Chapter 2

17 1 0
                                    


HINDI ko pa natatapos basahin ang readings na pinapabasa sa amin ng isa naming prof sa Life and Works of Rizal ay isinara ko na ang libro. Ilang oras na rin akong nagbabasa kaya ipapahinga ko muna ang utak ko. 

Nag-unat unat ako habang sinasabayan ang kanta ng The Itchyworms na “Akin ka na Lang”. Napaisip ako bigla, sino kayang kakanta niyan tapos dedicated sa akin? Natawa ako bigla sa naisip. 

Dahil wala naman na akong ibang ginagawa naisapan ko munang maglinis ng apartment. Bago magsimula ay ikinonekta ko ang cellphone ko sa speaker at pina-tugtog ito ng full volume. Halo-halo ang kantang pinakinggan ko. Nariyan ang kanta ng Coldplay na “The Scientist”, napakinggan ko rin ang kanta ng The Script na “The Man Who Can’t be Moved”, kanta ng Simple Plan, Green Day, Callalily, Rivermaya, at napakarami pang iba. Pampagana lang habang naglilinis.  

Nang makuntento na ako sa linis ng apartment ko ay nagpahinga lang ako saglit bago naligo dahil maya-maya ay magkikita na kami ni Leira. 

Sakto alas tres ng hapon ako lumabas ng apartment ng mabasa ang message ni Leira na nandoon na raw siya. Dahil walking distance lang naman ang school at katabi lang nito ang baywalk halos limang minuto lang ay nandoon na ako. 

Nakita ko si Leira sa isa sa mga bench na busy-ing busy sa kadudutdot ng cellphone niya. Take note, wagas pa kung makangiti si gaga. Ito talaga pag nasaktan ‘to sa kaka-dating sites nito, papaiyakin ko siya lalo sa pingot na makukuha niya sa akin.  

Tumabi ako sa kanya’t sinagi ang kamay niyang may hawak ng cellphone. Namulagat pa ang mga mata niya ng muntik ng mahulog ang cellphone niya, mabuti na lang at mabilis niya itong nasalo. Nice reflexes. 

“Ano ka ba, Azellania Joy Hernandez, muntik ng mahulog ang cellphone ko!” 

“Kailangan talagang banggitin ang buong pangalan ko, Leira Mari Factor?” 

“Ikaw kasi nanggugulat ka.” 

Napasimangot ako. “Paanong hindi ka magugulat diyan, halos mapunit na kaya 'yang labi mo kakangiti habang dumudutdot ka diyan sa cellphone mo.” 

“Eh kasi naman, Zel! Nakakakilig itong lalaking kausap ko. Sobrang sweet niya at ang bait-bait pa, tapos sobra pa niyang ganda kausap.” 

Kilig na kilig ang bruha. “Hay nako! Puro ka dating sites, hindi mo nga sigurado kung lahat ng sinasabi at treatment niyan sa'yo e totoo.” 

“Alam mo, Zel napaka-negative thinker mo. Why don’t you try using dating sites and kilalanin ‘ang mga makaka-usap mo before judging them?”

“Tinatamad ako, at wala akong oras. Makikinig na lang ako ng music, solve na solve pa ang buhay ko!” 

Iwinagayway ko sa harap niya ang phone ko. 

Kumukuha ako ng litrato ng dagat at ang malapit ng lumubog na araw ng bigla niyang hablutin ito sa kamay ko. 

“Lei, anong gagawin mo? Nakita mo ng kumukuha ako ng picture e.” 

“That scenery can wait, hindi ‘yan aalis diyan.”

“Eh anong gagawin mo sa cellphone ko may cellphone ka naman.” 

“Ano pa ba edi gagawan ka ng account dito sa Love Match.” 

"Love Match? Ano na naman 'yan!"

"Dating site nga!"

"Ayoko, Lei!"

Sinubukan kong agawin ang phone ko sa kanya pero ini-iwas niya kaya’t hindi ko makuha-kuha. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang hayaan siya dahil kahit anong hablot ko di ko makuha-kuha. Nang masiguro niyang sumuko na ako sa paghablot ay muli siyang naupo sa tabi ko. 

I-sinearch niya ang “Love Match” site tapos nag-sign up dito. Nilagay niyang code name or username ko dito ay Zel. Hindi kailangan ng picture para maging profile picture dahil avatar lang ang kailangan. Nilagay niyang avatar ko ay isang kulay pink graphic na babae may suot-suot na headset. 

Then naglagay siya ng mga basic information like age, then month and date ng birthday ko. Sinelect niya rin sa age range na pwede kong maka-usap ay 20-23 males. Pagkatapos ay nilagyan niya ako ng bio at nilagay ang ilan sa mga paborito kong banda at kanta. 

May kung ano-ano pa siyang pinanglalagay doon pero hindi ko na siya pinanood pa. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya. Pinagmasdan ko na lang ng malaya ang dagat at ang araw na halos isang oras na lang ay lulubog na. Matapos gawin ni Leira ang aking so-called Love Match Profile ay binalik na rin niya sa akin ang phone ko. Nagkwentuhan na lang kaming dalawa ng kung ano-ano hanggang sa nakapag desisyon kaming kumain ng street foods bago umuwi. 

NAKAHIGA na ako’t nanonood ng mga random videos sa Facebook ng biglang may notification mula sa Love Match na lumabas. Ang buong akala ko’y sa website lang si Leira gumawa ng profile, yon pala ay idinownload din niya ang app na ito. 

“Mike visited your profile.” ‘Yan ang lumabas sa notification. Niremove ko lang dahil hindi naman ako interesado. Ipinagpatuloy ko na lang ang panonood, pero muli ring naputol sa paglabas ng notification. 

“Stay at Borrowed Time ang favorite kong kanta ng Cueshe, ikaw ba?” 

This time medyo na-pique niya ang interest ko dahil sa message niya. Kaya ang ginawa ko pumunta ako sa Love Match app na ginawa ni Leira. 

Hindi ko muna siya nireplyan. I visited my profile first. Nagpost pala si Leira ng ibang quotes din. Dahil bagong gawa palang naman ang account ko na ito wala ng ibang post. Hindi pwedeng mag post ng picture dito kaya’t puro text lang ang maipopost mo. 

Then after checking my profile, I visited his profile too. He’s 21 years old. Same old as me. March 15 ang birthday. Mas matanda lang siya ng isang buwan. Wala ng ibang nakalagay na impormasyon. He joined last month of August. Nakalagay sa bio niya ang mga katagang “Love On Borrowed Time” kung hindi ako nagkakamali lyrics iyan sa kantang Borrowed Time ng Cueshe. 

Tapos mga motivational quotes ang nakapost sa timeline niya. Gaya ng “Live your life to the fullest. Do the things that make you feel alive.”, “In the end, we only regret the chances we didn’t take.” at marami pang iba tapos ang iba naman ay mga lyrics na ng kanta. 

I think if your really want to connect with each other at magkakitaan ng mukha kailangan niyong lumipat ng ibang app. May pagka mysterious kasi ang magiging dating mo sa app na 'to.

Good thing meron namang call and voice message na pwede sa app na ito. 

Nagdadalawang isip ako kung irereply ko ba siya o sasagutin ang tanong niya pero dahil nanaig ang curiosity sa akin at dagdag factor na rin ang mga post niya kaya nireplayan ko siya. 

“Hi. I love all their songs, pero pinaka paborito ko rin ang Borrowed time.” 

Hinintay ko ang reply niya, pero sa halip na chat message ang matanggap ko voice message ang isinent niya.

Agad kong pinindot ang play button. Nagulat ako ng bigla akong may marinig na pagstrum ng guitar at ilang segundo pa narinig ko na ang isang napakagandang boses na kumakanta ng Borrowed Time. 

Napapikit ako para nas mapakinggan ito.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapakinggan ito. 







Love On Borrowed Time [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon