Chapter 8: What to do?

2.1K 75 4
                                    

Chapter 8: What to do?

Ian POV

Hindi ko pinapansin si Hannah kasi...naiinis ako sa ginawa ko. Hinalikan ko siya. Basta basta ko na lang siya hinalikan. Alam kong galit rin siya sakin pero hindi niya pinapahalata.

Sino ba kasi ako para halikan siya? Ninakaw ko pa yung first kiss niya. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Wala naman siyang gusto sakin o ano. Tapos hinalikan ko na lang siya basta basta? Damn.

Hindi ko kasi natiis kanina na halikan siya. Damn it.

Nung nalaman ko na pupunta siya kina Kevin. Nainis ako. Mag gagabi na pero papapuntahin niya si Hannah don? Mag isa? Tsk. Hindi ko alam kung tanga ba yun. Nagalit patuloy sakin si Hannah. Magaling Ian.

Lalayuan ka na non. Tsk.

Sinundan ko si Hannah hanggang baba. Pero hanggang dun na lang ako. Hindi ko na siya pwedeng sundan. Bakit?

Wala pa akong sasakyan malamang -___-

Tsk. Kainis. Ano bang balak nung Kevin na yun? Nasa kanya na nga ang ate ko, ayaw pa niya. Choosy.

Pumasok na lang ako ng condo ko. Nanood na lang ako TV.

Damn. Hindi ko matiis na hindi isipin si Hannah.

Galit na siya sakin. Lalayuan pa niya ako sigurado.

"IAN!" Sigaw galing sa labas ng condo ko.

Binuksan ko kagad yung pinto.

Si ate pala.

"Why?" Tanong ko naman sa kanya.

"Wala lang. Gusto lang kitang kabonding." I know she's lying.

"Sige na. Tumuloy ka na." Inakbayan ko siya papasok sa condo ko.

Umupo lang siya sa couch ko. She looks so miserable. Alam ko naman kung bakit.

Kay Kevin na naman yan.

"Anong gusto mong kainin ate o inumin?" Tumingin lang siya sakin.

"Just like before will do."

Pumunta kagad ako sa kusina.

I brought her potato chips and her favorite 'Strawberry Juice'.

"Thanks bro." Sinumulan na niyang kumain.

I just stared at her. Alam kong hindi siya okay.

"Sabihin mo na sakin." Tumingin naman siya sakin.

There was a silence before she spoke "I heard na pinapunta ni Kevin si Hannah sa mansion niya." Tumango na lang ako.

"Bakit hindi mo siya sinundan? It's dangerous duh?"

"She was angry at me."

Nagtaka yung itsura niya.

"What? And How?"

"I kissed her."

Nanlaki yung mata niya.

"You whaaaaat?!"

"Narinig mo naman ate."

"Bakit naman siya magagalit sayo then?"

"Ate. Ninakaw ko yung first kiss malamang. Nagalit rin ako sa sarili ko."

"Why bro?"

"Hinalikan ko siya without her permission. First kiss niya yon. Sa classroom lang nangyari. And the last, hindi niya ako gusto pero hinalikan ko siya."

Simpleng Tulad Mo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon