LOVE ON BORROWED TIME | PRIVATEYOO“Love on borrowed time
Will never be yours nor mine
I need you like you need me
The way we ought to beOh, it's good to be true,
If our hopes and dreams come true
Wish that I had more
Of this borrowed time
If only it would last a lifetime.”
Lyrics from the song “Borrowed Time” by the CUESHE Band.
Masayang isinara ko ang librong halos isang linggo ko ring binigyan ng oras para matapos kong basahin. Sa wakas, natapos ko na rin ang kwentong “It Ends With Us” na isinulat ni Colleen Hoover.
Sikat kasi ang librong ito ngayon dahil kahit ilang mga sikat na artista dito sa Pilipinas ang nagustuhan na basahin ito.
Tutal ay sembreak naman kaya binasa ko na lang din para naman hindi masayang ang oras ko sa kaka cellphone lang.
Nag-unat unat muna ako at pinatay ang music ng cellphone ko atsaka inalis ang nakasabit na earphone sa tainga ko.
Hilig ko talaga kasi ang magbasa habang nakikinig ng musika. Ewan ko ba, para kasing mas lalo akong ginagahan na magbasa at mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko. Isa pa talagang nakakawala ito ng stress. Kahit na mga academic books ang binabasa ko talagang nakikinig ako ng music, kung minsan nga ay naka full volume pa.
Mabuti at hindi ako nabibingi.
Sino ba naman kasing hindi gaganahan kung mga opm mellow rock songs ang pinapakinggan mo. Nangunguna na riyan ang mga musika ng mga paborito kong banda. Isa na diyan ang Rivermaya, Itchyworms, Callalily, Parokya ni Edgar, Hale, at higit sa lahat ang pinaka paborito ko ang kanta ng bandang Cueshe.
Tumayo ako’t lumabas ng kwarto tsaka dumiretso ng kusina. Sinimulan ko nang magluto ng pancit canton para sa aking merienda.
Alas tres na kasi ng hapon at nakagawian ko na talagang kumain ng kahit anong merienda ng ganitong oras. Sakto naman na ito lang ang pagkain na meron ako ngayon dito sa apartment dahil hindi pa ako ulit nakapapamili. Dahil nag-aaral ako ng kolehiyo mas pinili ko na lang na magrent ng murang apartment na malapit sa school kaysa araw-araw akong mag commute ng pagka layo-layo.
Makalipas ang ilang minuto, nang maluto na ang specialty kong pancit canton ay nilipat ko na ito sa isang malaking plato at inilapag sa mesa, nagtimpla na rin ako ng isang basong juice. Pumasok akong muli sa loob ng kwarto at kinuha ang cellphone ko.
Pumunta ako sa spotify at pinindot ang playlist ko kung saan nandoon lahat ng mga paborito kong kanta. Habang masaya kong nilalantakan ang masarap kong merienda at nakikinig sa mga paborito kong kanta ay nagcheck na rin ako ng email ko at messages. Karamihan naman ay hindi importante kaya naman hindi ko na pinag abalahan na i-reply.
Napailing na lang ako ng mabasa ang sunod-sunod na chat message sa akin ng kaibigan kong si Leira 3 minutes ago, kaya naman isa-isa ko itong binasa.
From: Leira Mari
“Hoy, Azellania Joy, ano na? Baka naman gusto mong lumabas labas diyan sa apartment mo’t magpakita sa akin”
BINABASA MO ANG
Love On Borrowed Time [COMPLETED]
Teen Fiction"Posible bang mainlove sa isang taong hindi mo pa nakikita? Hindi mo alam ang itsura, maski ang buong pangalan?" - Zel Is it really possible to love someone you just met online? [Photo used credits to the owner]