Before I Let You Go (pt6)

97 7 8
                                    

U p d a t e d :)

~•••~•••~•••~•••~

(Still Kai's POV... continuation nung last part...)

Napabalik nalang ako sa realidad ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Hon, bakit hindi ka pa nagpre-prepare? Diba ngayon mo imi-meet yung client mo from Elisse Couture? Baka ma-late ka niyan." Malambing na sabi sakin ng asawa ko.

Halos maglilimang taon narin kaming kasal ni Laureen. Arranged marriage. Nung mga panahong sobrang wasak na wasak ako nung iniwan ako ni Klaire, si Laureen ang laging nasa tabi ko.

Magkakaibigan kami nila Laureen noon. Siya lang ang may alam tungkol sa naging relasyon namin noon ni Klaire. Noong araw na nalaman naming ikakasal kaming dalawa , she did everything para lang hindi yun matuloy.

Her reason? Hindi naman daw kasi namin mahal ang isa't isa.

Tama kayo ng nababasa. We don't have special feelings towards each other except for friendship. Mas mahalaga kasi ang pagkakaibigan namin kesa sa love. And at the same time, we were both committed that time. Ako kay Klaire, at siya naman kay Myungsoo na kaibigan din namin.

Noong araw na ipinaalam sa public ang tungkol sa kasal namin, Myungsoo left without saying a single word to Laureen.

Just what Klaire did to me.

Pero at least, siya, alam niya ang reason ni Myungsoo. Unlike me na wala man lang na kahit katiting na idea.

"Ang lambing naman ng wifey ko. Pakiss nga!" Biro ko naman sa kanya.

"Yah! Kim Jongin! Tigilan mo ko ha. Kumilos ka na nga at ng hindi ka ma-late." Sabi sakin ni Laureen na halatang naiinis pero kinikilig kaya niyakap ko naman siya.

To be honest, sa loob ng halos limang taon naming pagsasama, narealize ko na hindi naman pala siya mahirap na magustuhan. Lalo na nung araw na dumating samin si Asher. Nakalimutan ko si Klaire simula nhng dumating sila sa buhay ko.

Naging masaya ulit ako.

Hindi na dapat ako nagpapaapekto sa nakaraan. Bakit ko pa nga ba iintindihin ang Klaire na yun?

Sino ba siya sa buhay ko?

Mahal ko ang pamilya ko. Hinding-hindi akk makakapayag na masira yun dahil lang sa kamaliang nagawa ko noon.

"Oo na po. Ito talagang si Mrs. Kim, ang init ng ulo. Tell me, masusundan na ba si Asher?" Tanong ko with matching taas pa ng kilay.

"Aish! Hanggang ngayon manyak ka parin! Ewan ko ba kung paano kita natagalan." Sabi niya sabay yakap din sa akin pabalik.

"Mahal mo kasi ako, that's why." Sagot ko naman sabay halik sa noo niya.

"Asa ka naman!" Sagot niya naman.

"Awww. Ganun nalang yun? So hindi mo na pala ako love? Hmpp! Nakakatampo ka naman." Pabirong pagtatampo ko sa kanya sabay pout.

Aalis na sana ako sa pagkakayakap sa kanya ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Smack lang yun. Wag kayong ano!

"Hindi ka naman mabiro. I love you hubby."

"I love you too, wifey." Sagot ko naman kasabay ng pagsiil ko ng halik sa kanya ng biglang...

"*ehem*... Daddy, ireremind ko lang po kayo na may imimeet po kayong client at male-late na po kayo. And ikaw naman po mommy, you promised me that you'll send me to school today, and yet you're not yet prepared. Haaaayyy.... Why do I have to witness these kind of stuffs first thing in the morning?????" Litanya ng little prince namin sabay walk out papuntang living room.

Before I Let You Go (SS-KAIxYOONA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon