Before I Let You Go (pt2)

108 4 0
                                    

Yo yo yo man!~ thank you for reading and for waiting. Enjoy! :)))))

***

*Continuation of flashback 5 years ago*

Third Person's POV

Maaga akong nagising, or should I say gising na gising parin ako. Kahit pagod na pagod at masakit pa ang katawan ko ay hindi ko magawang makatulog.

Mataimtim kong pinagmamasdan ang lalaking pinakamamahal ko na mahimbing na natutulog. Kahit masakit pa ang ibabang parte ng katawan ko ay pinilit kong tumayo para makapagbihis at nang sa gayon ay makaalis ako agad.


*flashback (Klaire and Kai's Mom)*
(A/N: 'tong flashback po na to is kasama sa flashback 5 years ago. Parang flashback from another flashback.  ^_^)

*bzzzt bzzzt*

----
From: 09*********

Meet me at KJI Cafe. I'm Kai's mom. We need to discuss something. Btw, don't tell Kai about this.

----

Matapos kong matanggap ang message na iyon ay dali-dali akong nagbihis at tumungo na sa cafe na sinasabi ng mommy ni Kai.

Nang marating ko na ang lugar ay agad ko namang nakita ang mommy niya. Though wala pa kaming formal introduction sa isa't-isa ay alam ko ang itchura ng mommy niya. Madalas kasi siyang ikwento ni Kai. Minsan pa ay nagpapakita rin siya ng mga litrato nito.

Agad kong tinungo ang table ni Mrs. Kim.

"Good morning po Mrs. Kim." Bati ko.

"Good morning. Take a seat." Sabi naman niya. "Uhm, do you want anything? Coffee? Juice? Tea?" Alok pa niya.

"Ah hindi na po Mrs. Kim. Bakit niyo nga po pala ako pinapunta dito?"

"Uhm let's just wait for someone to arrive. She said she's on her way." -Mrs. Kim.

'She? Sino naman kaya yun? Baka ate ni Jongin.' Sabi ko sa isip ko. Napatango naman ako.

Ilang saglit pa ay dumating na yung babaeng hinihintay namin. Yun na yata yun dahil kinawayan ito ni Mrs. Kim. Nakatalikod kasi ako sa direksyon ng pintuan kaya kinailangan ko pang lumingon para makita kung sino yung dumating.

Pagkalingon ko ay laking gulat ko kung sino ang nakita ko.

"L-Laureen?" Patakang tawag ko sa kanya ng makalapit siya sa pwesto namin ng mommy ni Jongin.

"K-Klaire?" Takang sagot niya rin.

"So magkakilala pala kayo ng inaanak ko Klaire?" Napalingon naman kami ng biglang magsalita ang mommy ni Jongin.

Wala sa sarili naman among tumango bilang pagsagot.

"U-uhm yes t-tita. Kai, Klaire and I are good friends. We're in the same class back in high school." Sagot naman ni Laureen.

"Oh really? Wala kasing nababanggit si Jongin na may iba pa pala kayong kaibigan back then." Sabi ng mommy ni Jongin sabay tingin sa akin na parang nag-iinspect.

"Anyway tita, bakit mo pala ako pinapunta dito? And as well as Klaire?"  Tanong ni Laureen.

Bigla namang sumeryoso ang paligid. Kung seryoso ito kanina, mas pa ngayon.

"As you can see, Laureen's family and our family are business partners. We, as your parents, agreed to put you, Laureen and Jongin in a fixed marriage." Sabi ng mommy ni Jongin.

Bigla naman akong nanlumo sa mga narinig ko. Si Jongin? Ikakasal? Kay Laureen? Wow!

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Pero agad ko iyong pinunasan para hindi nila masyadong mahalata.

"What tita?! You've got to be kidding me." Pagrereklamo ni Laureen.

"No I'm not hija. Your parents and I agreed to it already. I'm just informing you now so that you have clues on what will happen in the future." Hayag ng mommy ni Jongin.

"If this is about me and Kai tita, why did you even bother to invite Klaire? She has nothing to do with this." Saka lang ako nagbalik sa wisyo ko ng banggitin ni Laureen ang pangalan ko. Naalala pa pala nila na kasama nila ako.

"Laureen, dear. We all know here that this girl has a relationship with my son. How long have you been hiding this to me? Huh?" Sabi ng mommy ni Kai.

Napatigil naman si Laureen at napatulala. Teka? Hiding? Tinatago? Ang sabi ni Jongin sakin ay alam ng oarents niya ang relasyon naming dalawa. Kaya lang hindi niya pa ako napapakilala ng pormal ay dahil laging naka-out of the country ang parents niya.

Tinignan ko sa Laureen na nakatingin din pala sakin. Yung tingin na parang humihingi ng tawad. Napatayo naman agad siya sa inuupuan niya.

"Sorry tita, Klaire. I have to go. I forgot marami pa pala akong papers na tatapusin." And she hurriedly stormed out of the cafe. Napakurap naman ako ng magsalita bigla ang mommy ni Jongin.

"Klaire, hija. Wag mo sanang mamasamain. I have plans for my son. I want him to be successful in the future. It's not that I don't like you for him though wala akong kaide-ideya sa relasyon niyo. But please understand. Our company and Laureen's parents company are already merged. And the only thing to keep it working is by letting my son marry their daughter." Sabi ng mommy ni Kai. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas mula sa mga mata ko.

Naramdaman kong tumayo ang mommy ni Kai. Bago pa ito makaalis ay may huling habilin pa itong sinabi...

"Leave my son Klaire. Break up with him. Much better of you'll not see him again. Please Klaire. I'm doing this for my son 's future. I hope you understand." And with that, she finally went out of the cafe, leaving me dumbfounded.

*end of flashback from another flashback*


Nang makapagbihis na ako ay muli kong tinignan ang maamong mukha ni Jongin bago ako tuluyang umalis. Oo. Aalis ako. Kaya ako pumayag  na gawin namin iyon ay dahil nakaplano na ang pag-alis ko.

Aalis ako hindi dahil sa nawala na ang pagmamahal ko sa kanya, kundi dahil ayokong masira ang isang pamilyang unti-unti ng nabubuo ng hindi niya nalalaman.

*******
Updated :)

Before I Let You Go (SS-KAIxYOONA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon