Prologue

513 10 0
                                    

I was commanded to take care of her...


I was commanded to keep her safe...


I was commanded to change her...



Pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman.


Kung magiging masaya ba ako, dahil bababa na ulit ako sa lupa...


O maiinis, dahil alam kong mahirap ang pinapagawang misyon sakin.



"Meron ka lamang anim na buwan para gawin ang misyon mo. Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para hindi ka mabigo. Tandaan mo, kapag nagawa mo ang misyon na ito, makukuha mo ang iyong mga nawawalang alaala. Mag-iingat ka." sabi sa akin ng puting liwanag.


"Opo, mag-iingat po ako."


Inihanda ko na ang sarili ko para sa pagbaba sa lupa ng magsalita ulit ang puting liwanag.


"At paalala ko lang sayo, Angelo, iwasan mong mahulog ang loob mo sa isang tao."


At sa sandaling iyon, napalibutan na lamang ako ng liwanag.

The Angel's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon