“Ayaw pa kunwari na mag dating site, pero tingnan mo ngayon daig mo pa ako kung makipag late night talk.” Pang-aasar ni Leira.
Sabado ngayon at nandito siya nanggugulo sa apartment ko.
Gumawa kasi kami ng Thesis paper namin at dito na niya naisipang matulog dahil tinatamad na raw siyang umuwi. At ang gaga, ready dahil may mga dalang damit. Hindi halatang plinano niya ito.
“Baka naman Azellania kayo na ng Mike na iyan, ha?” pangiintriga niya. Binato ko siya ng unan. Nakaupo kasi siya sa study table at nilalaro ang cellphone kong nakacharge habang nakadapa naman ako sa kama.
“Loka ka ba? Magkaibigan lang kami ni Mike.”
“Sus, magkaibigan daw e apat na buwan na kayong magkausap niyan e. September kayo nagsimulang mag-usap December na ngayon! Impossible naman na walang feelings na nadedevelop sa pagitan ninyong dalawa.”
Napaisip ako at pinakiramdaman ang sarili. May feelings na nga ba akong nadedevelop para kay Mike? Pero posible ba iyon? Ni hindi ko nga alam kung anong itsura niya…
“Posible bang mainlove sa isang taong hindi mo pa nakikita? Hindi mo alam ang itsura, maski ang buong pangalan?” tanong ko kay Leira.
“Hay nako, Zel. Maswerte ka at ako ang kaibigan mo. Kung kaya’t mabibigyan kita ng magagandang payo.”
Lumapit siya sa kama at dumapa rin sa kama gaya ko.
“Alam mo, Zel, sa tingin ko ay mas pure at sincere ang love kapag nahulog ka sa isang taong hindi mo pa nakikita. Kasi nahulog ka sa kanya hindi dahil sa itsura niya, kung hindi dahil sa personality nito.”
“You connect with that person deeply because you build a strong emotional connection without judging its physical appearance. Aminin mo nagiging factor natin minsan ang itsura kung bakit may mga tao tayong pinipiling hindi kausapin, diba?”
Tumango ako dahil tama siya. Sometimes we tend to look more on the physical appearance than what’s on their inner self. Kapag hindi pasok sa standards natin when it comes to physical appearance kahit gano pa sila kabait tinatamad tayong makipagusap sa kanila.
“Aaminin ko na unti-unti na akong na-aatach kay Mike. Pero at the same time natatakot ako na baka puro pagpapanggap lang ang lahat. Minsan nga nag ooverthink ako, baka mamaya super tanda na pala niya tapos nagpapanggap lang na bata?”
Tumawa ng malakas si Leira, tapos ay hinampas pa ako sa balikat.
Hinimas ko ang balikat na hinampas niya.
Ang sakit.
Kung sipain ko kaya to palabas ng apartment ko?
“You know what, you make things hard for you. Bakit hindi ka na lang kasi makipag meet-up sa kanya ng sa ganoon mawala ang pag ooverthink mo? See the answer yourself.”
“What? No! Ayoko!”
“Haler! Paano mo mako-confirm kung nagpapanggap lang siya o ano man kung hindi ka mag lakas ng loob na makita siya?”
“But–” pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng paglagay niya ng daliri niya sa labi ko.
“No buts, Zel! And besides, pumayag na rin naman si Mike na makipag-meet up sa’yo bukas sa baywalk ng 4 pm.”
Ngumisi siya kaya nginisian ko rin siya. Hinawakan ko ang daliri niya at tinanggal ito sa labi ko. “Paano siya papayag hindi ko naman siya ina–” kusa akong natigil sa pagsasalita ng may marealize ako.
“LEIRA MARI!” Buong lakas na sigaw ko’t mabilis na lumundag sa kama para kunin ang cellphone ko. Mabilis ko itong pinindot at hinanap agad ang Love Match app pagkatapos ang binuksan ko ang nag-iisang conversation na naroon.
Masama ang tingin na ibinato ko kay Lei ng mabasa ko ang chat na sinend niya kay Mike na nagsasabing magkita kami bukas sa baywalk ng 4 pm.
“What? I just gave your problem a solution. A great idea, isn’t it?” Halos mapunit ang labi nito sa pagkaka ngisi.
Lalapitan ko na sana siya at kukutusan ng limpapo at pitong beses ng biglang tumunog ang notification ng cellphone ko. May chat message from.love match. Obviously, galing ito kay Mike.
“Reassured na darating ako.”
“Based on your shining shimmering eyes, I guess he replied an answer that you wanted to read. Consider your problem solved, my dear.” Pang-aasar pa ni Leira.
**
WE’RE FINALLY seeing each other. This is it. After how many months of communicating behind the screens we’re finally seeing each other in a minute.
“Akala ko ba ayaw mo siyang makita? Bakit excited na excited ka naman ata, Zel?” Pang-aasar ni Lei habang palabas kami ng apartment.
“Hindi no, tigilan mo nga kakaimagine mo diyan, Lei. Hindi ako excited no.”
“Your actions are the exact opposite of what you were saying, dear.”
“Just shut up, Lei. I’m getting nervous.”
“Don’t be, Zel. I got you!" sabi nito tapos kinindatan pa ako't nauna na sa aking naglakad.
Ilang minuto lang ang ginugol naming dalawa ni Lei sa paglalakad at narating na namin ang baywalk sa tabi lang ng campus. Naupo kami ni Lei sa bench kung saan palagi kaming nakapwesto.
“Sinabi mo ba sa kanya kung anong kulay ng suot mo?” tanong ni Lei ng mapansing palinga-linga ako.
“Oo sinabi kong naka chocolate brown skirt ako at beige ang kulay ng damit kong suot.”
Luminga-linga rin si Lei sa paligid. “Walang ibang nakasuot ng damit tulad ng kulay ng damit mo kaya for sure makikita ka niya kaagad.”
Maya-maya pa’y may narinig akong nagstrum ng guitar at intro ng Borrowed Time ang tugtog kaya naman agad akong na patayo at tumingin sa likod ko.
“I knew it. Kanta talaga ng Cueshe ang connection nating dalawa.” Nakangiti na bungad ng isang lalaking may hawak na gitara.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
“Mike?” patanong na bigkas ko ng pangalan niya.
Lumapit siya at huminto dalawang hakbang ang layo mula sa akin. Matangkad siya sa akin. Mapungay ang mga mata niya. Makinis ang balat, mukhang mabango at malinis sa katawan kung siya ay titingnan.
Bitbit niya ang kanyang kulay brown acoustic guitar. Nakaplastar sa mga labi niya ang hindi maalis-alis na ngiti. Yon nga lang ay kapansin-pansin ang pamumutla niya. May sakit kaya siya o baka sadyang ganyan lang siya kaputi?
“It’s finally nice meeting you, Direk.” He then stretched his hands towards me.
BINABASA MO ANG
Love On Borrowed Time [COMPLETED]
Teen Fiction"Posible bang mainlove sa isang taong hindi mo pa nakikita? Hindi mo alam ang itsura, maski ang buong pangalan?" - Zel Is it really possible to love someone you just met online? [Photo used credits to the owner]