguro kong sa ibang pagkakataon kami nagkita nito, ng walang takot akong nararamdaman baka sakaling mahalin ko siya.

Di na ako magtataka kung balang araw ay iiwan din itong anak mo.

"Theo James." Kalmadong tawag ko dito. Umungol naman ito ngunit di pa rin nagdilat ng mga mata. Tinawag ko ulit ito. Saka ito nagising ng tuluyan.

"Andito ka na pala. Teka!" Tumayo na ito.

"Kain na tayo saka kana maligo pag tapos kanang makapag-kain." I smiled genuinely. I'm not trying to be plastic nor working this marriage this out. I'm just being friendly dahil kapag naghiwalay na kami at least no hard feelings.

He looked at me like tinubuan ako ng dalawang ulo. Nang di pa rin ito tumayo, kinuha ko ang kamay nito saka hinatak papasok sa dining.

"Why are you so good to me?" Di naglaon ay tanong niya na nagpatigil sakin ng pagsubo.

"Bakit? Big deal bang maging mabait sayo?" Taas kilay kong tanong. He just shook his head.

"It's not my intention to work this marriage Theo James. I'm just being friendly here. Dahil na realize ko na pareho nating di gusto ang sitwasyon at may mga rason tayo kung bakit tayo andito."

Ito naman ang natigilan sa pagsubo. I smiled to him.

"Kaya sana okay lang sayo."

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon