Chapter 8: 2 months contract

39 4 4
                                    

< Celine's POV >

Ang init ng panahon ngayon. Malapit ng magpasko pero parang walang nag-iba sa panahon. Isa na lang ang solusyon para mawala ang init na na nararamdaman ko.... yun ay ang...




MALIGO!!!!!!!!!!!!

" Ate Ebang, pabili nga ng kalapati na shampoo. "

" Hay nako.. Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan. Oh Linlin eto na yung kalapati mong shampoo. " natatawa nyang inabot sa akin yung binili kong  shampoo.

" Salamat Ate Ebang " kinuha ko ito at umupo muna saglit sa may upuan. Linlin ang palayaw ko, yun ang tawag sa akin ng mga kapitbahay namin. Tanging si Vickey lang ata ang hindi tumatawag sa akin ng ganun, pss.. Ewan ko ba dun, masyado daw nakakabata. ^_^

Init ba naman ng panahon, sana umulan naman para lumamig.

" Naku Linlin, nakalimutan kong sabihin sayo " bigla akong napalingat kay Ate Ebang.

" Ano ho yun ate Ebang? " tanong ko sa kanya.

" May makisig at napakagwapings na binata ang naghahanap sayo kanina pa. "

Nakangiti at kinikilig na sabi nya.

Anuuuraw?

" Tinuro ko nga sa kanya kung saan yung daan papunta sa inyo. Di ko nga lang sigurado kung nakuha nya. "

Kumunot ang noo ko sa mga sinabi ni Ate Ebang. Sino naman kaya yung MAKISIG at GWAPINGS na naghahanap sa akin? Hala! Di naman kaya yung lalaking nakuwento sa akin ni Vickey na naghahanap raw sa akin noong nakaraan? Pero parang imposible na naman ata yun, matandang lalaki kasi yung tinutukoy ni Vickey e.

Kung hindi sya.... Sino naman kaya yun?

" Ako " napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon na kabababa lang sa motor.

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nung makilala ko kung sino ang lalaking nasa harap ko na nakasuot ng jagger pants at naka v-neck white shirt na dahilan upang maglaway ang mga babae at lalaking nagdadaanan sa kalye.

OO! KAHIT LALAKI!

Lumingon ako kay Ate Ebang at naku naman po parang mahuhulog na ang panga ng isang 'to. Tsk.tsk.tsk...

" Aaron, tama ba ko? " mataray na tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya. " Yeah, the romantic boy of Band Eight " sabay kindat.

Teka, ang sabi ko sana umulan para lumamig, wala naman akong hiniling na sana may dumating na taga Band Eight para HUMANGIN!

Ang hangin na kasi masyado e.

" Saang lupalop ba nagtatago ang bahay mo Celine? WANTED ba yun, ang galing magtago e.Kanina pa ko paikot-ikot dito di ko pa rin makita yang bahay mo. Mabuti na lang napadaan ako dito at nakita kita. " inis na sabi nya.

Tingnan mo 'tong mokong na 'to, bahay ko pa raw ang may kasalanan, eh ni hindi ko nga alam kung bakit nandito yan.

" Ano yun Celine? May sinasabi ka ba? "

I faked a smile. " Wala, tanong ko lang kung bakit ka ba kasi nandito? "

Bakit ba ang lakas ng panrinig nito. Kahit ata yung nasa isip ko nababasa nya. Haist..

Bigla kong napansin na ang kaninang masayang expression nya ay biglang nawala at napalitan ng lungkot. Para bang may naalala sya kaya't napatingin na lang sa baba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tune of hearts [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon