NAVI POV
Habang naglalakad kami ay nakita ni Mie ang mga nipa huts.
"Nie magtake out na lang tayo tapos dun na lang tayo kumain" turo niya dito.
"bahala ka" sabi ko na lang.
kahit ano naman ang gusto niya ay okay lang sakin, kahit nga sa kwarto na lang kami kumain ay walang problema.
Nagtake out kami sa restaurant kung saan kami nanggaling kagabi. Maganda naman pala kahit umaga dito dahil tanaw na tanaw ang dagat sa labas. Kahit nga dito na lang kami kumain ay okay lang, mas gusto lang talaga ni Mie sa nipa hut, di daw kasi bagay ang suot niya dito sa resto.
"Ang mahal ng food nila ah. Buti na lang masarap" sabi niya habang kumakain.
"lagi na lang isyu sayo ang pera Mie, bakit?" tanong ko
"hmmp kasi ikaw nagbabayad eh. Nakakahiyang kumain ng marame."
"nahiya ka na sa lagay ng kinain mo?" sarkastiko kong tanong.
"hindi" nakangiti niyang sabi
"friends naman tayo bakit ako mahihiya, kaya nga worth it ang price kasi masarap naman."
Umiling-iling nalang ako. Tinignan naman niya ko.
"wag mong sabihing wala ka ng pera Nie? Ha! Yabang mo kasing sagutin lahat sa trip na to. Wag kang mag-aalala ako ng bahala sayo sa mga susunod na lakad natin."
"at tipirin mo ko. wag na Mie, hindi pa ko naghihirap."
"yan tayo sa kayabangan mo eh"
"nagsasabi naman ako ng totoo."
"lahat naman ng kinainan natin ay masarap ah, kahit mura. May pinili na ba kong kainan na pinagsisihan mo?"
"meron" sabi ko.
kumunot naman ang noo niya at nag-isip.
"sa pagkakatanda ko, ako ang nagkaproblema sa tyan at hindi ikaw. Iniisip ko nga baka naging pang mayaman na rin ang taste ng tyan ko." Nakangusong sabi niya. tinutukoy niya nung nagkadiarrhea siya.
"katakawan ang tawag dun Mie, kain ka kasi ng kain."
"Hmmmp!"
" nang dahil sayo hindi na ko kumakain sa Japanese resto" mahinang sabi ko pero narinig pa rin niya.
"ako?bakit ako? Anong kinalaman ko?"
"4 years ago. Hindi mo na matandaan. Pinaubos mo sakin lahat ng pagkain sa Japanese Resto na yun, sumakit ang tyan ko."
"tsssk! Tagal na pala eh"
"matagal na pero simula nun di na ko kumain sa mga Japanese Resto" kahit pa yun ang paborito ni Mareen. Hindi na ko kumakain pa dun.
"awww! Pwede naman dun lang sa resto na yun. Bakit nilahat mo ba?" tanong niya.
"oo"
"awww ang unfair mo na naman sa ibang Resto"
"iniiwasan ko na ang raw foods"
"pero yun ang masarap"
"hindi sa pagkakakaalala ko."
"you miss half of your life Nav."
"I don't thik so" sabi ko.
"dapat makahanap tayo ng Japanese Resto mamaya" nanlaki bigla ang mata ko.
ngumiti siya ng malawak "dapat I conquer natin yang fear mo sa Japanese food"
para akong nawalan ng dugo sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
REBEL Desire
RomanceBoth of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in place no one will interfere. He wants a proper closure. She wants an adventure. Will it happen or will they end up hurting each other? Unleash...