chapter 6: Kilig Moment
Hannah POV
Hindi ko naman masyadong narinig yung usapan nila. =__= Aish. Ang palpak ko.
Naglakad na lang uli ako pabalik sa classroom. Kinikilig kasi ako nung niyakap ni Kevin si ate Chloe. *u*
Aish. Mamaya na ang kilig Hannah. Umupo na lang kagad ako sa upuan ko. Sumulyap ako kay Ian. Tulog. =___=
Lumapit ako sa kanya. Sabay ginulo gulo ko yung buhok niya. Ang lambot kasi ng buhok niya eh. Sarap hawak hawakan. Ang bango pa.
Nagising na si Ian tapos tumingin lang siya sakin. Nakatitig lang din ako sa kanya. Para bang tumigil yung mundo. Parang kaming dalawa lang nandito ngayon.
Lalong lumapit sakin yung mukha niya sabay ngumiti siya. "Hannah. Ba't ang ganda ganda mo?" Namula yung buong mukha ko dun sa sinabi niya. Why o why na may kakayahan ka na pakiligin ako ng ganito? >///<
Ngumiti siya sakin ng malapad sabay lumayo. "Kailangan kong lumayo, baka kasi hindi ko matiis halikan kita." Lalo lang akong namula dun sa sinabi niya. Ginulo niya yung buhok ko. "Pulang pula ka na Hannah. Hahaha." Aish. Nang asar pa! >///<
"Just kidding." Ngumiti naman siya sabay pinisil yung pisngi ko. Hinayaan ko na lang siya. Ang cute rin niya habang pinipisil yung pisngi ko eh.
Bigla sumimangot yung tingin niya. Tinignan ko kung saan siya nakatingin kina Kevin at ate Chloe na nasa pintuan. Bakit ang sama ng tingin niya kay Kevin?
Umupo na lang ng tahimik sina Kevin at ate Chloe. Ano kayang pinagusapan nila? Tinignan ko si ate Chloe parang galing niya lang sa pagkaiyak. Bakit? :(
Haish. Sumilip ako kay Ian, wala na siya. Hinila niya si ate Chloe palabas. Hala? Ba't parang galit?
"Kevin." Tawag pansin ko sa kanya. Inalis naman niya yung headphone na suot niya. He gave me his confused look. "Okay lang ba kayo ni ate Chloe?" Tumango siya. Sabay binalik ulit yung headphones sa tenga niya. =__=
----
Ian POV
"What kind of sht is that?!" Napasigaw na lang ako sa walang oras. Bwiset na Kevin yun para ayawan si ate. Isa pa, si Hannah pa ang gusto niya. Sabi na nga ba, Iba ang tingin niya kay Hannah. Nakakainis.
Nakayuko lang si ate. Alam kong mahal ni ate si Kevin kaya nga pinabayaan ko na lang siya, pero inayawan siya ni Kevin. Langhiya.
Niyakap ko na lang si ate. Isa siya kahinaan ko. Kaya ayaw ko siyang nakikita na ganito.
"Ba-ba-k-kit ga-ga-non no? Mah-maha-mahal k-o si-siya pero ayaw ni-ya sa-kin." Tsk. Isa ko pang kahinaan. Ayaw kong umiiyak si ate. Kasi kahit gano siya kataray, maldita o kung ano. Mahina siya deep inside pagdating sa taong mahal niya.
"Huwag mong iyakan ang mga taong hindi ka bnibigyan ng pansin ate." Yun na lang sinabi ko. Umiiyak lang siya. Hinahayaan ko na lang. Tsk.
"Ian? Ate Chloe?" Napatingin ako sa tumawag samin. Sina Kate at Ethan pala. Nagaalala yung mga mukha nila, lumapit sila samin.
"Ano pong nangyari ate Chloe?" Nagaalalang tanong ni Kate. Kinalas ko na yung yakap ko sa kanya. "You can tell her ate." Tumango naman si ate sakin.
Magkakakilala na sina Kate, Ethan, Richard at si ate. Kasi simula bata pa lang nakikita na niya sila at naging kaibigan na rin pero ayun nga kailangan niya muna pumunta sa Korea for our family matters.
"Shh. Tahan na ate Chloe. It's gonna be okay." Medyo kumalma na rin si ate. Kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag.
"Ang choosy niya." Dagdag pa ni Kate. Natawa naman si ate. Iba na yung aura niya. Parang naging blooming.
"Yaan niyo na nga." Sagot ni ate. "Ayoko na muna siya pagusapan." Tumango na lang kami. Mas okay na yun para hindi naman siya laging malungkot.
Pumasok na kami sa classroom. Wala pa ring teacher. Absent ata kaya medyo riot dito sa room namin. Tsk. Tumabi na ako kay Hannah. Siya naman ngayon yung nakatulog. Nakasalampak siya sa desk niya. Naka earphone.
Ano kayang tugtog ang hilig ni Hannah? Tanungin ko nga siya mamaya. Baka parehas kami ng hilig. ^__^
Sumilip ako kay ate. Nagbabasa siya ng wattpad book. Si Kevin wala sa upuan niya. Lagot sakin yung balbon na yun. Tsk.
Tumingin ako ulit kay Hannah. Medyo nakausli na yung mukha niya kaya nakikita ko na. Kahit tulog mukhang anghel. Ang ganda pa rin niya. Ang simple lang talaga niya.
"Ba't kasi ang ganda ganda mo?" Mahinang kong sabi habang tinitigan pa rin siya. Medyo kumukunoot yung noo niya. Ganun ba talaga yung mga babae? Nilagay ko yung hintuturo ko sa noo niya tapos inalis yung pagkakunot ng noo niya. Pagkatapos kong gawin yun tinitigan ko lang ulit siya.
"Gusto lang ba talaga kita ngayon? Ba't parang iba na?" Bulong ko pa ulit. "Maamin ko kaya sayo Hannah?" Sana maamin ko sa kanya balang araw. Sana magustuhan niya rin ako. Aalagaan ko siya habang buhay. Iingatan. Lahat para hindi siya mawala sakin.
"Ian..." Kala ko gising na siya pero sleep talking lang pala. Nakatitig lang ako sa kanya, baka may sabihin pa siyanh iba kaya naghihintay rin ako. "Ian...ang gwapo mo..." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya sabay nagchuckle ako. Hanggang paniginip ba andun pa rin ako? Ganun ko na siya kagusto?
Nagmulat na siya ng mata sabay tumingin rin sakin. Eto na naman tayo sa titig niya. Kanina ako ang nakatulog, siya naman ngayon.
"Gising ka na." Tumango naman siya. "May nasabi ba ako habang tulog?" Parang nahihiya niyang sabi. Natawa naman ako. "Oo." Nanlaki lang yung mata niya. Ang cute. Haha.
"Talaga? Ano?" Natawa tuloy ako lalo sa itsura niya ngayon. "Sabi mo ang gwapo ko." Namula siya sa sinabi ko. "Aish!" Yun na lang sinabi niya sabay tinakpan yung mukha niya gamit ng palad niya. Haha. Ang cute.
"No need to be shy. Tama ka kasi gwapo naman talaga ako." Natatawa kong sabi. Tumingin naman siya sakin. "Ang yabang mo ah!" Natawa na lang ako. "Ikaw na mismo nagsabi di ba?" Namula na naman tuloy yung mukha niya. Ahaha.
Pinisil ko na lang yung pisngi niya. Napapout siya. Tsk. Baka wala sa oras halikan ko siya.
"Halikan mo nga ako Ian." Nagulat ako sa narinig ko.
0___0
Si Hannah ba mismo nagsabi nun?!
[to be continued]
BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo [COMPLETED]
RomanceYung nainlove ako sa simpleng babae. Na love at first sight. Magugustuhan rin kaya niya ako? Makakaamin ba siya? Masasaktan ko ba siya? May Happy Ending ba kami? O sadyang aasa lang ako? SNSD's Taeyeon as Hannah EXO's Baekhyun as Ian