Chapter 7 - Nice Bumping Into You... NOT!
Cass' POV
I wiped my tears as I entered the airport. Hindi ko na ata kayang umalis... Pero hindi din naman akong pwedeng bumalik... Jesus, how did it end up this way?
I was dragging my luggage with difficulty, shit ang dami kong dala! Nakatingin ako sa maleta ko when I accidentally bumped into someone.
"Goddammit! Will you watch where you're going?!" AIGOO. Pahiya ako ng konti dun ah...
"S-sorry..." Nahihiya kong sagot. May pinulot siya at nung pagtayo niya, he looked at me with annoyance. Oh my goodness ang gwapo niya! Pero napahiya ako eh... So hinila ko nalang ulit yung maleta ko pero bigla nanaman siya sumigaw.
"AW! SHIT!" Nanlaki yung mata ko, nagulungan siya nung wheels nung maleta ko. T.T Nilapitan ko siya para tulungan pero tinulak niya ako.
"Aray! Ano ba yan! Tinutulungan ka na nga, manunulak ka pa!"
"Eh kung di ka ba naman kasi tanga para gulungan yung paa ko!" Akala ko ba nasasaktan siya, eh bakit ang sungit pa din?! Letche!
"Edi wag na! Hindi ko naman sinasadya. Tutulungan ka na nga, mamamahiya ka pa. Ayusin mo nga yang ugali mo!" At magwawalk out sana ako, kaso epic fail. Hinila niya ako pabalik at iniharap sa kanya.
"Hoy, clumsy girl, wag mo akong sasabihan ng dapat kong gawin, hindi kita kaano-ano. Atsaka ang lakas naman ng loob mong magalit, eh ikaw nga itong nakaperwisyo. Kung di ka lang babae, pinatulan na kita kanina pa." Grabe naman! Sapakin ko siya eh! Sasagot na sana ako, pero bigla niya akong tinalikuran. Aba, ang kapal ng mukha ni kuya! Kapag siya nag-walk out, ok lang?
"Attention. All passengers of Flight 69blahblah please proceed to blahblahblah... Thank you, have a safe flight." (A/N: Wala po talaga akong alam sa ganito, sareeeh XD)
Hindi ko nalang pinansin yung nangyari kanina. I probably won't see him again anyway. OH WELL, THIS IS IT! I'm about to board the plane. Goodbye, Philippines na talaga!!!
*INSIDE THE PLANE*
Aaaaah, nakasakay din. Yeaaaah, tabi ng window! Daming chorva eh sasakay lang naman plane! Mukha ba akong druggie? Tsss.
I was already comfortable in my seat when a b*stard arrived...
"So we meet again, clumsy girl..." Napatingin ako at nakita ko si Mr. Sungit. Problema nito? Kanina magwawalk out, tapos ngayon ang lakas ng loob bumati? Inirapan ko lang siya at kinuha ang iPod ko para magsoundtrip.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko. I faced him and gave him a death glare.
"Woah, chill ka lang Miss!" Sabi niya sakin. CHILL?! Katabi ko ang isang mayabang at masungit na lalaki, tapos chill? "Mukhang magiging masaya 'tong flight na 'to ah, makakapagbayad yung isa diyan na may atraso sakin..."
At dahil badtrip na badtrip na ako sa kanya, I snapped. "Teka lang ha, kanina ka pa kasi eh. Makakapagbayad? Di pa ba sapat na pinahiya mo ko kanina? Nag-sorry naman ako, so I did my part. I even offered help, kaso ipinagtulakan mo ako at sinigawan. You didn't even give me a chance to defend myself kasi nagwalk out ka.Tapos ngayon guguluhin mo parin ko? Eh nananahimik na nga yung tao. Oh sige, pagland ng airplane gulungan mo din yun paa ko. Kung yun ang ikasasaya mo. Bwiset."
Oh ano, nganga siya ngayon? Parang tanga kasi. Again, I put my earphones on, and tried to sleep. Siguro naman, hindi siya ganoon ka insensitive para guluhin ako habang natutulog, diba?
Nagising ako dahil sa announcement nung flight attendant that we're about to land. Hindi naman ganun ka-haba yung tulog ko, grabe naman kayo. Of course, I would wake up every now and then... Pero kasi ang awkward ng atmosphere between me and the guy beside me, so I decided to sleep some more. Kung minsan naman ay pupunta ng comfort room. I just can't stand that guy!
*AFTER THE PLANE LANDED*
LAND SWEEEET LAAAAAND! Ehehehe. Kakatapos ko lang kuhain yung luggage ko and I am about to exit the airport but then the bastard decided to come into the picture again... Seriously?!
"What is it this time? Ah, yung bayad sa 'atraso' ko? Here's my foot, go on." Hinintay ko gawin niya yun, pero nanatili lang siya nakatayo at nakatitig sakin. ANO BANG PROBLEMA MO HA!!!!
"I... Uhm... I just wanted to uh... Say sorry for how I've acted towards you. Yung sa airport, I was just in a really bad mood kasi ayokong pumunta ng US pero pinipilit ako ng magulang ko. I just got off the phone with them nung nabangga mo ko so I snapped. And dun sa plane, sorry din. I'm not a serious person, so I tend to joke about things without even realizing that I'm hurting other people." Nakayuko niyang paliwanag. Naisip kong magpakipot, but he looked so damn cute!
"Uh, yeah... Sorry din dun sa nangyari sa plane. I knew you were joking, pero yun nga, medyo napahiya din kasi ako. It's fine, nothing to worry about." I smiled, walang halong ka-plastikan... Pero may halong pagpapacute. Choss. XD
"You don't have to say sorry, it's entirely my fault. Besides, dahil dun sa mga sinabi mo, medyo natauhan din ako," AND HE FRIGGIN' LAUGHED. Oh my God, yung mga singkit niyang mata, shit ang lalim ng dimples! at mapupulang labi. *drools* Then he extended his hand. "So, friends?
I took it, of course. AW SHEEEZ YUNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK. Aweee, landi. "Yup, friends. Ako nga pala si Cassandra Lilianne. But please call me Cass."
"Ashton Jeremy. Ash." AND THERE GOES THAT SMILE WHICH SENDS MY HEART FLUTTERING. Yieee. <3
•••••••••••••••••••••
A/N: WHAT IS UP YO!!! Ako na late mag-UD, pakshet kasi sino ba nagpauso ng grounding -____- Supposed to be, sa 14 pa ako pwedeng gumamit ng gadgets. Pero dahil sa Merit award ko (((ALABYU MERIT AWARD))), napaaga. Hallelujaaaah!
PS. Jagiya ang tawag sakin ni Hongstar. Me is kinikilig.
BINABASA MO ANG
Memories
Teen FictionAng story na ito ang humubog sa buong pagkatao ko. Bago siya dumating, hindi ko masasabing handa ako sa maaaring maging consequences ng actions ko. Siya ang nakapagpabago sa immature na si Cassandra Lilianne del Castillo.