" Class dismissed " after ng klase, dali-dali akong tumakbo palabas ng room. Wala na kong pakialam kung anong sasabihin ng mga kaklase ko sa akin dahil mas importanteng protektahan ko ang sarili ko laban sa pagbabanta ng Band Eight. Mahal ko buhay ko nuh, ayokong magulo ang buhay ko dahil sa band aid--ay este Band Eight pala.
Pumasok ako sa cr ng girls at nagtago sa isa sa mga cubicle dun.
Baka kung anong gawin sa akin ng walong asungot na yun kapag nakita nila ako. Ano kayang ibig sabihin nila na nakahanda na yung punishment para sa akin. Baka naman bantayan ako nun sa labas ng school at ipasalvage ako pero masyado naman atang brutal yun. Celine wag ka ngang OA!
Ayan tuloy, kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Kung i-text ko kaya si Vickey na sunduin ako? Aish! Nakalimutan ko nga pala bitbitin yung bag ko dahil sa pagmamadali. Nandoon pa naman yung phone ko.
" Girl, alam mo bang may pinapahanap yung Band Eight? "
" Sino naman daw yun? "
" Sabi nila Celine daw yung pangalan ng girl. Sinagut-sagot daw nya kasi si Papa Sammy kaya bibigyan sya ng napakalaking parusa ng Band Eight. "
" Mabuti nga sa kanya. How dare her na ganunin si Sammy. Kung ako sa kanya, hindi na ko babalik sa school na 'to kahit kailan "
" At eto pa, kung sino daw ang makakakita sa kanya ay may libreng kiss sa lips sa isa sa mga Band Eight. "
" Talaga?! Edi ano pang ginagawa natin dito. Let's start searching that girl named Celine. "
" Korek ka dyan! "
Narinig kong nagbukas yung pintuan. Nakaalis na nga siguro sila PARA HANAPIN AKO! Grrr!! Para tuloy akong Most Wanted nito! Buong school na ang naghahanap sa akin tska bakit ba ko nagtatago? Eh wala naman akong kasalanan. Kasalanan ba ang pagsabihin ang isang lalaking ubod, sagad-sagaran, saksakan at nuknukan ng YABANG!
Mamumuti na ang buhok ko nito sa pagtatago eh. Mukhang pati kagutuman inaatake na rin ako. Naririnig kong nagwawala na yung tyan ko.
Dumukot ako ng isang mint candy sa bulsa ko at kinain. Hindi naman kasi 'to mangyayari sa akin kung di dahil sa nerd na yun.Oras talaga na makita ko yung lalaking nerd na yun, humanda sya sa akin!
5 minutes...
30 minutes...
1 hour later...
Tumitirik na yung mata ko dito. Tapos mukhang may... may...basta ang baho ng amoy. Parang may naglalabas ata ng sama ng loob sa anidoro ngayon. Pwede na siguro akong lumabas, hindi ko na rin kasi matiis yung amoy na yun. Mukhang tumigil na naman siguro sila sa paghahanap sa akin. Hindi naman siguro sila ganun kaatat na makita ako diba? Lumabas na ko ng cubicle. Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan sa cr at saka sumilip ng unti kung may Babae o miyembro ng Band Eight pa na pakalat-kalat sa daan. Nung masiguro kong all clear na yung hallway, lumabas na ko at dumiretso sa room para kunin yung naiwan kong bag.
" Miss, may kilala ka bang Celine? " halos mapalundag ako sa gulat ng may biglang lumitaw na babae sa harap ko. I'm sure na isa sya sa mga babaeng hinahanap ako para makakuha ng libreng kiss from one of the Band Eight members. Isinabit ko na sa balikat ko yung bag.
" Hi-hindi, I mean.. wala akong kilalang Celine. Sige, a-alis na ko. " tinalikuran ko na sya at naglakad na palayo ng hawakan nya yung braso ko at higitin nya yung ID na suot ko.
" So ikaw pala si Celine ha. GUYS! NANDITO SYA, BAND EIGHT NANDITO SI CELINE!! " bigla ko syang tinulak para makatakbo pero hinila nya yung buhok ko pabalik kaya napabagsak ako sa sahig habang hawak nya yung buhok ko. Parang matatanggal na yung buong ulo ko sa lakas ng pagkakahigit nya. Napakabruha at napakamaldita nya!!!! Nakakainis! hindi ako makaganti dahil hinihila nya yung buhok ko kaya hindi ako makatayo. Nanghihina at medyo nangingiyak na ko.
BINABASA MO ANG
Tune of hearts [ On-going ]
Ficțiune adolescenți" It's been one year since mawala si Kei, but still... mahirap pa rin syang makalimutan... " Sya si CELINE CRUZ. Nawala sa tono ang buhay nya when her boyfriend died. She decided to forget all about MUSIC and LOVE. Because Music reminds her of him...