Chapter 67

1.4K 19 0
                                    

NAVI POV

"Hon may problema ba?" tanong sakin ni Mareen.

We are having our date at andito kami sa isang park, nakaupo at nanonood sa mga dumadaan.

"wala naman" tipid na sagot ko.

"ang tahimik mo kasi. Ano bang iniisip mo?"

"gusto ko lang mag-relax. Buti naisipan mo kong idala dito. Napagod ako sa duty sa ER kanina. 2 times kaming nagrevive" sagot ko.

" I know pagod ka. Isama mo pa ang wedding na inaayos natin. Kumuha na lang kaya tayo ng wedding planner kaysa tayo ang mag-ayos?"

"ikaw bahala"

actually gusto ni Mareen na hands on siya sa wedding. I'm just here to support her. Ang kaso nagduduty din kasi siya so mas nahihirapan kami.

"I'll ask my sister. Marameng kakilala yun"

"okay" sagot ko.

"in a matter of months, ikakasal na tayo. I'm so excited" sabi niya at ngayon ay yumakap na sakin.

"sabi ni Lloyd you're experiencing wedding jitters kaya ka ganyan. "

"inaasume lang yun ni Lloyd"

"hindi lang naman siya ang nakapansin. Kami din, parang lagi kang may iniisip. Ano ba talagang problema hon?"

"wala" iling ko at hinawakan ang kamay niya.

I don't know, habang tumatagal parang lalong nagiging mahirap sakin ang sitwasyon.

"wala ba talaga?" Tanong niya habang pinipisil ang kamay ko.

"baka nga wedding jitters" sabi ko na kinatawa niya.

" I think kailangan na talaga natin ng wedding planner, pressured ka na eh"

"maybe" nakangisi kong sabi.

"look" biglang sigaw niya.

Napatingin din ako sa tinuro niya.

Dancing fountain.

"ito talaga ang attraction sa park na to pag ganitong oras." Sabi niya sakin.

Dancing fountain, kahit hindi ko sinasadya nag faflashback ang mga oras na magkasama kami ni Mie.

Umiling-iling ako para mawala ito sa isip ko pero habang pinagmamasdan ko ang fountain show naalala ko siya.

Sa Vigan, habang nanonood ng dancing fountain, doon siya nag-madaling umuwe. Inisip ko noon na atat na atat na siyang makasama ako. Yun pala, nag LBM siya. Natatawa tuloy ako. Ibang klase talaga yun.

"you laughed" nakangiting sabi sakin ni Mareen

"hmmmp"

"ngayon na lang kita nakitang tumawa at ngumiti ng ganyan. Is that the effect of the fountain or is it because of me"

"hmmmmp- the fountain?" alangang sagot ko para asarin siya.

Sumimangot naman siya at lumayo sakin. Natawa na naman ako.

"I'm kidding hon"

"hmmmmp" sabi niya at nakacross arm pa.

hinila ko siya palapit sakin at hinalikan ang ulo.

"I know you will love here. At di ako nagkamali. Nakakarelax dito no? tapos ang ganda pang panoorin ang fountain kasama ng mga tao dito" mahina niyang sabi. Nakapulupot na ang mga kamay niya sa bewang ko.

tahimik lang kami habang pinapanood ang pagsayaw ng tubig sa saliw ng tugtugin.

Mie.

REBEL DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon