Chapter 12: I Love You
Ian POV
Nagising ako, naalala ko na naman yung nangyari kahapon.
Napangiti kaagad ako, naisip ko kasi si Hannah.
Wait lang, ba't parang may katabi ako rito sa kama ko?
Sinilip ko naman.
0___0?!
Si Hannah?!
Bakit katabi ko siya? Wala naman akong ginawa di ba? Di ba?!
Napasabunot ako sa sarili ko.
"Ian..." Tumingin ako kay Hannah nung narinig ko yung pangalan ko. Napangiti naman ako, tulog siya. Pero ako pa rin yung iniisip niya? So gay, kinikilig ako.
Hinalikan ko siya sa noo. Sa bawat tingin ko sa kanya, lalo lang ako naiinlove.
"Argh. Bakit ba kasi ang ganda mo?" Napangiti siya, sandali. Gising na siya?
Umupo na siya sa kama. Tapos sabay tumingin sakin. Nanlaki yung mata niya.
"I-ian?!" Sigaw niya, kaya napatawa ako. Tumango ako. "Omg. Bakit tayo magkatabi?!" Nag shrug lang ako sabay nagsmirk. "Hala! Bakit ka nagsmismirk?!" Hinalikan ko siya sa pisngi kaya namula siya. "Morning wife." Nalaglag siya sa kama kaya napatayo kagaad ako.
"He called me wife!" Kinikilig niyang sabi. Now I know why, kung bakit ako nainlove sa kanya. "Bumangon ka na diyan wife, baka halikan kita diyan." Naggiggle naman siya, which naging super cute siya sa paningin ko.
"Edi halikan mo." Nakasmirk niyang sabi, nagsmirk rin ako. Tinayo ko siya, sabay hinalikan sa labi. Nagulat siya nung una, pero hinalikan rin niya ako pabalik.
"I love you Hannah Patterson Fernandez." Napatawa siya, niyakap niya ako. "I love you too Ian Fernandez soon to be my husband." Napangiti naman ako sa sinabi niya, ginulo ko yung buhok niya. She just smiled, napangiti ako. I just love this girl so much.
---
"Iho at iha, kamusta ang first night niyo?" Tanong samin ni Mom, nandito na kami sa dining table, kumakain na ng umagahan. Napaubo si Hannah. Natawa tuloy sina Mom.
"Okay ka lang iha?" Tumango naman si Hannah. Napapangiti na lang ako. "Ian, nakascore ka ba?" Tanong ni Dad sakin, natawa ako. Hinampas naman ni Mom si Dad. "What? Bakit Hon? Tch. Ako nga muntik na magkascore sayo nun!" Namula si Mom sabay sinapak si Dad. Natawa kaming lahat.
"Hon! Tumigil ka nga! Jusko." Natatawang sabi ni Mom. Natawa rin kami.
"Kailan niyo ba gusto maengage?" Nagkatinginan kami ni Hannah.
"Ayoko siyang i-rush Mom and Dad, ang importante lang samin is nagmamahalan kami." Napangiti sila. Ngumiti rin sakin si Hannah, ginulo ko lang yung buhok niya.
---
"How did you know na si Hannah yung gusto kong babae Mom and Dad?" Tanong ko sa kanila, habang nasa garden kami. Nagkatinginan naman sila.
"Well, isang beses pumunta ako sa school niyo ng ate mo. Then, I saw you with Hannah. I know the way you look at her anak." Napangiti ako sa sinabi ni Mom. "Then, after non pinaimbestiga ko si Hannah. Isang tingin ko pa lang sa picture niya. Payag kagad ako." Nakangiting sabi ni Mom.
"Ganon ka simple? Galing niyo talaga Mom." Tumawa naman sila. "Well you know, alam yan ng nanay." Nakasmirk pang sabi ni Mom.
"Matalino naman talaga ang hon ko, kaya nga matalino ka rin Son. Matalino ka rin sa pagpili ng babae." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Dad.
"Son, please don't hurt Hannah." Ngumiti naman ako sa kanila. "I can't do that." Napangiti naman sakin si Mom and Dad. Napatingin ako kay Hannah. "I love you Ian." Napangiti rin ako sabay hinawakan yung kamay niya. "I love you too."
[To Be Continued]
Maybe the next chapter will be the Last Chapter! Then Epilogue. :3
Thanks for reading! By the way, sorry for late/short update.
Bakit ba ito maiki? Kasi po, last chapter na ang susunod. :D
BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo [COMPLETED]
RomanceYung nainlove ako sa simpleng babae. Na love at first sight. Magugustuhan rin kaya niya ako? Makakaamin ba siya? Masasaktan ko ba siya? May Happy Ending ba kami? O sadyang aasa lang ako? SNSD's Taeyeon as Hannah EXO's Baekhyun as Ian