Chapter 5

80 1 2
                                    

ANDREA'S POV


Nagising ako sa amoy ng apoy. SUNOG?!


Napamulat ako nang wala sa oras. Bumungad sakin ang bakat na bakat na likod ng isang lalaki. Maganda ang korte ng katawan nito, kitang-kita ang muscles nito sa likod. Parang nagwowork-out. Teka, sino ba 'to?! Nasaan ako?! Nako naman Andrea!!! Inuna mo pang pagnasaan 'yang likod ng isang lalaking hindi mo kilala!


Nakatingin lang ako sa likod niya at sa basa na puting t-shirt niya, nang biglang gumalaw ang mga kamay niya at napunta sa dulo ng t-shirt niya. Hinawakan niya ang dulo ng t-shirt at unti-unti niya itong itinaas. WTF! 'YUNG INOSENTE KONG MGA MATA! ABA PUTAKTE TIGIL NA!


Hinubad niya 'yung damit niya! A'a! Kingina! May balak pa ata 'tong magbold star dito!


Pero napabalik ang tingin ko sa likod niya. Kapansin-pansin ang malaki niyang peklat sa bandang kanan ng likod niya. Para itong hiniwa.


"Don't you know that staring with an impure mind is a sin against the sixth and ninth commandment?" sabi niya sabay lingon niya sa akin.


"P*tang*na." 'yan lang ang nasabi ko nang makita ko kung sino 'yung lalaki.


"You're cursing again."


"The hell do I care!" napabalikwas ako nangmapansin kong wala ako sa condo ko or sa school. "Hoy! Nasaan ako?!" sigaw ko sa kanya.


"Uhm... storage room?" Langya hindi pa ata siya sigurado!


"STORAGE ROOM?! ANONG GINAGAWA NATIN DITO SA STORAGE ROOM?! WHAT THE?! UUWI NA AKO!" sigaw ko sabay tayo. Tumakbo ako papuntang pinto. Akmang bubuksan ko na ito nang bigla niya akong higitin sa braso.


"You can't." sabi pa niya.


"At bakit nanaman?!" sigaw ko. "Alam mo, nakakainis ka na! Lagi ka na lang kumokontra sa lahat ng gagawin ko! Tapos ngayon, ganto naman?! Ayaw mo ako paalisin sa lintek na storage room na 'to!"


"HIndi ka pwedeng umalis. It's too dangerous. Masyadong malakas ang ulan at madadala ka ng hangin. Bumabaha na rin kaya mas mabuti nang magstay muna tayo dito." tumigil siya sandali at huminga ng malalim. "And besides, I'm not doing these things for myself. I'm doing these for you."


So matutuwa na ba ako? Kikiligin? No way! "Paano ba kasi ako napunta dito?!" inis na tanong ko at umupo na ulit sa pwesto ko kanina. Hindi niya ako sinagot at pinagpatuloy lang ang pagpapanatili ng apoy. 


Hindi ba siya naiinitan? Sobrang lapit niya sa apoy samantalang ako itong ginaw na ginaw na. Basa pa ang damit ko sa di malamang dahilan, pero feeling ko, dahil ito sa ulan.


Teka nga, bakit ba nakatopless siya?! Hindi niya man lang naisip na kahit papaano may babae dito! "Hoy! Magdamit ka nga!" sigaw ko sa kanya. Tinignan niya lang ako tapos may kinuhang damit malapit sa may apoy. Salamat naman at naisipan niya ding magdamit!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Angel's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon