Before I Let You Go (pt5)

78 6 1
                                    

U P D A T E D :)
Play niyo yung nasa MM para mas feel niyo ang pagbabasa ng chapter na to. (Ulitin-ulitin niyo para mas feel)

WARNING: HEAVY DRAMA. Dejk. Haha slight lang naman. Pero feel ko heavy eh. Ewan. Bahala na kayo magjudge.

PS. Sino ng nakanood ng Love Me Right MV ng EXO dito? Ghaaad!! Ang hot ng baby Yoda ko hihi :> kshare lang. Enjoy reading. :)

~•••~•••~•••~•••~

Kai's POV

Tatlong araw na rin ang dumaan noong magkita ulit kami ni Klaire. Wala parin siyang pinagbago. Simple, mabait, maganda, maaalalahanin parin siya.

Pero hindi nun mababago ang nakaraan... Ang nakaraan kung saan iniwan at sinaktan niya ako.

Those days were still fresh in my mind. Feels like it just all happened yesterday. It was the day after our 3rd anniversary when she left me.

Hanging and dumbfounded.

Ni hindi ko man lang alam ang reason niya. Kung meron nga ba.

Natatandaan ko pa kung paano ako magmakaawa sa harap ng apartment niya. Kung paano ako nagmukhang t*nga kakasigaw ng pangalan niya para lang lumabas siya at kausapin ako. Pero mukhang mapaglaro samin ang tadhana. Wala na raw kasi ang dating umuupa doon.

Umalis nalang daw bigla.

[ F l a s h b a c k ]

Alas dos na ng hapon ng magising ako kinabukasan. Last night was the best night that I could ever have. I just shared the most memorable night with the woman I love the most.

Kinapa ko ang right side ng kama to check if Klaire was still sleeping. Pero laking taka ko ng wala akong kamay na mahawakan. Saka ko lang iminulat ang mata ko only to find out that there was no Klaire lying beside me.

I searched for her in the kitchen. Baka kasi nagutom lang siya at naisipang magluto ng pananghalian namin.

And again, there are no signs of Klaire.

I searched around the four corners of my condo unit, kahit CR chineck ko na din. Pero wala parin akong Klaire na nakita.

Sa sobrang kaba ko, agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at nagdrive papunta sa apartment na inuupahan niya.

Halos ilang minuto narin akong katok ng katok at sigaw ng sigaw ng pangalan niya pero wala man lang nagbubukas ng pinto.

Napaupo nalang ako sa tapat ng pintuan ng apartment niya ng makaramdam ako ng pagod. Naramdaman ko ring may luhang tumutulo sa mga pisngi ko.

Mga ilang minuto pa ang lumipas, may isang matandang babae ang lumapit sakin na galing sa kabilang pintuan.

"Iho, anong ginagawa mo dito? Kanina pa kasi kita naririnig na sumusigaw. May kailangan ka ba? Kaanu-ano mo ba ang umuupa d'yan?" Tanong ng matandang babae.

"Ah-eh... Kilala niyo po ba yung babaeng umuupa dito?" Tanong ko sa matanda.

"Ah, si Klaire. Oo kilala ko ang batang yun. Ako nga pala si Aling Mildred. Ako ang may-ari ng apartment na inuupahan ni Klaire. Anong kailangan mo sa kanya?" Tanong ni Aling Mildred.

"Ah, ako po si Kai. Boyfriend po ako ni Klaire. Itatanong ko lang po sana kung napansin niyong napadaan na dito si Klaire. Kanina ko pa po kasi siya tinatawagan pero hindi niya naman po sinasagot." Sabi ko kay Aling Mildred.

"Ay naku iho! Nahuli ka na nga ng dating. Kaninang umaga pa kasi siya umalis. Nagtataka nga ako at binayaran na niya yung upa niya para sa buwan na ito na dapat ay sa katapusan pa. Nagmamadali nga siyang umalis eh. Dala pa lahat ng gamit niya." Sabi ni aling Mildred.

Before I Let You Go (SS-KAIxYOONA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon