Before I Let You Go (pt7)

88 7 5
                                    

A/N: Haluuuuuuuu!!! :) kamusta naman kayo? May nagbabasa pa ba nito? Anyways, sorry for the super duper laaaaaaaaaaaaaaaaate update. Dami ko kasing pinoproblema. Pero dahil hindi ko kayo matiis, eh eto nag update ako. Malakas kayo sakin eh ;) so hope you all enjoy! :)

Dedicated kay antimilks. Thank you sa cover :) ganda super :)
~•••~•••~•••~•••~•••~

Third Person's POV

Pagkalabas na pagkalabas ni Klaire ng meeting room ay agad itong napahawak sa kanyang dibdib. Hindi niya na kasi nakayanan ang mga masasakit na salitang binitawan sa kanya ni Jongin.

Maglalakad na sana siya papunta sa opisina niya kung nasaan ang kanyang mga anak nang may biglang humila sa kanya at dinala siya sa may bandang fire exit ng gusali.

"T-teka! Ano b-ba?!" Pagpupumiglas niya. Kahit alam naman niya kung sino ang taong humihila sa kanya ngayon ay labis parin ang kabang kanyang nararamdaman.

"J-jongin s-sandali! Nas-nasasaktan ako!" Dugtong pa nito. Ngunit tila walang naririnig ang lalaki at bigla na lamang ito itinulak dahilan para tumama ang likod nito sa pader.

"Naguguluhan ako Klaire. Galit ako dapat sayo! Galit na galit dapat! Iniwan mo ko eh! Alam mo bang ang sakit nun sa part ko? Ha?! INIWAN MO AKO KUNG KAILAN HANDA NA KONG IWANAN ANG LAHAT PARA LANG SAYO!!!" Bulyaw ni Jongin habang naluluhang nakatingin kay Klaire.

Nagulat naman si Klaire sa biglaang pagtaas ng tono ng boses ni Jongin. Maski kasi nung sila pa, ni hindi siya nito magawang pagtaasan ng boses.

'Siguro nga ay ganyan katindi ang galit mo sakin. Sige lang Jongin, magalit ka pa. Kamuhian mo pa ako lalo. Para hindi na kami mahirapan kung sakaling kailangan na naman naming umalis para maging matahimik na ang buhay mo... Ang buhay niyo...' Sabi ni Klaire sa isip niya.

Nagulat nalang si Klaire ng bigla siya nitong hilahin patayo at ikinulong sa kanyang mga bisig.

"J-jongin a-ano ba?! Paalisin m-mo na ako d-dito!! Hinihintay na ko ng mga a-anak ko!" Kinakabahan pero buong tapang na sambit ni Klaire.

Nagpupumilit pa siyang kumawala ng bigla niya nalang maramdaman ang labi ni Jongin sa labi niya.

"Hmmmmppp...." Pilit na itinutulak ni Klaire si Jongin ngunit sobrang lakas nito. Nananatiling nakasara ang bibig niya at unti-unti na ring nakakaramdam ng pagkahina.

Tila naramdaman naman iyon ni Jongin kaya't tumigil na rin siya. Ngunit bago niya mailayo ang labi niya kay Klaire ay humirit pa ito ng isa.

(A/n: SMACK LANG DAW YUN GUYS. WAG DAW KAYONG ANO DYAN! KAKATEXT LANG NI JONGIN SAKIN. HAHAHA. 'KAY, ANG EPS KO NA. BACK TO THE STORY...)

"Yeah right. ANAK! Anak mo sa kung sinong lalaki! Tama nga si mommy, isa kang maruming babae! Kaya ka siguro umalis ano? Para pagtakpan yang kalandian mo---"

PAAAAAAAAAAAKKKK!!!

Hindi na naituloy ni Jongin ang sasabihin niya ng isang napakalutong na sampal na naman ang ibinigay sa kanya ni Klaire.

Natigilan rin siya ng makita ang mga luhang lumalandas sa buong mukha nito. Isa sa pinakaayaw niyang makita sa buong buhay niya ay ang pag-iyak ni Klaire, ng babaeng sobrang mahal niya.

"K-klaire.... S-sorry... I didn't m-mean to say---"

"Sobra ka na Jongin! Ang sakit-sakit mong magsalita! Mag-ina nga kayo ng nanay mong matapobre!" Galit na sabi ni Klaire kay Jongin habang pinipilit tanggalin ang lahat ng luhang lumalandas sa mukha niya.

"Alam mo, tama lang pala yung desisyon ko na umalis at magpakalayo-layo! Tama lang na sinunod ko yung nanay mong matapobre!"

