Listen to Rivermaya's 214 while reading this chapter, para damang-dama.
NAKAALALAY sa akin si Lei hanggang sa pagpasok ko sa pintuan. Mas malapitan ko ng nakikita ang puting kabaong.
Napapalibutan ito ng napakaraming puting bulaklak.
Nasa gilid nito nakalagay ang isang pamilyar na kulay brown acoustic guitar.
Sa ibabaw ng coffin may nakalagay na isang balot ng jolly biscuit. Sa tabi non nakapatong ang isang picture frame.
Litrato ng taong ilang linggo kong iniyakan.
Litrato ng taong ilang linggong hindi nagparamdam sa'kin matapos akong pasayahin.
Litrato ng taong gustong-gusto kong makita at makausap.
Ngayon naman na nasa harap ko na siya, unti-unting nadudurog ang puso ko.
May lumapit sa amin na isang babae. Nasa tingin ko'y nasa kanyang 40's.
"Ikaw ba si Azel?" tanong nito, bakas ang lungkot at pighati sa mapupungay niyang mga mata.
"Ako nga po..."
Ngumiti siya't hinawakan ang mga kamay ko.
"Ako ang mama..." naputol ng isang paghikbi ang sanay sasabihin niya. Huminga siya ng malalim bago muling magsalita. "Ako ang mama ni Mike." Bigla niya akong niyakap atsaka umiyak sa balikat ko. Hindi ko na rin napigil ang sariling mapahagulgol.
Napuno ng pag-iyak ang buong sala ng bahay. Wala kang ibang maririnig kung hindi ang pagdadalamhati ng mga taong naririto.
Inalalayan ako ng Mama ni Mike palapit sa kanya.
"I'm sure masaya siya makita na nandito ka," hinaplos ni Tita ang mukha ko. "Napasaya mo ang anak ko sa huling sandali ng buhay niya, Azel. Salamat."
"Hindi... hindi ko po alam na may sakit siya."
"He's been fighting leukemia for almost half of his life."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"This year, he decided not to take any medication. He just wanted to enjoy his remaining time doing the thing that he loves."
Ibinaling ko ang tingin kay Mike. Napaka gwapo niya sa suot at ayos niya. Suot niya pa din ang khaki drop shoulder cardigan na suot niya noong huli kaming magkita.
As usual, maputla pa rin siya...mas maputla nga lang ngayon. Iyon nga lang ay wala nang ngiti na nakaplastar sa labi niya sa tuwing nakikita ko siya.
Wala ng mababakas na sakit at paghihirap sa mukha niya. He seems like peacefully sleeping, but lifeless.
Nanginginig na hinawakan ko ang salamin ng kabaong niya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko.
"Wala po siyang sinabi sa akin...Hindi ko po alam na may sakit pala siya."
"I know he has a good reason why he never shared it with you."
"Dahil sa sakit ni Mike hindi naging normal ang buhay niya. May mga pagkakataong hindi siya nakapapasok sa school. Hindi rin niya na gagawa ang mga bagay na gusto niya. Nakikita ko naman na masaya siya, pero bilang ina niya alam ko at ramdam kong may kulang na nararamdaman ang anak ko."
Tumingin ako kay tita. Umiiyak lang siyang nakatitig sa anak niya.
"Alam kong may nakakausap ang anak ko sa dating sites. Nakita ko kung paano siyang tumatawa habang nakatingin sa cellphone niya. Kahit nakikita ko siyang nagpupuyat, kahit na ayokong, hindi ko siya kayang pigilan dahil nakikita kong masaya siya. He never had any relationship before dahil hindi pa raw niya nakikilala ang babaeng gusto niyang makasama habang nabubuhay siya."
BINABASA MO ANG
Love On Borrowed Time [COMPLETED]
Teen Fiction"Posible bang mainlove sa isang taong hindi mo pa nakikita? Hindi mo alam ang itsura, maski ang buong pangalan?" - Zel Is it really possible to love someone you just met online? [Photo used credits to the owner]