08

4.6K 125 6
                                    

-Hayeena Kathleen-

Kanina pa kami nakadating sa condo ngunit tahimik pa rin si TJ mapahanggang ngayon.

To win you back ...

To win you BACK ...

She must be the girl na minahal ni TJ ng lubosan. Seeing his reaction nung nakita niya ang babae, di maipagkakaila na malalim ang kanilang nakaraan.

The girl is beautiful. Para itong model? O model talaga yun? Base sa tindig, posture pati na rin sa pisikal ay masasabing alaga at may poise ito. Samantalang ako, wala akong height ng sa babae, 5"7 pa rin ako. But hers? I think 5"9 or more. Wait! Why am I comparing myself to her?

This can't be! I palmed my chest and I can feel the rapid beating of my heart. No! Huwag naman sana... Pagod na akong masaktan. A tear escape from my eyes, there's a possibility that I might fall for him but I'm damn sure na di niya ako masasalo.

Di ko namamalayan na nakatulogan ko pala ang aking paniniwala sa forever pero malabong mangyari yun dahil sa takot na nabuo sa puso ko.

----

Kinabukasan, maaga akong nagising para ipaghanda ng agahan si TJ. Bandang 7:15 na siya bumaba.

"Theo James, breakfast ka muna?" He look at my direction while doing his tie. Saka ito tipid na ngumiti at lumapit sa hapag.

While eating, pansin ko ang kanyang mga weird actions. Parang balisa o kung ano? I can't name it. Madali siyang natapos at nilagay sa sink ang kanyang pinagkainan. I looked at him and still his tie is not in proper position. I stood up saka ko siya pinaharap sa akin. Nagtataka man ay binigyan ko pa din siya ng genuine smile.

"It's Christmas Eve tomorrow. Balak ko sanang magcelebrate kasama sila Mom. Baka kasi busy ka so I ask permission to you." Malumanay na sabi ko ngunit di pa rin ito gumalaw. Tiningala ko siya and smiled.

"Ang bilis talaga ng panahon, akalain mo malapit na palang mag one year tayong kasal ... Sige na, malate ka na Mr. CEO. Ingat!"

Saka ako mabilis na tumalikod. I can't stop the tears escaping from my eyes. At nung narinig ko ang pag-ugong ng sasakyan niya ay saka lang ako humagolhol.

I'm afraid to admit that really, I'm falling for him ...



----


-Theo James-

Nagmamadali akong umalis dahil di ko maintindihan ang kabog ng puso ko sa mga sinasabi ni Hayeena lalo na ng gumuhit ang pait sa kanyang mga mata. Sh't! I silently cursed. Di ko tuloy maiwasan ang maalala ang napag-usapan ni Sofie kagabi.

"I'm here TJ to win you back." Madamdaming sabi ni Sofie sa akin. I admit mas lalo itong gumanda pero di na siya yung simpleng babaeng minahal ko.

She already have the sophisticated beauty na kahit sinong kababaihan ay mai-intemidate sa kanya. Naging hiyang sa kanya ang pagiging model sa Australia.

"And why? Okay na ako Sofie. Iniwan mo na ako. Bakit ngayon ka pa bumalik?" I tried myself to be cold dahil kahit anong pilit kong tanggi sa sarili, napakasariwa pa rin ng sakit ng pag-iwan niya sa akin.

"TJ please, here me out. Kilangan mong marining ang panig ko. Ang explanations ko. May rason ako kung bakit ko yun nagawa." She pleaded.

I didn't bother to speak. Ayokong magburst out ngayon. She's still a woman and I need to respect her. Kaya nagpatuloy siya sa pag explain.

"Walang-wala akong maipagmamalaki sa mga magulang mo, I was only nothing to them dahil di ako kasing yaman mo." She cried. God! I've never seen her cry because I know how to make her happy before.

"Pero wala ka namang dapat maipagmalaki dahil ipapakita lang natin sa mga magulang ko na mahal natin ang isa't-isa ay sapat na yun." Sa wakas. Nahanap ko rin ang boses ko. Pero umiling siya.

"Hindi ganoon kadali ang lahat TJ. Your parents disliked me dahil pera niyo lang daw ang habol ko. At kahit magpaliwanag ako sa kanilang di totoo yun, their minds are close. That's why I promised to myself na iiwan muna kita para ipakita sa mga magulang mo na di pera ang habol ko." I closed my eyes tightly. Masakit pa rin hanggang ngayon. Pero dahil sa narinig ko, gusto kong matuwa.

Di ko masisisi ang parents ko. Mahirap sa kanila ang magtiwala dahil minsan na silang naloko. And they're afraid na baka mangyari uli sa akin kung ano man ang naging pangyayari na nadanas nila noon.

"You broke me so much, Sofie. That I almost destoyed myself with shame. Earned my trust first."

Yun lang saka iniwan ko siya doon. And then I saw my wife, God! Di ko man lang siya naisip nung mga panahong yun. My mind keeps on battling kong sasabihin ko ba sa kanya ang lahat. But, I chose not to. Kasi parang natatakot ako na baka iwan niya ako. Don't get me wrong, but aside sa may kontrata kaming pinermahan, parang nasanay na rin ako na andyan siya sa tabi ko palagi.

Nabalik lang ang pag-iisip ko ng tumunog ang intercom ko.

"Sir, you have a visitor." Bungad agad ng HR pagkapindot ko sa receiver. Simpleng 'WHO' lang ang sinabi ko but ang sagot sa kabilang linya ay nagpakabog ulit ng puso ko.

"A certain Miss Sofie Morgades, Sir." I instruct the HR to let her in. And it didn't wait me long dahil bumukas ang ang pinto nun at bumungad sakin ang babaeng nakasuot ng black dress na hanggang tuhod at sleeveless yun.

"Hi TJ!" Masayang bati niya saka lumapit sakin. I switch my gazed to my monitor para sana e'sleep yun but to my surprised ay may malambot na labing dumikit sa kaliwang pisngi ko.

I faced her with a wide eyes and see her smiling. "Sorry, na miss lang talaga kita eh." I can't understand. Her actions are just too sweet to resist. But I also felt guilty for my wife. She doesn't deserve this.

"W-what are you doing here, by the way?" Good thing that I composed myself back.

"I'm here to invite you for lunch. I need to catch up things to you TJ." I glanced at the clock at sinasabi doon na it's almost 12 noon.

"Sana tumawag ka nalang, para magkita tayo sa restaurant." She sighed.

"Bakit? Dahil you're a married man already? Arrange marriage lang naman kayo diba?" Fact.

"But still, I respect her as my wife Sofie. I'll consider this now but next time, please don't do it again." She pouted while nodding. Just like the old times.

Kaya lumakad na kami at nagtungo sa malapit na restaurant dito sa office.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon