Chapter 2: Hindi makatiis

4.7K 112 5
                                    

Chapter Two

Hannah's Point of View

Aish. Tanga mo Hannah, nahuli pa ako ni Ian na nakatingin sa kanya. Inalis ko kagad yung tingin ko sa kanya, tinignan ko na lang si ma'am. Pero alam kong nakatingin pa rin siya sakin. Concentrate Hannah.

"Class, dismissed! Bukas ulit tayo magkikita. Susunod niyong subject is Math." Hala? Math kagad? Hindi ko dala yung libro ko dun. "Ma'am! Math kagad?" Tanong nung katabi ni Ian. "Yup, wala na kayong magagawa. Yan ang schedule niyo, wag kayong magreklamo." Sermon ni ma'am sabay alis sa classroom. Wala akong libro, paano na?

May kumatok na sa pinto namin. Niluwa nun ay si sir, kung hindi ako nagkakamali siya yung guro namin sa Math. Ang problema ko wala pa akong libro!! Sir, sana matae ka. Biro lang. Sana wag muna magdiscuss. May kumalabit sa balikat ko. "May libro ka ba?" Bulong sakin ni Ian. Umiling lang ako sa kanya "Share tayo?" sabi niya sabay ngumiti. Tumango na lang ako pero actually nahihiya ako. Lumapit pa siya sakin ng konti. Ang bango niya, anong kayang perfume gamit niya?

Nagdidiscuss si sir pero hindi ako nakikinig, nahihiya talaga ako kay Ian. Ang lapit kaya ng mukha niya sakin. Ang bango pa, hindi tuloy ako makaconcentrate. Sinilip ko lang siya ng konti, yung mata niya nakatingin lang sa libro. Pogi talaga siya. Kinis pa ng mukha daig pa ang babae.

Bigla siyang ngumiti, tapos tumingin sakin. Hala? Problema nito? "Gwapo ba ako para titigan ng isang magandang babae?" Parang nangaasar na bulong niya sakin. Nagbubuhat siya ng sariling niyang bangko "Edi ikaw na gwapo." Walang emosyon kong sabi. Tumawa lang siya, ba't ganun parang nag slow motion bigla nung tumawa siya. Ang sarap pakinggan nung tawa niya.

"Makinig ka sa discussion, wag mong titigan yung mukha ko. Baka mainlove ka." Asar niya ulit sakin. Bwiset 'to ah? Mainlove? Ano yun love at first sight? Kapal. Sumimangot na lang ako. "Ang cute mo pag sumisimangot." Mahina niyang sabi pero narinig ko. Bipolar kanina ang yabang ngayon ang bait. Ngumiti na lang ako sa kanya. Ngumiti rin siya sakin. Ang puti ng ngipin niya. Ang gwapo niya nung ngumiti pa. Dagdag pogi points yung pag ngiti niya.

"Okay class, pwede na kayong mag break. See you tomorrow." Tapos na kagad? Ganun na ba kami katagal mag asaran ni Ian? Umalis na si sir. "May kasabay ka bang kumain?" Napalingon ako kay Ian nung tinanong niya yun. Umiling lang ako. Ngumiti muna siya "Sabay ka na sa amin." 

Sa kanila? Bago pa ako makapag salita may lumapit sakin na lalaki, gwapo rin siya pero mas gwapo si Ian. "Yo, ako si Richard isa sa poging tropa ni Ian." Bati niya sakin. Binatukan siya ni Ian "Anong pogi?" Asar niya, parang mga bata. Hahaha. "Oy. Mamaya na yan. Hi Hannah, ako nga pala si Ethan." Nag salute pa siya. Haha, parang silang mga bata. Tumango na lang ulit ako sa kanila. 

"Tara na?" Yaya ni Ian. Tumango lang ulit ako. Ano ba 'to? Hindi na ba ako makapagsalita kaya tango na lang ako ng tango? Bwiset 'tong author nito.

Lumabas na kaming apat ng classroom. Habang naglalakad kami papuntang canteen, may nagbubulungan pa.

"Tignan mo girl. Kasama niya yung mga heartthrobs natin oh. Sino yan?"

"Kala mo kung sino? For sure nilandi niya lang sila. Psh."

"Siya yung transferee sa section A di ba? Ganda na niya sana eh, landi nga lang."

"Dami na talagang malalandi dito. Pero, siya yung pinaka malandi no?"

"Agree ako diyan gurl."

Aray naman. Puro na lang malandi narinig ko ah? Napatingin ako dun sa tatlo kong kasama. Nakataas yung dalawang kilay nilang dalawa sina Ethan at Richard. Samantalang si Ian naman, walang emosyon. 

Simpleng Tulad Mo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon