Chapter 3: Game punishment.

46 5 2
                                    

Kararating ko lang sa school. Tinakbo ko nga mula sa bahay hanggang sa makarating dito. Na late ba naman kasi ako ng gising dahil sa kaiisip at paghahanda sa kung ano mang parusa ang ibibigay nung Band Eight sa akin kaya di na ko nakakain ng umagahan pero nagtoothbrush naman ako ha!

Pagkapasok ko ng room, nandun na yung teacher pati lahat ng kaklase ko kaya naman all eyes on me. Eto naman ang ayoko tuwing nalelate ako, yung pinagtitinginan ka ng mga kaklase mo pati ng teacher mo, yung para bang lahat ng mata nila ay nakatingin lang sayo.

" Celine late ka, I'm giving you a warning. Hindi pwedeng malate sa klase ko kaya make sure that this will be your last late, understood? " mataray na sabi ni Teacher Monster-- ay este Teacher Mona pala.

Tumango ako. " Yes Ma'am " sabi ko na medyo hinihingal. Syempre tumakbo kaya ako ng napagkabilis para lang makahabol sa first subject kaya sinong hindi hihingalin sa ginawa ko. Hindi naman ako super human para hindi hingalin.

Naglakad na ko papunta sa upuan ko ng biglang may humarang na paa sa dinaraanan ko.

" Ay tae ng kalabaw! " natapilok ako at napasubsob sa sahig.

" Ooops... Sorry.. " maarteng sabi nung babaeng hinarang ang paa sa dinaraanan ko. Ang plastic nya! nakakainis! Rinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko lalong lalo na yung Blond headed hair na yun! Arrggghh!! Sigurado ako na sya ang nag-utos sa babaeng 'to na ipahiya ako sa buong klase.

" Sammy, tulungan mong tumayo si Celine." utos ni Ma'am kay Blond Headed hair. Ang dami namang pwedeng utusan, bakit yang si Sammy pa. Naalala ko tuloy yung kiss kahapon.. Naaasar talaga ako! Kung sya ang tutulong sa akin.. Tss.. No thanks na lang! Kaya ko sarili ko noh!

Patayo na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko at tinulungan akong tumayo. Bakit ba ang daming plastic sa room na 'to!

" Sa susunod kasi tumingin ka dinadaanan mo " Wow ha, sya nga 'tong may dahilan kung bakit nangyari sa akin 'to tapos ang lakas ng loob nya na pagsabihan ako.

Tinapik ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko.

" Pasensya na ha, atsaka hindi ko naman hinihingi yung tulong mo. " sarcastic kong sabi. Nagform lang sya ng evil grin then bumalik na sa kinauupuan nya. Mukhang may masama akong kutob sa ngiti nung Sammy na yun. Kung ano man yun, hindi ako magpapatalo sa kanya!

Umupo na rin ako sa upuan ko ng mapansin kong may dumi sa table ko tapos ang baho pa ng amoy. Inabot siguro ako ng mga five or ten minutes bago ko marecognized kung anong creature ang nasa mesa ko ngayon at ang masasabi ko lang ay...

IPOT NG IBON!!

Kung minamalas ka ng naman oh.Sino namang hinayupak ang naglagay nito sa arm chair ko?!

" Celine, pasensya na kung hindi ko sila napigilang lagyan ng kung ano man yang dumi na nasa table mo. Baka kasi ako pa ang pag-initan ni Sammy. " bulong sa akin ni Stella.

Bw1set na Sammy yun! Grrr!! Nakakairita, ang kapal ng mukha nya para lagyan ng ipot ang table ko. Sabagay, nilagyan ko nga rin pala ng ipot ng ibon yung mukha nya kahapon kaya fair lang kami.. Pero kahit na! Ang unfair ng ginawa nya! Ang unti lang ng pinahid ko sa mukha nya kahapon pero yung ipot ng ibon na nasa mesa ko ngayon ay sandamakmak! Saan naman kaya nakakuha ang lalaking yun ng ganito karaming ipot?

Tiningnan ko si Blond headed hair at nakita kong nakatingin din sya sa akin habang nakangisi. Argghhh!!! lalo tuloy akong nanggigigil sa Sammy na yan!!

Tinakloban ko na lang ng maraming papel yung mesa ko at tiniis yung amoy hanggang sa magrecess na. Sa janitor ko na lang 'to ipapalinis mamaya. Ayokong sayangin ang oras ko sa kalat na ginawa ng band eight. Lumabas na ko ng room at dumiretso ng canteen, malamang para kumain. After kong bumili ng pagkain, naghanap na ko ng mauupuan kaso halos lahat puno except doon sa bandang dulo. Nagtataka tuloy ako kung bakit nagsisiksikan sila sa mga upuan kung meron naman palang space sa bandang. dulo. Dumiretso ako dun sa table na wala kahit sinong nakaupo. Malinis at walang dumi naman yung table kaya nakapagtataka kung bakit walang umuupo dito.

Tune of hearts [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon