Before I Let You Go (pt3)

83 4 4
                                    

Annyeong! Sorry for the super duper delayed update. Medyo nawalan kasi ng idea. Here's a long update for you guys. Take time to read. Enjoy! :)

XXX

Klaire's POV

Halos alas-diyes na ng gabi ng makauwi ako sa bahay namin. Agad ko namang napansin si mama na may kung anong ginagawa sa kusina. Agad akong tumungo sa kinaroroonan niya at niyakap soya mula sa likod.

"Oh? Anong problema? Ginabi ka yata ng uwi." Tanong sakin ni mama. Hindi naman ako agad nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Agad namang humiwalay sa pagkakayakap ko si mama at saka ako hinarap. Doon ko lang din naramdaman na may mga luha na palang tumutulo galing sa mga mata ko.

"Anak? May problema ba? Sabihin mo kay mama. May nangyari ba sayo? Binastos ka ba dun sa park? Ano? Tell me." Tanong ni mama. Bakas sa pananalita niya ang pag-aalala.

"Aah... wala po 'to Ma. Pagod lang po siguro ako. Sige po, aakyat na po ako." Pinunasan ko ang mga luha ko at bahagyang ngumiti.

Maglalakad na sana ako papunta sa may hagdanan ng biglang hawakan ni mama ang braso ko.

"Siguro nga't magaling kang magtago ng nararamdaman mo sa ibang tao pero hindi mo maitatago yan sakin." Kalmadong sabi sakin ni mama.

Hindi ko na napigilan pa kaya't napaupo nalang ako at kusang lumabas ang mga luhang kanina pang nagbabadyang tumulo.

Nang mahimasmasan ako ng kaunti ay kinwento ko kay mama ang mga nangyari.

"Kanina sa park, may batang iyak ng iyak. Hinahanap niya yung daddy niya. Naawa naman ako kaya sinamahan ko muna. Napag-alaman kong Asher yung pangalan niya. Halos dalawang oras kaming magkasama nung bata. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Tapos nun naglakad-lakad ulit kami sa park. Hanggang sa may narinig kaming boses, tinatawag yung pangalan niya. And then I found out that it was his dad. Ma, kinabahan ako nung marinig ko yung boses ng daddy ni Asher. Sobrang pamilyar kasi. Nung tumakbo yung bata papunta sa daddy niya, dun ako nakahanap ng tiyempo para makapagtago." Kwento ko kay mama.

"Bakit ka naman nagtago? Mat atraso ka ba dun sa tatay nung bata?" Tanong naman agad sa akin ni mama. Bahagya naman akong natahimik at napatulala.

"Sobrang laki ng atraso ko sa tatay nung batang yun, Ma. Sobrang laki."

"Bakit naman? Ano namang atraso yun? At sino ba ang tatay nung batang si Asher na sinasabi mo na may napakalaki kang atraso? Isang tao lang naman ang kilala kong nagawan mo ng malaking kasalanan eh. Maliban nalang kung---" napatigil si mama sa pagsasalita na parang may narealize siya sa mga sinasabi niya.

Napatingin si mama sa direksyon ko. Agad naman akong napapikit at tumungo habang patuloy sa paglandas ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan na lumabas.

"A-anak... s-si J-jongin ba ang tinutukoy mong a-ama ng batang k-kasama mo kanina?" Tanong ni mama ngunit sunud-sunod na paghikbi lang ang tangi kong naisagot. Agad naman akong nilapitan ni mama at niyakap ng mahigpit.

"Tama lang po pala yung naging desisyon kong umalis noon. Kung hindi siguro ako umalis at nagpakalayu-layo, baka nakasira pa ako ng isang pamilya. Pero bakit ganun Ma? Ang sakit-sakit parin? Hindi parin mawala dito?" Sabi ko kay mama habang tumuturo sa may bandang puso ko.

Lalong humigpit ang yakap ni mama. Naramdaman ko rin ang kamay niyang humahagod sa likod ko upang pakalmahin ako.

Maya-maya pa ay nahimasmasan na ako kaya't agad akong tumayo para magpunta sa kwarto.

Pero bago yun ay nilingon ko muna si mama at tinanong...

"Ma, asan po sila?"

"Yung mga bata ba? Kanina ka pa hinihintay. Nakatulog na nga kakahintay sayo yung dalawa eh. Puntahan mo nalang dun sa kwarto." Sabi naman ni mama at nginitian ko nalang ito.

Agad akong umakyat at nagtungo sa kwarto ng kambal. They were sleeping peacefully when I entered the room. Blaire is on the right bed near the window, hugging her big pororo sruffed toy tightly. While on the left bed is Blake who is sleeping on his belly.

Lumapit ako sa dalawa at hinalikan silang parehas sa noo.

"Bumalik na siya. Bumalik na yung matagal niyo ng hinahanap. Kakayanin ko 'to para sa inyo. Kung kinakailangang umalis ulit tayo, gagawin ko para lang hindi na tayo makagulo."

Matapos kong bisitahin ang kambal ko. Oo, KO, ay agad naman akong pumunta sa kwarto ko at nahiga na.

"*sigh* wag naman na sanang magkrus ang landas natin ulit. Baka kasi hindi ko na ulit kayanin."

XX

Kinabukasan, nagising nalang ako nang maramdaman kong may humahalik sa magkabilang pisngi ko. And then I realized that it was my twins.

"Hmmm... early birds naman ng mga baby ko."

"Mooooom!!! Hindi na po kami babies. We're 6 years old na po kaya." Protesta ni Blake.

"Ano ka ba naman oppa! Kahit naman we're old enough na like we're in our 20's, 30's whatsoever, babies parin tayo ni mommy. Right mommy?" Sabi naman ni Blaire.

Blaire is calling his twin brother as oppa. Nasanay na rin kasi ito. Kahit ilang oras lang ang paggitan nila ay mas nauna naman daw si Blake na masilayan ang outside world kaya ganun. And besides, Blake really wants to take care of Blaire eversince kaya para sa kanya, siya ang mas matanda.

"Hmm. Kayong dalawa talaga. Of course kayo lang ang forever baby ni mommy. That will never change, okay?" I assured to them.

"Promise yan mommy ha?" They asked in unison.

"Yes mga boss!" Sagot ko naman at nag gesture ng pag-salute.

I just finished my morning rituals when Blaire came to me.

"Mommy, can we go to the mall today? Pretty please?" Sabi ni Blaire with matching pa-cute pa. Ano pa nga bang magagawa ko? Nagpacute na ang prinsesa ko eh. Di ko talaga alam kung kanino nagmana to. Sabagay, mahilig naman magpacute ang tatay nito noon.

"Okay. Alam niyo namang weakness ko yang ka-cute-an niyong dalawa eh. Prepare your things na. We'll go to the mall after we finish our breakfast." Sabi ko sa kambal at nakita ko naman ang sobrang tamis nilang mga ngiti.

"Yes mommy!!!" Sabay nilang sagot at tumakbo na palabas ng kwarto ko para maghanda.

~•••~•••~•••~•••~

CUT! May kasunod pa po ito. Baka yun na po yung finale. Pero di pa naman sure. Still working on it. Stay tuned lang friends. Thank you sa mga nagbabasa at maghihintay. :)

PS. Blake and Blaire on MM.

Before I Let You Go (SS-KAIxYOONA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon