Chapter 3

92 2 0
                                    

ANDREA'S POV


Madilim na dahil gabi na. Malamang madilim kasi nga gabi na! Alangan namang madilim sa umaga, diba?! UTAK NAMAN!!!


Kanina ko pa ring nararamdaman na parang may sumusunod sa akin. Siguro 'yung ANGELO'ng 'yun nanaman!!! Nagkaroon pa tuloy ako ng stalker!!!


Bwiset!! Subukan niya lang talagang magpakita ulit sakin, uupakan ko na talaga 'yung panget niyang pagmumukha! Lintek siya! Di ko malaman kung may gusto ba sakin 'to o sadyang pinagtritripan lang ako!


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.


Bakit ganun? Feeling ko kanina pa ako naglalakad pero parang hindi ako makarating-rating sa condo ko?!?!


Napapansin ko rin na walang dumadaan na sasakyan. May curfew na ba ngayon? Bakit walang katao-tao? Dati-rati, kapag dumadaan ako dito, laging may mga nag-iinuman sa may kanto at laging may mga naghahabulan na magkaibang fraternity. E ANYARE NGAYON?!


T*ng*na! ANO BANG NANGYAYARI?!?!?


Napadaan ako sa isang streetlight at nagulat na lang ako nang bigla itong nagpatay-buhay. Di ko alam kung anong nangyayari sa akin pero sa tingin ko..... unti-unti na akong natatakot.


*whhhhoooshhh*


Sh*t! Hindi ako duwag! Hindi ako takot! Hindi ako—


*krrrttt*


SH*T!!!! T*ng*nuhhhhh!!!!! Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko, kaya naman binilisan ko na ang paglalakad ko! Lakad-takbo! Ayan na, ayan na!!! CONDO!!!! AYAN NA AKO!!!


Sa sobrang—ay hindi pala sobra—basta nagmamadali ako. Nag-hagdan na nga lang ako kasi, PRAMIS!!! Baka mastuck pa ako sa elevator at mamatay ng wala sa oras!!!


Mabilis akong tumakbo paakyat ng hagdan nang biglang...


*tok tuk tok tuk*


"P*TA!!!!!" at dahil sa narinig ko, tumakbo na ako ng sobrang bilis na halos magkandarapa na ako!


Kung sino man ang lintek na 'to, Humanda ka sakin! HUMANDA KA SAKIN! Humanda kaaa---


"WAAHHHH!!! B*LLSH*T!!!! BITAWAN MO AKO!!! HOY!! GAG* KA!!!"

"Shhh..." sabi niya habang takip-takip ang bibig ko gamit ang kamay niya.


"Wag kang maingay kung gusto mo pang mabuhay."


Aba aba teka lang! Siya na nga 'tong kanina pa sumusunod at nananakot tapos siya pa 'tong may ganang sabihan ako nang wag maingay kung gusto ko pang mabuhay! E kung siya kaya ang patayin ko para bawian na siya ng buhay!


Sinubukan kong magpumiglas kaso sadya atang malakas ang higanteng 'to!


The Angel's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon