Chapter 3: His Side

60 3 2
                                    

Chapter 3 - His Side

Vamp's POV

"WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA KAY CASSANDRA. BINABALAAN KITANG G*GO KA. NGAYON MO LANG SINABI SAKIN 'TO?! EH TINATAWAGAN KITA KAGABI AH! ANG KAPAL KAPAL DIN NG MUKHA MONG GAWIN SA KAPATID KO YUN. ANO KUNG LASING KA?! T*NGINA!" Sigaw sakin ni Cymon pagkatapos niya akong suntukin. Iniyuko ko nalang yung ulo ko. Hiyang-hiya na ako sa kanilang lahat.

"Sorry, Cy. Sorry din kay Cass. Hindi ko..." Sasabog na yung puso so sa sobrang sakit at hiya, hindi ko nadin natuloy yung sasabihin ko kasi naiyak na ko. Tsk. "Ah... S-sige, a-aalis na ako..."

"Dapat lang. Layas, at huwag na huwag ka ng magpapakita pa dito!" Grabe yung galit nilang lahat sakin. Wala pang alam sina Kuya Vhyn at Ate Vina dito, pero sigurado sasabihin sa kanila ni Cy... O nina Eleanor.

Alam ko, kahit ikaw na nagbabasa, kung nasa lugar ka nila, magagalit ka. Pero sana naman pakinggan niyo yung side ko diba? Kasi hindi ko naman intensyon yung nangyari dun.

~FLASHBACK~

"Vaughn, sige na, pleeease?" Pagmamaka-awa sakin ni Violet, kapatid ng best friend ng kuya ko. Bakit ba kasi sumama yan dito eh! Dapat kuya niya lang! Pati tuloy ako napeperwisyo.

"Hindi pwede sabi eh. Bakit ba ako niyayaya mo, close tayo?" Sa dami ng kaibigan niya, ako pa ang napili isama sa pagsshopping. SHOPPING! Si Cass nga, hindi pa ako sinama sa mga ganyan, tapos ang lakas ng loob magyaya?

"Eh... Ikaw kasi gusto kong kasama eh." Taena, nagblush pa! At kung makapagsalita naman, parang hindi galing sa break up... At, katropa ko yung ex niya. Kainis 'tong babaeng 'to, parang linta!

"Tigilan mo nga ako, Violet. Aalis na ko, pupuntahan ko yung girlfriend ko." Nanlaki yung mata niya. Tatalikod na sana ako, pero hinila niya yung damit ko.

"May girlfriend ka?"

"Kakasabi lang diba? Bitawan mo na 'ko!"

"Tsk. Oh sige ganito nalang... 1 hour shopping lang, promise. Libre pa kita ng regalo diyan sa girlfriend mo eh!" Was it just me or there was a trace of bitterness in her tone? Leche, wala kang mapapala sakin Violet. Si Cass lang, siya lang at wala ng iba.

"Fine." Ugh, I suck at trying to say no. Sabagay, bibilhan ko si Cass ng necklace. Wala, surprise ko lang sa kanya. At para matahimik nadin 'to.

Langya, ayoko na makasama ulit 'tong babaeng 'to. Puro 'Vaughn, does it look good on me?' o 'OMG I AM HAVING A DILEMMA! WHAT TO CHOOSE?!' Shet lang! Bakit di pa kasi maghanap ng bagong boyfriend 'to nang hindi ako yung sinusundan! May girlfriend yung tao, hindi man lang nahiya.

"Teka, hindi ito yung daan sa condo ko ah! Hoy, ibaba mo na nga lang ako!" Bakit ba kasi hindi nalang muna ako yung mag-drive eh!

"Sandali lang tayo sa bar. Gusto ko lang naman makalimutan si Adriel. Pleeeease?" Gusto ko sana siyang sabihan ng 'TANGA, ANG TAGAL KANG HININTAY NI RIEL NA BALIKAN SIYA. SINONG NILOKO MO?', kaso babae nga siya, and I respect women.

"Hindi pwede. Hindi nga ako nakapagpaalam kay Cass eh. Ang dami mong kaibigan, sa kanila ka nalang magpasama."

"BAKIT BA GANYAN KAYONG MGA LALAKI, HA?! Konting oras lang naman hinihingi ko sayo, anong masama dun? What the f*ck, lagi nalang akong iniiwan!" Taena, nangonsensya pa!

"OO NA! T*ngina naman kasi Violet!" Frustrated kong sagot.

"Really?! Yaaaaay! Thank you Vaughn!" Bipolar. Psh.

Nakarating kami sa bar, at takte, dalawang hard drinks agad!

"Uh, no thanks. Hindi ako iinom, sino nalang magddrive pauwi kung lasing tayo pareho, diba?" Pangangatwiran ko. Ayoko naman talaga, di kasi ako nagpaalam kay Cass.

"S'all good, kahit 10 bote pa maubos ko, hindi ako malalasing. Kaya inom ka lang ng inom." Then she winked. Sa huli, uminom din ako. Matagal-tagal na din akong di nakainom, bahala nalang sa explanation bukas.

At gaya nga nung sabi niya, di siya nalasing. Ako, medyo nahihilo na nung lumabas kami ng bar. Siya na nagdrive at naghatid sakin hanggang sa pinto nung condo ko. Actually, pumasok siya sa loob. Wow lang ah.

"Uhhh... Salamat nga pala sa paghatid. Sige na, uwi na." Harsh ba? I don't care, nahihilo na ko eh.

"Sige! Ay teka... Ano 'to?" Sabi niya sabay hablot nung paper bag na naglalaman nung necklace ni Cass.

"Wala yan. Umuwi ka na nga, nahihilo na ko." Kailan ba ako tatantanan nito?!

"Patingin lang!" At hinila niya ulit yung paper bag. Hinila ko naman ito pabalik. Nag-agawan lang kami sa paper bag hanggang sa aksidenteng dumapo yung kamay ko sa...

Dibdib niya.

Nanlaki yung mata namin pareho at natulala. Kaso, namisunderstood niya yata... Because she pulled me close to her, and kissed me torridly.

•••••••••••••••••••••

A/N: Gusto ni Editor-in-Chief lagyan ng BS! Nyahaha. Kaso, POV nung sober, o nung lasing? XD

Btw, I hate you Wattpad for Android :-( Binura niya yung update ko dito sa 3rd chap! Waaah, dapat maguupdate ako kahapon kasi birthday ni Jong Hun baby eh. :-(

PS. Maraming salamat kay ParrotCake_Kokak para sa book cover(yun ba tawag dun?) ng Memories! ANG GALING MO PARROT T.T ^^

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon