Nasa hospital ako ngayon para bisitahin ang lalaking nakahiga pa rin hanggang ngayon at finifeel ang malambot na kama ng hospital. Yung lalaking wala pa ring malay dahil sa pagligtas nya sa akin na dati lang ay ang lakas makaasar at makapangbully sa akin. Ang lalaking nanira ng gamit ko, pinaingay ang buhay ko...
Ang lalaking may blond na buhok.
In short,
Si Sammy Lu.
Sana naman gising na sya nang mapasalamatan ko na sya.
Kagabi kasi halos maghagulgol sa iyak si Vickey sa harap ko nung makwento ko sa kanya kung anong nangyari sa akin at kung bakit ang dami kong galos. Hindi pa nga ako makahinga ng ayos nun dahil sa higpit ng yakap nya sa akin. Hanggang ngayon nga naaalala ko pa rin yung sinabi nya sa akin kagabi.
" Salamat sa Dyos na walang nangyari sayong masama Celine. Naku, mabuti na lang may nageexist na Sammy Lu sa buhay mo kung hindi deadbols ka na ngayon. Kaya kung ako sayo friend, pauulanin ko ng thank you yung si Sammy pag nagising sya. " sabi nya sabay hawak sa noo.
Ang dami ko tuloy dalang prutas para kay Sammy dahil sa sinabi ni Vickey at para naman makabawi ako sa pagligtas nya sa akin. Pati may dala din akong dos por dos, pampupok sa ulo nya ng magising na sya. Hahaha! Joke lang yun! Syempre may awa naman ako sa taong yun noh!
By the way highway, malapit na ko sa room ni Sammy pero di ko inaasahan ang nakita ko. Halos lumuwa ang mata ko sa naabutan ko.
Di ko tuloy alam kung ospital ba 'tong pinuntahan ko o Araneta Coliseum.
Grabe lang ha! Ang daming babaeng nakapalibot at nakabantay sa labas ng room ni Sammy habang naghihiyawan at may mga hawak na SLR at malalaking samsung na phone. ( Nahiya naman ako sa phone ko na may maliit na screen at keypad. )
" Waaahh!! Ang popogi nila! "
" Kuya! papicture naman oh! "
" Sana ako na lang yung nakahiga sa kama! "
Bakit ba di sila sinusuway ng mga guards? Ugh! Nakakainis naman oh!
Tumigil ako saglit at huminga ng malalim.
Didiretso ba ko o hindi?
Haisst! Hayaan ko na nga yang mga babaeng yan.
Nakipagsiksikan ako sa mga babaeng nakapalibot sa room ni Sammy. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng biglang may humawak sa kamay ko para pigilan ako.
" What do you think are you doing? " mataray na tanong sa akin ng babaeng nakasuot ng napagkaikling palda at sleveless na damit.
Like duh! Yung suot nya parang outfit sa bar.
Tinanggal ko yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko at tiningnan sya.
" Edi papasok sa loob. "
" Wag ka ngang mamilosopo. Alam kong papasok ka sa loob. What I am talking about is you don't have a right to go iside that room. Isa ka lang naman sa mga babaeng atat makita ang Band Eight na nasa loob ng room na yan diba? Kaya kung ako sayo lalayo ako sa pintuan na yan at maghihintay na lumabas ang Band Eight. Ayaw mong gumaya sa amin, may PATIENCE. "
WTF?! Isa daw akong babaeng atat makita ang Band Eight at walang PATIENCE?!
Aba! tinulad pa nila ako sa kanila ha!
Ano bang akala nila, na isa ako sa kanila na naghihintay sa labas ng room ni Sammy para makita ang Band Eight?
Can't believe this is happening.
BINABASA MO ANG
Tune of hearts [ On-going ]
Teen Fiction" It's been one year since mawala si Kei, but still... mahirap pa rin syang makalimutan... " Sya si CELINE CRUZ. Nawala sa tono ang buhay nya when her boyfriend died. She decided to forget all about MUSIC and LOVE. Because Music reminds her of him...