Hindi na napigilan ni Klaire ang nararamdaman niya. Nabitawan naman siya ni Jongin kaya't napaupo ito sa lapag.

"A-anong ibig mong s-sabihin K-klaire? A-anong sinunod mo si m-mommy?" Takang tanong ni Jongin. Waring iniisip kung ano ang pinagsasasabi nito.

Hindi sumagot si Klaire. Iyak lang siya ng iyak kaya't tumabi sa kanya si Jongin at niyakap ito. Lalo namang lumakas ang pag-iyak niya ng maramdaman ang mga yakap ni Jongin.

Ang mga yakap na napakatagal niyang gustong maramdaman muli.


"Klaire, baby, please tell me... Anong sinabi sayo ni mommy that day? Tell me baby..." Pag-aamo ni Jongin.

"Ayoko naman kasi talagang iwan ka eh... Never yung pumasok *sob* sa isip ko. Pero isang araw...isang araw tinawagan ako ng mommy mo. Sabi niya g-gusto niya d-daw ako makausap *sob*. N-nung pagpunta ko doon parang maayos naman. Until sabihin niya s-sakin na layuan na daw k-kita. *sob* maniwala ka Kai, I said no sa mom mo, numerous times." Pagpapaliwanag ni Klaire.

"Pero....pero bakit iniwan mo parin ako?" Bulong ni Jongin sa kanya.

Napahiwalay naman sa kanya si Klaire mula sa pagkakayakap... "Hindi ko yun gusto Jongin! Hindi ko yun gusto pero kasi yun ang tama!"

"Kelan naging tama yun Klaire? Kelan naging tama ang pag-iwan sa taong walang ibang ginawa kundi ang ipaglaban ka?!" Muling pagtataas ng boses ni Jongin.

"Kasi ayokong manira ng pamilya! Oo Jongin! Alam ko yung nangyari sa inyo ni Laureen. Alam ko na ikakasal kayo! Alam ko na magiging pamilya na kayo nung mga panahong yun! Pero anong ginawa ko? Diba nanatili parin ako sa tabi mo? Kasi bakit? Kasi mahal kita Jongin! Mahal kita naiintindihan mo ba yun?!" Pagsigaw ni Klaire.

"Ngayon, saka mo ako sisihin kung mali ang ginawa ko! Ginawa ko lang naman yung tama eh. Ayokong manira ng pamilya. Yung pamilya na unti-unti mong binuo pero hindi ako yung kasama mo." Pahina ng pahinang sambit ni Klaire at muli na namang nag unahan sa pagtulo ang mga luha niya.

Natauhan naman si Jongin ng marinig niya ang mga huling sinabi ni Klaire. All this time, pinaniwala niya ang sarili niya na iniwan siya ni Klaire dahil hindi na siya mahal nito at may iba na.

Katangahan... Yan ang magandang itawag sa ginawa ni Jongin.

Hindi naman niya napansin na nakatayo na pala si Klaire at palabas na ng pinto.

"Kalimutan mo nalang yung mga sinabi ko sayo ngayong araw. Ang mahalaga, nasabi ko na ang side ko. Bumalik ka nalang sa susunod na araw para mapag-usapan yung tungkol sa expansion. Ipapasyal ko pa kasi yung mga anak ko. Kanina pa nila ako hinihintay."

Lalabas na sana si Klaire ng pinto pero nagsalita ulit si Jongin...






"Yung kambal.....anak ko sila, hindi ba?"

Hindi sumagot si Klaire at nanatiling nakatalikod. Pero muling nagsalita si Jongin...

"Please Klaire, tell me. Ako ba ang tatay ng mga bata?" Nagmamakaawang tanong ni Jongin.

Humarap si Klaire at ngumiti bago sabihin ang mga katagang nagpaguho sa mundo ni Jongin...







"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan Jongin. Tulad nga ng sabi ko kanina sa loob ng conference room... Base sa mga salitang lumabas sa bibig mo, napag-alaman kong walang kwenta ang tatay ng mga anak ko. Panatag na ko na si Myungsoo ang kinilala nilang tatay at masaya na sila doon. Ayoko ng guluhin pa ang utak ng mga anak ko."

At pagkatapos nun ay tuluyan ng umalis si Klaire at naiwan namang luhaan si Jongin.

~•••~•••~•••~•••~•••~

WAAAAAHHH!!! SORRY PO. NGAYON LANG NAKAPAG UPDATE. ANG DRAMA NA NAMAN NIYA ANO? HAHA MAY PINAGDADAANAN KASI SI OTOR KAYA GANERN. SO KAMUSTA 'TONG CHAPTER? VOMMENTS PLESSSS? :)

Before I Let You Go (SS-KAIxYOONA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon