Chapter 9: Meet her
Kevin POV
Nandito lang ako sa kwarto ko. Iniisip ko si Chloe. Ang sama ng ginawa ko sa kanya, sinigawan ko siya't lahat. Bakit kasi ako pa yung nagalit? Ako naman yung unang nagloko.
Mahal ko talaga si Chloe, kaya nagalit ako sa kanya ng ganto.
Gusto ko siyang kausapin. Pero, alam kong galit pa siya sakin. Ni reject ko siya, pinakamaling desisyon na ginawa ko.
"Sir Kevin." Napatingin naman ako sa maid namin. "Bakit?" Ngumiti naman siya.
"Andito po si madam Chloe." Naglinis ba ako ng tenga ko? Mali ata narinig ko. Hindi pa ata ako nakakalinis ng tenga.
"A-ano po?" Parang kinilig siya.
"Si madam Chloe po, nasa garden po ninyo sir." Nakangiti niyang sagot na para pang kinikilig.
Tumakbo kagad ako palabas. Nakita ko siyang nakaupo sa porch swing namin.
Umiiyak siya habang nagcecellphone. Kaya kagad akong tumakbo sa kanya, napatingin siya sakin. "Chloe bakit?" Pinunasan niya yung luha niya.
"Wala. Nagbabasa kasi ako ng wattpad story. Nakakaiyak kasi iniwan ng boyfriend yung babae." Pinupunasan pa rin niya yung luha niya, natawa naman ako sa itsura niya ngayon.
"Huwag mo nga ako pagtawanan." Ang cute niyang tignan, kaya nagchuckle na lang ako.
"Ba't ka napadaan Chloe? May problema ba?" Tinago niya yung cellphone niya sabay tumingin sakin.
"May sasabihin ako sa'yo pero wag ka munang aangal o kokontra." Tumango na lang ako.
"First of all, Mahal pa rin kita." Sa sinabi niyang yon, tumigil yung mundo ko. Parang eto na naman ako nung una ko siyang nakilala at minahal. Eto na naman 'tong walanghiyang puso ko, sobrang bilis tumibok dinaig pa yung kabayo kung tumakbo.
"Second, mahal na mahal pa rin kita." Hindi ko alam kung ano irereact ko. Kalalaking kong tao, pero kinikilig ng sobra sobra. Damn.
"Last, mamahalin pa rin kita kahit anong mangyari, kahit ayaw mo na sakin, kahit i-reject mo ako. Mahal pa rin kita Kevin Chandler." Sa huli niyang sinabi, niyakap ko siya ng sobrang higpit. Nagulat siya sa ginawa ko, wala na akong pake kung may nakatingin ba samin o ano.
"Ke-kevin...sorry ah...sorry kung may iba akong minahal. Sorry kung--" Bago pa niya matapos yung sinabi niya. Hinalikan ko na siya, pagkatapos kong gawin yon tinignan ko siya sa mata.
Yakap yakap ko pa rin siya. "Ako dapat ang mag sorry. Sorry sa lahat, sa lahat lahat. Sa pag reject ko, sa pagsigaw ko, sorry kung ang insensitive ko. Higit sa lahat, sorry kung nangloko ako. Pero paniwalaan mo ako Chloe. Mahal kita." Niyakap na rin niya ako pabalik.
Umiiyak siya, kaya lalo ko lang siyang niyayakap.
"Kevin, I Love You so much." Pagkatapos niyang sabihin ang salita niyang yon, hinalikan niya ako.
"Same as mine Ms. Chloe Fernadez soon to be Chandler." Natawa naman siya, kaya naman pati ako natawa. Mas niyakap ko siya ng mahigpit. Gumanti siya kagad.
--
Hannah POV
"Hannah?" Napabalik ako sa sarili ako nung tinawag ako ni Ian. Nakatitig lang kasi ako sa kanya.
"Sorry Ian." Tumawa lang siya. "Masyado ka na atang nagwagwapuhan sakin?" Napapoker face na lang ako sa kanya.
"Dito ka na lang magdinner." Nahiya naman ako bigla. "Huwag na. Andon lang naman condo ko oh." Ngumiti siya sakin. "Dito na lang." Umiling ako. "No need."
"Huwag ka ng makulit Hannah. Para naman matikman mo luto ko." Napangiti naman ako sabay tumango.
Tumayo kagad siya at nagluto na. Sumunod ako sa kanya. Tinignan ko kung anong niluluto niya.
Ako lang ba o nanandya si Ian? Kasi paborito ko pang ulam ang iniluto niya.
"Sorry ah kung eto lang maluluto ko." Nginitian ko siya. "Paborito ko yang niluluto mo Ian." Nagulat siya sa sinabi ko.
"Di nga? Mahilig ka rin sa 'Burger Steak'?" Tumango ako. "Simula bata pa lang, gustong gusto ko na yan." Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Sige na, umupo ka na don." Sumunod na lang ako.
---
"Thank you Ian. Ang sarap talaga ng luto mo. Daig mo pa ako." Ngumiti naman siya. "Really? Patikim ng luto mo next time." Nagsisi ako sa sinabi ko."Baka hindi ka masarapan."
"Lahat ng gawa mo gusto ko. Lalo ka na, gustong gusto kita." Namula yung mukha ko sa sinabi niya.
"Pulang pula ka na Hannah." Tinakpan ko na lang yung mukha ko, tumakbo na lang ako pabalik sa condo ko.
Langhiyang Ian, nagpapakilig pa eh! -///-
Pagkadating ko sa Condo ko, may tao akong hindi ineexpect.
"A-ate?"
---
Ian POV
Hindi ko alam sa sarili ko. May nasabi na naman akong kababalaghan.
Dumiretso na lang ako sa condo ko, at natulog na.
-
Papunta na akong school, nakasabay ko si ate.
"Oh? Hindi mo man lang hinintay si Hannah?" Tanong naman niya, good mood ata 'tong si ate?
"Mas maaga siyang pumapasok." Tumango na lang siya.
"Ian..." Napatingin ako kay Ate.
"Bili tayo ng coffee. My cravings!" Gigil niyang sabi, natawa naman ako.
"Fine." Parang mas spoiled pa si ate kaysa sakin.
-
"I thought Hannah is maagang pumasok than you?" Takang tanong ni ate, nagtataka rin ako.
"I don't know. Maybe she woke up a little late?" Napatango si ate.
"Bati na kayo ni Kevin?" Tanong ko naman, namula si ate. Halata na sagot nito. "No need for you to answer." Natawa naman siya, still namumula pa rin siya.
Umupo na lang ako, at nakinig sa tugtog ko.
"Yo." Bati samin nina Ethan at Richard.
"Yo, wala si Kate?" Tanong ko. "Hindi kami sabay, LQ kami." Natawa ulit ako, para silang mga bata. Alam kong magbabati rin naman yang dalawang yan.
"Si Hannah?" Tanong naman nila, nagkibitbalikat ako. "I have no idea." Napatango lang din sila.
"Morning." Cold na bati ni Kate, sabay dumiretso na lang sa upuan niya. LQ nga.
"Now, si Hannah mo na lang ang kulang." Sabi ni ate, nagtaka ako. "Anong si Hannah na lang? Wala pa yang Kevin mo ate." Nagtaka naman itsura ni ate, inayos niya upo niya.
Natatakpan pala niya si Kevin, kaya pala hindi makita. =___=
"Lapad mo kasi ate." Nagalit yung itsura niya, natawa lang si Kevin. Kakampi ko rin ata si brother in law? Haha.
Tanggap ko na silang dalawa, simula pa lang ng una.
Nagtataka na ako kung nasaan si Hannah.
Hindi naman nalalate yon.
"Class, take your seats." Sumunod naman kaming lahat.
And the day went fast, puro lecture nothing special at all.
Wala talagang Hannah na dumating...
---
Hannah POV"At-ate..." Kabadong kong sabi.
"Don't worry too much. C'mon let's go." Nakangiti niyang sabi sakin.
Kinakabahan ako. Of all days...bakit ngayon pa?
[To be continued]
Sorry for super duper late update, at syempre sorry kung bitin. TvT
BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo [COMPLETED]
RomansaYung nainlove ako sa simpleng babae. Na love at first sight. Magugustuhan rin kaya niya ako? Makakaamin ba siya? Masasaktan ko ba siya? May Happy Ending ba kami? O sadyang aasa lang ako? SNSD's Taeyeon as Hannah EXO's Baekhyun as Ian