< Someone's POV >
Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa Pilipinas. Mabuti na lang talaga nakabalik na ako.
" Ma'am, your car is ready. "
my PA told to me.
" Okay, I'll just get my purse. "
" Sasabihin na po ba natin sa kuya nyo na nagbalik na kayo. "
" No, not yet...
I want to suprise them.. "
*smirk* Ano kayang magiging reaksyon nila pag nakita ako? Hmm... This is so exciting. Get Ready for I am back.
< Celine's POV >
" Sinong gusto sumikat at maging singer composer?! Chance nyo na makajam ang Band Eight! Join na sa Song Writing Competition and you may win 50,000 pesos. O pandagdag tuition din yan o panggastos sa bahay diba? Kaya register na for FREE! "
Ang laki ng price! Kaso bakit kailangan pang makajam ang Band Eight. Tss.. Iniiwasan ko na nga ulit sila. Oo! Back to normal again! Kung bakit?
SECRET!
Nakakahiya kaya yung nangyari sa ospital. Huhu.. Ayoko ng maalala ulit. NAKAKAHIYA. Napakaw*langya talaga nung Sammy na yun eh! Ayos na sana yung tingin ko sa kanya kaso ginulo nya. Bakit ba ang hilig ako pahiyain ng lalaking yun?
" Girls sasali ako dito para sa Band Eight! hihi. "
" Ang harot mo talaga! Ako din sasali! Crush ko kaya si Aaron dela Fuente, ang gitarista ng banda. hihi..^_^ "
Tss... Mga babae talaga..
Hehe.. Babae din pala ako pero...
IBANG-IBA AKO SA KANILA! HMP!
" Uy nakita mo ba si Sammy kanina? Grabeh! Kahit may ano sya---Uhmm...what do you call it.. Yun saklay! Alam mo kahit may saklay sya ang hot pa rin nya! "
" Correction! MAS naging HOT! "
" Hahahhahahhhahahaha!! "
=_________="
asdfghjjkkll! Bakit ba kahit saan ako lumingon si Sammy o ang Band Eight lagi ang pinaguusapan! Wala ba silang ibang alam na topic kundi si Sammy lagi!
Mga walang magawa sa buhay...tsk.tsk.tsk.
" Miss sali ka. Malaki-laki rin ang price. " sabi sa akin nung babae sabay abot ng plyer about dun sa competition. Kinuha ko yun at naglakad uli.
Music? Ayoko na. Iniwan ko na ang music simula nung mawala SYA kaya bakit pa ko sasali dito.
Tinapon ko yung plyer sa pinakamalapit na basurahan at dumiretso na papuntang room.
Napatigil bigla ako sa tapat ng music room dahil sa pamilyar na tunog.
Tunog na nagpabilis ng tibok ng puso ko...
Tunog na kaming dalawa lang ni Kei ang nakakaalam.
Yung kantang yun.... Compose yun ni Kei..
at k-kaming dalawa lang ang nakakaalam kung paano tugtugin yun...
Wala ng iba.
Dahil sa malapit ng sumabog ang puso, isip at damdamin ko,
lumapit lalo ako sa may pintuan para silipin kung sino ang tumutugtog sa grand piano...
Malapit na...
BINABASA MO ANG
Tune of hearts [ On-going ]
Teen Fiction" It's been one year since mawala si Kei, but still... mahirap pa rin syang makalimutan... " Sya si CELINE CRUZ. Nawala sa tono ang buhay nya when her boyfriend died. She decided to forget all about MUSIC and LOVE. Because Music reminds her of him...