ANDREA'S POV
Pusang kinalbo ng sampung beses naman oh! Ang sakit ng tiyan ko grabe! Pizza at coke?! Masarap nga, pero disaster naman ang abot ng tiyan mo! Dagdag mo pa 'yung sandamakmak na chocolate na pinakain sakin ni Raven na nanggaling pa sa mga admirers niya!
Papasok pa kaya ako? Kapag nanatili ako dito sa bahay, B-O-R-I-N-G. Kapag pumasok naman ako, B-O-R-I-N-G din! Ay teka... Bawian ko na lang kaya si Denise dahil sa pagkuha niya nung inumin ko at dahil din sa pag-upo sa table namin ni Raven? Tama! *evil laugh* Humanda ka sakin bruhilda ka! Wala kang takas!
Naghanda na ako para sa pagpasok sa school, pero syempre binilisan ko. Hindi ko na iisa-isahin ang mga ginawa ko kasi alam niyo na naman siguro 'yun diba? 'Yung mga usual na ginagawa ng mga estudyante.
Nang handa na ako, kinuha ko na 'yung bag kong wala namang laman kundi pera, cellphone, earphones, at ballpen na wala na atang tinta dahil naubos sa kakadrawing. No need for notebooks.
Inilock ko na 'yung pinto at lumabas na ng condo. Sumakay ako sa elevator at pumuntang lobby. Naulan pala. Wala akong payong na dala. Tss. Tatakbo na lang ako. Malakas naman resistensya ko. Di naman siguro ako matatapilok dahil hindi naman ako kasing lampa ng iba diyan.
Tatakbo na sana ako kaso may biglang humila sakin. "Uso magpayong." sabi ng taong ito. Tao na isa sa pinakaayaw kong makita. Agang-aga naninira na agad ng araw!
"Ayaw ko magpayong at ayaw ko sayo kaya kung pwede, umalis ka na. Panira ka ng araw eh!" mataray kong sabi. If he's an angel, well I'm a devil.
"Edi ako ang magpapayong sayo. Tara na." sabi niya sabay lakad habang nakapayong. Hindi ako sumunod. Tumigil siya nung napansin niya na wala siyang katabi. Tss... t*nga. "Sabi ko tara na." sabi pa niya at pilit akong hinila at pinapayungan.
"Kingina! Di ka rin marunong umintindi no?! Ayaw ko nga sabi!" hinila naman niya ako. Wtf sapilitan! "Arghh!!! Child abuse! Harassment! Rapeee!!!!!!" may mga nagsitinginan naman dahil sa mga pinagsasasabi ko.
"Huy anong rape?!"
"Bitawan mo na kasi ako! Ano ba! Kaya ko sarili ko! Hindi ko kailangan ang tulong mo!"
"Step no. 3 in being a good person is lowering your pride. Alam mo nang hindi mo kaya pero ipagpipilitan mo pa rin na kaya mo para lang hindi isipin ng ibang tao that you're weak."
"Aba't! Hoy lalaking anghel kuno! Ayusin mo 'yang tabas ng dila mo ah! Nakakap*tang*na!"
"Step no. 4, think before you speak." tinignan niya ako at tinaasan ko lang siya ng kilay. Anong pake ko diyan sa steps steps na 'yan?! "And please... no cursing. Bad gestures are also included."
"Ano bang pake ko diyan?! Bitawan mo na lang kaya ako! At wala kang pakielam kung magmura ako ng sagad! Hindi kita tatay!" tinitigan niya lang ako at umiling. Ano nanamang iniisip nito?!
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise
FantasyOnce upon a time, may isang anghel na pinababa sa lupa para baguhin ang isang babae. Magawa kaya niya ang kanyang misyon para makuha niya ang kanyang nawawalang mga alaala? Will he get the happy ending that he deserves?