DAY 1 Thursday
NAVI POV
"Hon sorry talaga ah. Hindi tayo magkakasama ngayong Valentines na to" malungkot na sabi ni Mareen, ang fiancée ko.
"Alam mo naman si mommy kapag humiling samin ang hirap tanggihan. But don't worry, this Valentine lang naman ito. Promise sa mga next na Valentines tayo lagi ang magkasama" napangiti ako sa sinabi niya.
Tama siya sa almost 3 years naming magkarelasyon, ito ang first year na hindi kami magkasama sa pagcelebrate ng Valentines day.
"okay lang hon. Hindi mo na kailangang ulit-uliting sabihin. Marinig ka ni mommy. Baka isipin niya pinagpapalit mo na siya sakin." sabi ko ng bumubulong din sa kanya.
Si tita pa naman ay masyadong selosa, gusto ang attention ay laging nasa kanya.
Andito kami sa NAIA, flight ng pamilya ni Mareen papuntang Macau. Dahil 50th birthday ni Tita Marisse, mommy ni Mareen, napagpasyahan ng buong pamilyang magbakasyon. Matagal na rin kasing gustong pumunta ni Tita sa Macau. Masyado lang kasi itong busy sa trabaho. Attorney kasi siya at napakabusy nito sa pagpapatakbo ng firm nila.
"Sorry talaga hon ah, alam ko na plano na natin ang gagawin sa araw na yun. Ang kaso sila daddy gusto kami magstay dun ng 5 days. Promise tatawagan kita pagkarating namin dun" nasa harap ko na siya ngayon at patuloy sa pagsasalita.
Ang mga kapatid nito ay may kanya-kanya ring ginagawa. Yung isa may kausap sa phone, yung isa naman mukhang may katext at nagmumusic lang, at yung bunso nila ay busy naman sa ipad nito.
"okay lang hon. Mag-uunwind ako mag-isa" sabi ko naman.
dahil nga planado na ang Valentine celebration namin 3 months ago , nakapag leave na kami sa hospital. We are both doctors taking our residency.
"ayain mo nalang sila Air at ang barkada." Suggestion niya.
Ngumiti lamang ako sa kanya.
"ako ng bahala hon, wag mo na kong isipin at mag-enjoy ka na lang dun okay?"
"wag kang mambababae sa valentines ah. Kundi lagot ka sakin" banta niya pero nakangiti pa rin.
"yes boss" nakasaludo pang sabi ko.
Natigil ang pag-usap namin ng tawagin na ang flight nila.
"boarding time na. see you on Monday hon. Be good okay?"
"okay, susunduin kita"
"mamimiss kita. I love you hon" sabi niya at hinawakan ang dalawang pisngi ko sabay hinalikan sa labi.
"I love you too hon. Enjoy ka dun ah, wag mong kalimutan ang pasalubong ko." paalala ko sa kanya.
"egg tart right? okay hon, bye."
"bye kuya Navi" paalam ni Matthew, ang bunso sa pamilya.
"sige una na kami iho" paalam ni tita.
"ingat po kayo mommy" nakangiting paalam ko na kumakaway pa. mommy na kasi ang tawag ko sa kanya ng maengage kami ng anak niya.
tumango naman ako kay tito bilang paalam.
Kumaway naman ang dalawa pang kapatid ni Mareen na sina Maui at Mandi at saka naglakad ang pamilya palayo sakin.
Nang makarating ako sa parking lot ay saka lang ako nakahinga ng maluwang. Ayokong magsinungaling, ngayon palang parang hindi ko na kayang gawin.
Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko pero ito na to. Ayoko ng pagsisihan ulit ang nakaraan o mag-isip sa hinaharap ng mga posibleng nangyare sa buhay. I know I'm being unfair. But I'm sorry... Mareen. I need to settle this once and for all.
BINABASA MO ANG
REBEL Desire
RomanceBoth of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in place no one will interfere. He wants a proper closure. She wants an adventure. Will it happen or will they end up hurting each other? Unleash...