Chapter 2

184 4 1
                                    

ANDREA'S POV


Kung minamalas ka nga naman, o'o! Kaklase ko na nga... katabi ko pa! Kapag ako talaga hindi nakapagtimpi, mapapatay ko 'tong baklita kong prof! Ang laki ng galit sakin e!


Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi ng baklang nasa unahan. Lecheng History yan! Nakaraan na nga, binabalikan pa! E patay na nga ang mga yan, bakit kailangan pang alamin ang mga pinagdaanan nila?!


"What does it mean, Ms. Salazar?" tawag niya sakin. pero hindi ko pinansin at patuloy lang sa pagdradrawing sa likod ng notebook ko.


Tinatanong nanaman ako tungkol sa mga pinagsasasabi niya. T*nga pala 'tong taong 'to e! KAYA NGA KAMI NASA SCHOOL PARA TURUAN NIYO HINDI PARA TANUNGIN NIYO! LANGYA! KAYA NGA ITINUTURO PARA MALAMAN NAMIN! ANONG ALAM KO DIYAN?! "Ms. Salazar..." tawag nanaman niya.


Kinukulbit din ako nitong lintek na lalaking katabi ko pero hindi ko sila pinapansin. Kinulbit nanaman ako. Ano bang problema nito?! Wala akong ginagawa sa kanya ha! "Tawag ka..." bulong niya. Alam ko naman na tinatawag ako no! Anong akala niya sakin, bingi?!


"MS. ANDREA KIELLE SALAZAR!" sigaw ni bakla kaya tumingin na ako pero walang expression sa mukha.


"Ano?" bored na tanong ko.


"I AM TALKING TO YOU" sigaw niya nanaman. Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagdradrawing. Ayoko ngang makipag-usap e! Maghanap siya ng ibang makakausap niya. Istorbo!


"Pake ko?" bulong ko na narinig ata niya.


"ANDREA! GET OUT OF THE ROOM! NOW!!!" sigaw niya ulit. Nakakabingi kaya tinakpan ko ang tenga ko sabay irap. Yun lang naman ang inaantay ko e! Nakakatamad kaya dito sa room!


Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng room. Walang katao-tao sa hallway... malamang mga nakastuck sila sa klase nila! Nakakaawa naman!HAHAHAHAHAHA Bahala silang magpakahirap diyan.


Tutal hindi naman ako nagugutom, hindi na ako dumiretso sa canteen. Magcucuting na lang ako. Bwhahahaha


Dumiretsyo ako sa likod ng school kung saan merong malaking puno. Naupo ako sa ilalim ng puno at natulog na lang.


***********


"Huy! Gising!" may naramdaman akong tumatampal sa pisngi ko. T*ng*na! Kitang natutulog yung tao tapos manggigising?! Inaano ko ba 'to?! Panira ng araw e! "Huy Andrea! Pag hindi ka pa gumising sasampalin talaga kita!" sabi pa niya.


Iminulat ko ang mata ko at tiningnan siya ng masama.


"Lunch na po! Tara nang kumain!" tumayo naman ako at hinampas siya ng malakas.


"Walanghiya ka! Edi kumain ka mag-isa! Bwisit! Kitang natutulog yung tao e!" sigaw ko dito sa lintek kong bestfriend na walang ginawa kundi yamutin ako!

The Angel's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon