Chapter 22

1.3K 12 1
                                    

ARMIE POV

Medyo nainis ako kay Nav kanina ng sinabi niyang di ko kayang bumili ng sasakyan.

Oo maliit lang ang sahod ko pero okay lang naman sakin kasi it's a step bago ako makapag-abroad. Kailangan ko ng working experience eh.

Oo plan ko mag-abroad. Gusto kong pumuntang USA. Sabi ni Tito James kumuha lang daw ako ng experience then sila na bahala ni Tita Carlie na magrefer sakin sa hospital na pinagtatrabahuan niya. Nurse din kasi si Tita dun eh. Akala nitong si Nav, yayaman din ako.

I can loan a money kung gusto niya para makabili ng car na gusto niya. At least kapag may car na kami, may conjugal property na kami. edi akin na siya. Chos lang!

Pagkababa ng jeep ay dumiretso na ko sa movie house, hindi ko na siya tinanong kung ano ang papanoorin namin basta dirediretso lang ako sa counter.

Nang Makita ko ang friends with benefits ay yun na ang pinili ko. Narinig ko kasi sa kapatid ko na si Candy na maganda daw yung movie at ang hot daw ni Justin Timberlake. Nagulat nga ko ng malamang si Justin ang bida eh. Kasi diba singer yun. Umaarte din pala siya.

Well, as expected kay Nav, siya nagbayad. Tssk! tapos sasabihin niya lagi ako nagpapalibre. E hindi naman niya ko binigyan ng chance na ako ang magbayad eh.

I have no idea about the movie, all I know is that it's a love story. Sana pala yung brutal na movie na lang ang pinili ko para makaganti naman ako kay Nav sa mga sinabi niya kanina. Pero wala na eh. Andito na, tsaka gwapo naman si Justin at ang ganda ng bidang girl. Bagay sila. parang kami ni Nav kaya okay na rin na ito ang panoorin namin.

Nung una natutuwa pa ko sa movie, pero nung medyo R-18 na ay di na ko makapagsalita.

OMG! Kaya pala sinabing maganda ito dahil may ganitong scene. Humanda sakin si Candy! Pasalamat siya nasa Davao siya.

Nakakatawa rin naman siya ang kaso lang baka anong isipin ni Nav sakin. Ako pa naman ang nagsuggest na ito ang panuorin. tuwang tuwa pa kong nagkukwento sa kanya kanina kung sino ang bida.

OMG! Sana lamunin na ko ng upuan ko.

Kung alam ko lang na ganito ito ay di ko na to pinili. Nakakahiya!

Nakuryente ang pagkatao ko ng naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero sa movie lang siya nakatingin. Hindi na naalis ang tingin ko sa kanya lalo na ng nagpaikot-ikot ang daliri niya sa may pulsuhan ko.

Kinakabahan ako, nararamdaman niya kaya ang bilis ng tibok ng puso ko? Malamang oo kasi sigurado malakas din ang pintig ng pulso ko.

Pinipilit kong magconcentrate sa pinapanood pero di ko magawa dahil hawak ni Nav ang kamay ko.

ngayon lang nangyare ito. Ibig ba nitong sabihin nagugustuhan na niya ko. naiinlab na ba siya sakin?

Oh! Fuck this! Inis kong sabi sa sarili. Why not enjoy the moment, wala na rin naman ang interest ko sa movie. Hindi ko na rin naiintindihan dahil nakaconcentrate na ang buong sistema ko sa kamay ni Nav na nakahawak sakin.

I intertwined our fingers, napansin kong nagulat siya pero wala naman siyang ginawa para tanggalin ang kamay ko kaya sumandal ako sa balikat niya. Ang lambot ng kamay niya, ang haba pa. dahil sa lambot ay tuwang tuwa akong pindot pindutin ito.

Mukhang wala naman siyang angal kaya patuloy lang ako sa ginagawa ko. Hindi ko namalayang ginawa ko na palang papel ang palad niya at panulat naman ang hinturo ko.

I-L-O-V-E-Y-O-U sulat ko sa kamay niya sabay ngiti. Nabasa niya kaya. Tinignan ko siya. Pero sa screen pa rin siya nakatingin. Hays! Mukhang nag-eenjoy siya sa movie. Mga lalake talaga, kapag mga ganyan ang palabas ay talagang tutok na tutok.

REBEL DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon